Chapter 18

4 0 0
                                    

Una naming pinuntahan yung ice cream parlor. Waaaah! Ice creeeeaaaam!!! Ang lapad ng ngiti ko dahil eat all you can ang peg ko.!:))

"Anong sayo?"

tanong niya.

"Uhh..isang rockyroad flavored ice cream."yun lang MUNA.

"Yun lang? Wala ng iba?"

"Actuallu second batch pa yung iba. Hehe!"

"K." ay ganon?

Habang umorder siya tinext ko si Chase. Tsk tsk tsk. Matagal ng di nagparamdam.

To: Chase gwapo☆

Oy Chacha!!!! Ba't di kana nagpaparamdam?? Di nakita gaanong nakikita sa school. Anong probs mo?

*sent*

After 1 minute walang reply.

(A/N: wala naman sigurong tao na within one minute  rereply agad. Haaays..)

Sabagay.. Maya-maya dumating na si Kylezhen.

"Oh, ayan na."*0* Ice cream.

"Thank youuuu!!"

di na siya sumagot, imbes ngumiti na lang siya. 

Grabe! Heaven!

"Uy may dumi oh."sabi ni Kylezhen at pinahiran yung gilid ng labi ko gamit ang tissue. Ooookay? Parang abnormal heart beat ko. Makapacheck-up nga.

"Uhh.. S-salamat." sabi ko. Kailangan na talaga to ng check-up, pati pananalita ko bulol. Tsk.tsk.tsk.

Natapos ko na yung kinain ko at yung kinain niya. Ako naka dalawang ice cream siya naman isa lang. Sus! Padiet-diet effect.-_-

Palabas na sana kami ng ice cream parlor ng may nakabangga sa amin ni Kylezhen at natapunan kami ng ice cream. Aish!

"S-sorry po. Di ko po sinasadya. Pasensya na."tiningnan ko kung sino yung naka bangga. Isang babae.

"Uhh...okay lang" sabi ko, kahit di naman okay. Ang lagkiiiit!

"Pasensya na po talaga."

"No no no, it's okay. Wala kang dapat ikabahala."

"Salamat po ate." sabi nung babae at umalis na.

Ito namang katabi ko ang seryoso ng mukha. Walang balak magsalita?

"Ui! Kylezhen."

"Sh*t. Ang lagkit. Tara bili na lang tayo ng damit para makapagbihis tayo."

Hindi na ako nagsalita at lumabas na ng ice cream parlor. Pumasok kami sa isang shop ng mga damit.

"Sige na. Pili ka na lang ng sayo pili lang rin ako ng akin. Treat ko." weehhh?? Ang mahal kaya ng damit dito. Pero di bale na, libre daw eh! Hehehe!!

Nanghahalungkat na ako sa isang rack ng mga pambabae na damit. May nakita akong black na shirt na may print na isang babae na cartoon na nakaextend ang kamay sa lower left part ng shirt, parang may inaabot. Actually polo shirt siya na pang babae. Ito na nga lang.

Pumunta na ako sa counter. Nandun na rin pala siya.

"Eto oh." binigay ko sakanya yung shirt para mabayaran na.

"Eto yung pera oh. Ikaw na lang magbayad ng sayo.Tapos na akong nagbayad. Magbibihis lang ako."sabi niya at pumasok na sa dressing room. Okay, marunong naman siyang maghintay ano?

Binayaran ko naman yung akin, nung binigay na sa akin nung cashier yung paper bag may sinabi siya.

"Ang galing niyo pong pumili ma'am. Para kayong may bluetooth." sabi ni ateng cashier at ngumiti.

Ano daw?o.O

Ngintian ko na lang siya kahit di ko gets.

Pumasok na rin ako ng dressing room at nagbihis. Humarap ako sa salamin. Tamang-tama lang. Kasya lang.:)

Lumabas na ako at nakita ko si Kylezhen nakatayo sa labas ng shop.

"Tara na?" aya ko. Napaharap naman siya at tiningnan yung shirt ko at napangisi.

"Galing pumili ah." sabi niya.

Anong pinagsasabi neto? Malala na 'to.

Pati rin yung mga tao sa paligid nakatingin sa amin at parang kinikilig..ANONG PROBLEMA NILA????

Nagalakad na lang kami papunta sa sinehan. Omg!! Manonood kami ng sine!! Libre niya!! Hindi pa kasi ako nakakapanood ng favorite kong movie since hindi ako masyado makalabas ng bahay at makakapagpasyal.

"Anong gusto mong panoorin?" tanong sa akin ni Kylezhen.

"DIVERGENT!"Mabilis pa sa alas kwatro kong sagot. Nabasa ko na yung book nun at ngayon papanoorin ko na yung movie! Gosh! Excited na akong makita yung mga scenes ni Tris dun sa fear landscape niya. Kyaaaaaaaah!!

"Tara na!! Bilis na Kylezhen!!" hinila ko na siya papunta sa bilihan ng ticket at nakita ko siyang nakangisi lang.

Ng makarating kami sa pila binigyan niya ako ng pera.

"Oh eto. Ikaw na lang bumili ng snacks tapos ako na lang pipila dito at bibili ng ticket."

"Okay boss!" Yes! Bwahahaha!!Libre akong pumili ng makakain.:D

"Good morning ma'am!"bati sakin nung babae na nasa snack bar.

"Ate isang medium sized popcorn po tapos isang malaking nova, piattos yung sourcream po then isang mr.chips.Tapos sa drinks naman ate dalawang iced tea po. Large and then dalawang bottled water."

Binigay na sa akin yung mga pagkain at binayaran ko na.

Nung bumalik na ako sa bilihan ng ticket nakita kong may hawak na si kylezhen na dalawang ticket. Kyaaaah!!

"Ako na lang bibitbit niyan." alok niya sa akin.

"Okay."Kinuha ko na yung ticket at binigay sa kanya yung snacks.

Emgeee!! Pumila na kami at bibigay ko na yunh ticket sa guard at pumasok na sa cinema 2.

Golly!! DIVERGENT!! HERE I COME!!!!

----------------------------------------

Sorry.. Sabaw ah. Wala sa mood eh.=_=

Vomments po. Salamat.

-젯아

Fiancé TroubleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon