Chapter 3-Abnormal Days

118 7 1
                                    

CHAPTER 3

 

Nagising ako sa pagyugyug ni marky sa balikat ko."Drex, uwian! Di ka pa uuwi? tanong ni marky sakin.

Nanatili pa rin akong nakayuko sa upuan ko. Binalewala ang tanong ni marky." Drex, mauna na ko! Dadating si dad ko ngayon, kailangan ko ng umuwi" pagmamadali ni marky at naramdaman ko pa na kinuha ang bag nya sa kanyang upuan at mabilis na paghakbang paalis..

May naririnig pa akong mga kaklase ko na  naguusap, nagtatawanan, nagbubulungan kaya nanatili pa rin akong nakayuko sa upuan ko at natulog alam ko naman na gigisingin naman nila ako kung aalis na sila..

Nagising ako ng may maramdaman akong dampi ng palad sa likuran ko, at unti unting kong inangat ang aking ulo ko at Isang imahe ng matandang lalake ang aking nakita na nasa harapan ko. Sa pagkabigla ko naitulak ko sya at natumba ang matandang lalake..Dun ko lang na malayan na ang janitor pala ng eskwelahan na to ang nasa harapan ko ngayon..

" Manong Jack naman O! Ginulat nyo po ako! yan tuloy naitulak ko po kayo! pasensya na po"! sabay lakad papunta sa kanya at tinulungan sya na maitayo.

" nasaktan po ba kayo?" alalang tanong ko sa kanya. Pinapagpag nya ang pantalon nya dahil na tapon ang kahon ng chalk sa kanya..

" Ok, lang ako hijo. Pasensya na rin at nagulat kita. Kanina pa kasi kita ginigising. Hirap mo kasing gisingin bata ka! Wala ng estudyante dito, alas sais na ng gabi at nandito ka pa. Buti nalang at naglibot libot pa ako sa mga silid kundi masarado ka talaga dito" paliwanag ni manong jack. at dun ako natauhan na hinde ako ginising ng mga kaklase ko. Iniwan nila ako dito. Humanda talaga sila sakin bukas.

"Ah, ganun ba. Sige po. Aalis na po ako. Pasensya na po talaga." sabay kuha ng bag ko at naglakad palabas ng silid. Nakakalayo na ako nag tinawag ako ni manong jack.

" ahm, Hijo dire diretcho ka lang  sa dinadaan mo at wag na wag kang lilingon." umalis na rin si manong jack sabay sarado ng silid namin.

Naiwan naman akong takang taka sa sinabi ni manong jack. At dun ko lang napagtanto ang sinabi nya na "wag na wag kang lilingon".. Parang sa mga horror movies!..Nangilabot na naman ako sa pagkakataon na ito. Bat ba kasi sinabi pa ni manong jack yun? Naghihiganti ba sya sa pagtulak ko sa kanya kanina?! bwisit na matandang yun!

Naglakad na ako papuntang parking lot. Kotse ko nalang naiwan na park dito at medyo madilim pa sa parteng yun. Nasa tapat na ako ng kotse ko at bubuksan ko na sana ang pintuan ng may narinig ko yapag ng takon papalapit sakin. Naisip ko naman ang sinabi ni manong jack na nagpakaba sakin. Nak ng bangs, sa takot ko nagmadali akong pumasok sa kotse at dali daling pinaandar ang kotse at pinaharurot paalis ng parking lot. At sana hinde nalang ako tumungin o sumilip man lang sa rare mirror at pinagsisihan kong tumingin pa ako dahil ang nakita ko lang naman ay ang babaeng puti na may mahabang buhok na nakatayo na titig na titig sa kotse ko na paalis na..

#redangel238

 

...comment please:)

Love Game: The Unforgotten MemoriesWhere stories live. Discover now