Chapter 4 Ex Girlfriend

27 2 0
                                    

Calix's POV

So this is how I met this loud dimwit!

I was supposed to go on my ex girlfriend's condo unit yesterday para makipag ayos at makipag balikan. I even bought a bouquet of roses for her.

As I ride the elevator to the 16th floor of the building kung nasan ang unit niya. I was practicing my speech.

"Ash, I'm sorry. Please give me another chance. I love you, hindi ko kayang mawala ka."- at kunwari iaabot ko yung flowers.

Psh. That's so OA. No hindi dapat ganun.

"Ash. I love you! Bati na tayo"- tapos e-hahug ko siya ng mahigpit.

Ahh no. Baka mamatay siya sa sobrang higpit.

Kunwari hindi nalang kami nag break.

"Hi baby. I miss you"- tapos ibibigay ko yung flowers at ikikiss siya sa cheeks.

Yeah that's right. Dapat ganun nalang.

"Ang mga kabataan nga naman."

"AISH! AISH"- muntik na akong mapatalon sa gulat ng bigla akong makarinig ng boses.

Boses ng matandang babae.

Lumingon ako sa likuran at psh. May kasama pala ako dito. I didn't noticed her kanina, I mean sa sobrang kakaisip ko ng speech ko hindi ko na napansin na may kasama pala ako.

That's so embarrassing. Grabe yung tingin niya sakin, para siyang naka kita ng takas sa mental. Nakakahiya. Napayuko nalang ako sa kahihiyan.

Thank you for that elevator door na bigla nalang bumukas kaya dali akong lumabas.

Nakita ko si Ashly na naglalakad sa may corridor at may kasamang lalaki. LALAKI?. Oo lalaki ang kasama niya, nakaakbay pa yung lalaki sakanya. Dali akong tumalikod at Babalik na sana ako sa elevator pero pag lingon ko nakasara na iyon.

Itatapon ko na sana yung dala kong bulaklak pero wala akong makitang trash can baka pag nakita niyang hawak ko to isipin niya para sakanya. I mean para sakanya naman talaga pero hindi ko na pwedeng ibigay mapapahiya lang ako, lalo na't kasama niya yung lalaking yun.

Buti nalang talaga may bumukas na pintuan ng isang unit di kalayuan sa kinatatayuan ko. Dali akong naglakad at inabot yung bulaklak sa kung sino mang iniluwa ng pintuang iyon.

"Excuse me?!"- naguguluhang tanong nung matandang lalaki.

"Hi sir..."- ngumiti ako ng pagka luwang luwang habang nag iisip kung anong sasabihin ko. "Good evening, this is a delivery from......from....Tina's flowershop."- hindi ko alam kung may ganun ngang flowershop pero yun nalang ang pumasok sa isip ko.

"Naku baka nagkakamali ka hijo. Hindi ako nag order ng kahit ano, sa flower shop na sinasabi mo."

Ok ito na talaga yung pinaka nakakahiyang araw ng buhay ko, mas nakakahiya talaga to kaysa nung araw na nakipag break si Ashly sakin sa harap ng mga kaibigan niya.

"Sir, tanggapin niyo na po. Ibigay niyo nalang sa misis niyo."- wika ko at agad na nilagay yung bulaklak sa kamay niya, tatanggi pa sana siya pero dali dali na akong naglakad pabalik sa pintuan ng elevator.

PLAYFUL HEARTSWhere stories live. Discover now