Chapter 1

76 2 1
                                    

*tok tok tok tok*

"Chloe! Gising na! May lakad raw tayo sabi ni mommy!"

Napabangon tuloy ako. Ayaw ko kasi na dinidisappoint si Mommy eh. Mahal ko yun!

"Opo kuya, bababa na lang ako mamaya. Maliligo muna ako."

"Sige. See you!"

Bumangon na ako ng nakapikit. Eh inaantok pa ako eh.

*Boogsh*

"Aray naman!" Maktol ko sa sarili ko. Minulat ko ang mga mata ko.

"Ay, Cabinet ko lang pala." para akong tanga dito, kinakausap ko ang sarili ko.(-○\)

Naligo na ako at nagbihis.

Simple lang outfit ko ngayon. Skater skirts na navy blue at knitted sweatershirt na white and blue and white na vans shoes.

Ako nga pala si Chloe Martin. 16 years old. Fourth year highschool na ako sa Cademont University.

Meron akong apat na nakakatandang lalaking kapatid. Si Andrew Martin(22), Kyle Martin (24), Storm Martin (24), and John Martin (19).

Kuya Kyle and Storm are Fraternal twins kaya hindi sila magkamukha.

Bumaba na ako sa dining room.

Sinalubong na ako Manang Loring.

"Ay Chloe, nga pala. Nauna na silang lahat doon."

"Ah sige manang salamat."

Umupo na ako at sinimulang magpakababoy. Ohh yeah! I am pigging out again. Ewan ko ba kung bakit. Kain ako ng kain di naman ako tumataba. Kung tataas ang kilo ko, 1 kilo lang rin ang itataas.

Natapos na akong kumain. At niligpit ang pinagkainan ko.

"Manang, alis na po ako."

"Sige iha. Good luck!"

Nginitian ko na lang si manang. Whew! Nakakakaba! (▲.▲)

Pumunta na ko ng garahe, pagpasok ko ng sasakyan ay may nakita akong sticky note sa manibela.

'Queen's Village, Princess St., #021'

Eto na siguro yung address. Ay malamang Chloe. Ano bang tingin mo dyan?! Death Threat?!

Nag drive na ako papunta sa address na nakalagay. Yeah, I drive, nakakuha ako ng license because of money. Hayy, henerasyon ngayon, pera lang katapat.

Nakarating na ako sa bahay daw na pupuntahan. Nakita ko ring nakahilera ang kotse nila kuya at mom and dad sa labas. Alangan na mang sa loob?

Malaki ang bahay. Mayaman rin pala ang nakatira dito.

Nag door bell na ako. At may sumalubong sa akin na maid.

"Good Morning maam Chloe!" bati niya. Teka? Ba't ako kilala nito?

"Uhh.. S-sige. Salamat!"

Ginuide niya ako papunta sa meeting hall raw. Meron palang ganun?

Bumungad sa akin ang napalaking pinto nung hininto ni Ate Maid ang paglalakad..

"Pasok na ho Ma'am."

"Ate, Chloe na lang."

"Ahh sige Ma-- ay este Chloe!" natawa kami ng konti. Ewan ko bakit.

Pumasok na ako at bumungad sa akin ang pamilya ko at sila Tita Audrey at Tito Ron at  isang lalaking naka Semi-Formal na damit. Anak siguro nila.

Fiancé TroubleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon