Chapter 1 Nicole's Life

76 3 0
                                    

"NICOLE! BILISAN MO NAMAN DIYAN TANGHALI NA."- tita Avon scolded.

Nagluluto kasi ako ng lunch nila ngayon at malamang ay gutom na siya kaya hindi nanaman makapag hintay.

"Sandali nalang tita."- sagot ko bago isinalin sa serving plate ang mga niluto kong ulam.

"Sa susunod kasi agahan mo naman ang paglalaba para maaga ka ring makapag luto."- Ate Natasha irritatedly said ng makalapit siya sakin at kinuha ang plato na pinaglagyan ko ng mga niluto ko.

"Edi Sana ikaw na ang nagluto"- bulong ko.

Wala naman kasi siyang ginagawa, iaasa pa niya lahat sakin, ang dami kaya ng nilabhan kong gamit nila.

"At sumasagot ka na rin ngayon ha."- she even gave me a death glare.

Hindi ko nalang siya sinagot baka lalo pang humaba ang bangayan namin. Naupo ako sa upuan na medyo malayo sa kanila at kinalikot ang phone ko. I just texted my friend, sinabi kong sabay na kaming pumasok sa A&A mamaya.

Habang nagkukwentuhan sila kinalikot ko muna ang phone ko. Hindi nila ako sinasabay sa pagkain dahil hindi naman ako kasali sa budget nila. Ako ang bumibili ng sarili kong pagkain kaya madalas, tsaka lang ako makakain pag tapos na sila.

"Mom, may pasok kaba bukas?"- rinig ko pang tanong ni Ate Natasha kay tita.

"Halfday lang ako. Bakit?"- tita asked.

"Shopping naman tayo. 20 percent sale sa Keds bukas."- natutuwang wika ni Ate.

"Sure. Ako din kailangan ko na ng bagong sapatos." i can see ate Natasha's wide smile on my peripheral vision when tita agreed.

Umakyat muna ako sa kwarto habang nag uusap sila.

Napatitig ako sa picture na nasa ibabaw ng study table ko.

Kamusta na kaya siya?

Napabuntong hininga nalang ako ng maalala ko siya.

Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama ko at tumitig sa ceiling.

I miss him. I really miss him.

Naramdaman ko ang mga luhang tumatakas sa mata ko, dahil sa mga naisip ko. It's been two months since the last time I saw him. Tapos madalang na rin niya akong tawagan. Hayy!

Pagbaba ko ay tapos na silang kumain kaya kumain na rin ako pagkatapos ay madali kong niligpit at hinugasan ang mga pinagkainan namin.

***

"Oh?! San ka pupunta?"- tita Avon asked me ng makita niya akong nakabihis at dala dala ang backpack ko.

"tita may pasok po ako ngayon sa resto bar"- pag papaalala ko. Mukhang nakalimutan na naman niya. Tsk! Gabi gabi naman akong pumapasok sa trabaho pero ewan ko ba kung bakit hindi niya marealize yun, at lagi nalang nagtatanong tuwing paalis na ako.

Tumango lang siya ng sinabi ko iyon kaya tumuloy na ako sa pag alis dahil baka malate pa ako.

Si Tita Avon Forteza ay ang kaisa isang kapatid ni Daddy na siyang kumupkop sa akin ng maulila ako. Si Ate Natasha Forteza ay ang anak niya sa pagkadalaga na sobrang maldita at dalawang taon ang tanda sakin. Simula bata ako ay hindi ko nakita ang tatay niya at mukhang wala naman silang communication dahil ultimo apelyido niya ay sakanya parin nakasunod at hindi sa tatay niya kung sino man iyon. Kahit si Ate Natasha hindi pa niya nakita ang tatay niya. Palagay ko nga wala siyang paki alam eh.

PLAYFUL HEARTSWhere stories live. Discover now