Chapter 16-Athesia's Thought

40 5 1
                                    

CHAPTER 16

Athesia POV

Isang nakakalungkot na umaga na naman ang dumating. Nakahiga ako sa kama at pakurap kurap kung tinititigan ang kisame..

Halos araw araw ganito na ang gawain ko...Wala namang magbabago kung babalik pa ako sa dati..

Iniisip ko pa rin ang mga alaala namin ni mama..Ayaw kung kalimutan ang pagkalinga, ang yakap at higit sa lahat ang pagmamahal niya...

Sa bawat araw na dumaan, ang tanging gusto ko lang naman na sa pag gising ko babalik ang lahat sa dati at makasamang muli si mama..

Bakit ganun? simpleng kahilingan ko lang naman na makita at mayakap si mama, bat hindi kayang ibigay ng Diyos yun??

Sa totoo lang mas pinili ko ang maging ganito..Ang maging tahimik at walang kahit na anong bagay na iniisip. Dahil ayaw kung mabaling ang atensyon ko sa iba..Gusto ko si mama lang ang nasa isip ko...Alam kung mali, pero yun ang dapat..

Alam kung napapagod na sila, mas lalo na si papa..Kung sinu sinong doctor na ang hinanap niya sa buong mundo para tignan ako, pero wala silang makitang sakit, dahil wala naman talaga akong sakit..

Dahil ako ang gumawa ng sakit ko..Sakit na sa puso't isip di malulunasan..Dapat noon pa lang nakinig ako sa mga payo nila na kalimutan ko na ang nakaraan..Pero di ko kaya, dahil sa bawat pagpikit ng aking mga mata ang aksidente na yun ang lagi kung napapanaginipan...

Parang sinisisi nila ako sa pagkamatay ni mama kahit di ko naman nakikita na sinisisi nila ako, pero ramdam ko sa tingin at kilos nila na ako talaga ang may kasalanan..

Dun nagsimula naging ganito ako. Para mawala ang pagsisisi nila sakin, ako na lamang ang sisisi sa sarili ko..Wierd!! pero yun ang gusto ko..Kaya nung nalaman nila na naging ganito ako, parang nagbago ang lahat mas nakikita ko ang pagsimpatya nila sa yumao kung ina..

Lahat gustong gumaling ako, sinasabi nila na kahit para sa papa ko dapat gumaling ako. Naging madamot ako kasi hindi ko inintinde ang ibang tao, sarili ko lamang ang iniisip ko..

Si vladimir, buong buhay niya kasama na niya ako..Simula sa pagiging bestfriend hanggang sa naging bantay ko..Alam ko nung una ine enjoy pa niya ang pag sama sakin pero ramdam ko nababagot na rin siya at napapagod..

Nakikinig ako sa bawat kwento niya, kung ano ang ambisyon niya sa buhay. Kung ano ang buhay namin kung hindi ako nagkaganito..

Sa bawat joke na sinasabi niya kahit alam kung nakakatawa,  pinipigilan ko ang sarili ko na matawa. Kasi feeling ko parang unfair kung ako naging masaya si mama hindi..

Kaya para makabawi sa bestfriend ko kailangan ko na siyang pakawalan. Kaya ginamit ko si andrex para sabihing nakikipag ugnayan na ako sa ibang tao..Alam kung natuwa sila, pero di nila alam sa loob-loob ko ay nalulungkot ako.

Love Game: The Unforgotten MemoriesWhere stories live. Discover now