Chapter 12

7 0 0
                                    

Kylezhen's POV

NAKAKABADTRIP ANG ARAW KO!! SHET!!

una

Sinamahan ko siya sa Detention Room ng ilang oras para lang masiguradong ligtas siya dun at walang aapi o aaway.

pangalawa

Sinabay ko siya sa pag uwi para di na siya mag commute. Wala kasi yung driver niya eh. At pinagbuksan ko pa ng pinto.

pangatlo

Nagmakaawa ako kay Carlo para bigyan niya lang ako ng notes para sa subjects na namiss niya.

pang-apat

Dahil sigurado akong di niya maiintindihan ang hand writing ni Carlo tinype ko pa at nagaksaya pa ako ng oras sa pag print nun............

DI MAN LANG NIYA NAISIP NA MAG THANKYOU PAGKATAPOS KUNG GAWIN LAHAT NG BAGAY NA YUN SA KANYA?!!!

Walanjo! Nakaka badvibes!!! Kanina nung pumasok ako sa kuwarto niya akala ko magpapasalamat eh.-.-

Heto ako ngayon sa garden, umiinom ng Cali. Di ako pwedeng maglasing eh, may pasok pa bukas.

Nangangalahati na ako sa iniinom ko ng maaninag ko ang isang babae sa may pool.

Mukhang makakaganti ako ah.

Eto nakukuha ng di marunong magthankyou.

Chloe's POV

Binabasa ko na yung mga notes nang magtext sa akin si Chase.

From: Chacha gwapo★

Bespren, walang quiz at assignments kanina sa inyo tinanong ko isa sa mga classmate mo kanina. Sabi rin ni Carlo binigyan niya daw kayo ni Kylezhen ng notes. Yun lang! Good Evening!!:)♥

Yan yung laman nung text. Yung pangalan ng contact na Chacha gwapo★, actually Chacha★ lang yan pero dahil sabi niya kailangan daw may adjective kaya ayun, nilagyan niya ng gwapo at sa dulo. Hangin talaga.

Nag reply naman ako.

To: Chacha gwapo★

Salamat chacha!!!:)♥♥ Good Night! Sweet dreams!:)

Dahil wala namang quiz at assignment napagpasyahan kong bumaba. Pero bago ako makababa may narecieve akong text galing sa unknown number.

From: +6394211.......

Hoy malandeng Chloe Martin! Alam mo bang napadetention si Kylezhen dahil sayo?! Walang hiya ka! Ang landi mo, pagkatapos mo siyang sabihan ng Zebra lalandiin mo siya ngayon?! Ang kati mo. Siguro isa kang bar girl dati kaya madali kang makalandi ng lalaki!! YOU'RE A BITCH!!

Di ko namalayan na tumulo na luha ko.

Ano nanaman kaya ginawa ni Kylezhen at bigla akong napasok dito.

Pumunta ako ng pool at binabad ang paa ko doon.

Bakit ba simula nung dumating ang zebra na to sa buhay ko ganito na ang lagay ko?

Yan ang tanong na nahihirapan akong hanapan ng sagot.

Napatigil ako sa pagiisip ng may tumulak sa akin sa pool. Shet!!! Ang lalim!!

Marami na akong na iinom na tubig. Kumakaway kaway ako para may tumulong sa akin pero wala, isang lalaki lang na tawa  ng tawa ang nakikita ko.

Pero nung napansin niya talagang seryosong nalulunod na ako ay bigla siyang tumalon sa pool at lumangoy pa punta sa akin.

Niyakap niya ang bewang ko para di na ako malunod.

Nakarecover ako sa pagkalunod pero heto pa rin ako sa tubig.

Tiningnan ko kung sino ang sumagip and at the same time, nagtulak sa akin..

Si Kylezhen.

Biglang uminit dugo ko at pinag palo palo siya.

"Aray! Aray!! Anuba, aray!Chloe naman!!"

"Walang hiya ka! Pagkatapos mo akong idamay sa kalokohan mo kanina sa room itutulak mo pa ako dito!!!! Demonyo ka!!!"

"Chloe tama na! Masakit na!! Aray! Sige ka bibitawan kita malulunod ka ulet. Aray!" sigaw niya pero di ako natinag at patuloy siyang pinapalo.

"Walanghiyang zebra ka!!! Pahamak ka talaga!! Wala ka na---" natigil ako nung naramdaman ko ang labi niya sa labi ko.

Nagsimula siyang igalaw ang labi niya.

Alam kong mali pero.. Alam niyo yung feeling na Cloud 9 plus Heaven..

Bumitaw siya at tiningnan  niya ako ng may nakakalokong ngiti sa labi.

"Yan lang pala katapat mo eh."

Natulala ako. Nabalik ako sa realidad ng maramdaman kong lumamig.

Naiahon na niya pala ako.

"Sa susunod matutong kang magpasalamat ." yun lang ang sabi niya at naglakad pabalik sa loob ng bahay.

----------------------------------------

Kitakits na next UD. Sarreh laging late ang UD. Busy eh, nakakamatay maging estudyante.=_= Byebye!!

Fiancé TroubleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon