Lesson 25- Wanted: Christmas Gift

1K 27 12
                                    

Lucille's POV

*KNOCKS*

*KNOCKS*

*KNOCKS*

Katok pa nga bang matatawag yun? Para kasing sinisira na nung kung sino mang taong yun yung pintuan ng kuwarto ko sa sobrang lakas ng 'katok' niya..

*KNOCKS*

*KNOCKS*

At hindi pa rin siya tumigil. Nakailang unan na ang tinakip ko sa magkabilaan kong tenga sabay taklob na rin ng kumot para lang hindi ko marinig ang napakalakas na ingay na yun but in the end, USELESS!  Sumabay pa yung cellphone kong gusto ko ng ibalibag palabas ng bintana sa lakas nung alert tone dahil may halimaw na tumatawag sa aken first hour in the morning.

Hanggang sa..

"LUCILLE! Si Ashlei to. Can you please open the door now?" narinig kong sigaw ni Ashlei na para bang nagmamakaawa na talagang buksan ko yung pintuan. Tss. Kung kanina pa naman ba siya nagsalita e di walang problema. Malay ko bang siya yun.. ( Z_Z )

Pinilit kong tumayo mula sa aking kama. Pinilit kong bumangon kahit ang sakit-sakit ng ulo ko. Sinuklay ko ang aking buhok gamit ang aking kamay para hindi naman ako mapagkamalang bruha sa ayos ko.

Hindi ko pa man din tuluyang nabubuksan ang pinto,

"LUCILLLLLLLLLEEEEEEEEEE!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" agad bumungad sa akin ang pagdamba ni Ash..

"Tss. Get off me. Ano ba? Gusto mong masaktan umagang-umaga ha?"

"Lucille naman. Hindi mo man lang ba namiss ang iyong BFF?" with matching puppy eyes pa.

"Nah.. even a bit." I immediately replied.

"Eh ang mga readers ng story naten?"

"Siyempre namiss ko..

(A.N: Ayiiiieeeee... Namiss raw kayo ni Lucille, Guys. xD)

...at joke lang yun.."

"Amf. >_____< Ang sama mo talaga samin Lucille. Magtatampo na kami niyan sayo. T_____T" sabay kuha siya ng panyo niya sa kanyang bulsa at pinunas ito sa kanyang pisngi na akala mo ay umiiyak talaga siya. Pero sinong niloko niya?

"Tss. For God's sake Ash." sabay higa ko ulit sa aking kama. "Paskong-pasko binubwiset mo ako. Pwede ba kahit ngayon lang.. papahingahin mo muna utak ko. Christmas Break Ash! Wag mo kong istressin.." at muli akong pumikit para subukan ulit kunin ang aking antok. Pero naramdaman ko ring dumamba na naman muli si Ash sa aking kama.

"Yun na nga Lucille. Christmas Break ngayon. And it's the 24th already.. wala ka man lang bang balak para mamaya? You know.. Christmas Eve?" habang pinopoke niya yung pisngi ko na animo ay ginigising niya yung diwa ko.

"Nah. Normal day as usual. Wala naman akong fonds for those parties and such.." besides, nasa ibang lupalop na naman ng bansa sila Mom and Dad. It's only me and Lance this Christmas, so what's the point of celebrating? Sayang lang ang effort.

"Hmp! It can't be! Kung wala kang plano para mamaya, then it's settled!" at napamulat naman ako ng mata sa kanyang sinabi then I gave her a 'what-are-you-saying' kind of face. Then she answered, "Sasama ka saken mamaya."

____________________________________________________________

Ashlei's POV

"Saan mo ba akong dadalhin ha?" pasigaw na tanong sa akin ni Lucille habang nagpupumiglas pa rin siya sa aking pagkakahawak.

Dinala ko kasi siya ngayon sa mall. Why? Its simple, kasi bibili kami ng ireregalo for tonight's party. Kung ano yung party na yun,  it's a secret muna for now. Malalaman niyo rin naman yun in the latter part. xD

My Secret RewardWhere stories live. Discover now