Chapter 5-Believe It or Not

95 6 0
                                    

CHAPTER 5

" Aaaahhhhhhh!!! bat di ako maka concentrate?!" Focus! Drex! Focus!" nasa kalagitnaan ako ng review ko para sa contest pero di ko pa rin maintindihan ang binabasa ko! Hindi naman ako dating ganito ha?! Nakakainis na multo na yun!bwisit!

Tumayo ako sa study table ko at sinipa papasok ang silya sa ilalim ng lamesa. Binagsak ko naman ang katawan ko sa malambot na kama. Nakatitig ako sa kisame at iniisip ko parin ang nakita ko kanina, hindi naman sya mukhang panaginip. Dapat di ko na iniisip yun na dedestract na ang isipan ko sa mga walang kwentang bagay! Tumagilid ako at kaharap ko ngayon ang school bag ko. Tinitigan ko ito pero wala naman sa bag ang atensyon ko kundi ang nasa ilalim ng pinatungan na bag. Bumangon ako at kinuha ang libro. Ito pala yung guide book sa contest. 

"Bat ba hinde ko naisip to? Ang gwapo mong Tanga drex! binigyan ka na nga ng guide book di mo pa inalala! Tanga!" sermon ko sa sarili ko.

Kasalanan to ng multong yun! Simula ng pumunta ako ng music room puro kababalaghan ang nangyayari sakin! Dapat ipasara ang music room! TAMA! Isasuggest  ko talaga sa guidance ang lahat ng to! Pero pano naman kung di sila maniwala? Tanga ka talaga..Iisipin nila nababaliw ka na! Lam ko na! Ako nalang ang gagawa ng paraan maghahanap ako ng magaling na spiritista, feng shui, albolaryo, mangkukulam, pari, madre kahit ghost buster pa!! 

" kung sino ka mang babae ka multo ka man o nagpapanggap na multo humanda ka sakin!" inis na banggit ko sa sarili ko! at dun ko lang nalaman na mapupunit ko na ang guide book sa sobrang galit!

Inayos ko naman ang libro baka sakaling tumuwid pa pero bigo ako..Tsk! Binuklat ko na ang libro pero sa pagtataka ko bat walang laman?? Pinalitan ko ng pahina ganun pa rin palipat lipat ako ng pahina wala pa rin! Ano to gagawa ng libro ng walang laman? Inisip ko nalang na nagkataon napunta sakin ang librong may factory defect. 

Hinagis ko sa lamesa  ang libro at humiga na sa kama. Unti unit na akong nakaramdam naman ako ng antok kaya ipinikit ko na ang aking mata..

"DDDRRRREEEEXXXXXX!! sigaw ni marky at patakbo papunta sakin. Kita ko sa mata nya ang sobrang pag alala at takot. Nakikita ko syang mabilis na tumatakbo papunta sa kinaroroonan ko pero parang mas lalo syang lumalayo.

Nakaramdam din ako ng lamig at takot ng may katawang pumulupot sa likuran ko at kamay na  tumatakip sa bibig ko at ramdam ko rin ang malamig na mukha sa batok ko. Gusto kung pumiglas pero di ko magawa parang na istatwa ang buo kung katawan sa takot. Lilingon na sana ako ng biglang sumigaw si marky!

" DRRREEEXXX!! KAHIT ANONG MANGYARI WAG NA WAG KANG LILINGON!!!" naalala ko ang katagang yan katulad ng sinabi ni manong jack pero huli dahil nilingon ko sya at nakita ko na ang babaeng bangungut sa buhay ko!

Napabalikwas ako ng bangon at kinapa kapa ang katawan ko! Panaginip lang pala! Bwisit!! Kelan ba ako lulubayan ng multong yun!! bwisit! Sinabunutan ko ang sarili ko! at kita ko ang pamamawis ng katawan ko kahit malamig naman sa silid ko. Ayoko ko na di ko na kaya dapat na akong kumunsulta sa kahit anong spiritista!! Bumaba ako sa kama at lumabas ng kwarto. Papunta akong kusina at uminum ng tubig. At dun ko naisip na mag isa lang pala ako dito sa malaking bahay. Wala ang mga magulang ko hindi ko sila kasama dahil sa probinsya talaga ang lugar namin. Ayaw rin ng papa ko na papuntahin ng ciudad ang mama dahil sa natrauma na ito dati. HIndi na rin ako nagtanong kung bakit dahil iniiwas ni papa ang tanong ko.

Paakyat na ako ng kwarto ko ng biglang nag brown out! Wat the??? at sa kamalas malasan eh natalisud ako sa hagdan buti nalang at kumapit ako sa pasamano ng hagdan. Bwisit!! Bwisit! Kumapa kapa ako hanggang nasa harapan na ako ng kwarto ko at pinihit ang doorknob. Maliwag ang silid dahil na rin sa liwanag ng buwan na pumapasok sa bintana kaya kita ko pa rin kahit papano ang silid ko. Nahiga na ako sa kama at sa takot na mapanaginipan ko naman ang babaeng yun naisipan ko nalang na isalampak sa tenga ang earphones ko. Nakinig lang ako sa music at minsan sinasabayan ko naman sa pagkanta pero hindi pa rin ako makatulog. Kaya nag scroll ako sa music list ko at ang huling naisip ko na makapagpatulog sakin ay ang record ng boses ng mama ko nakinakanta o humming nya para makatulog ako.  Ang clair de lune. 

"Goodnight Mama" ipinikit ko ang mata ko at nakatulog na.

#redangel238

share your thoughts!

comment please

Love Game: The Unforgotten MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon