Chapter 2 The Real Boss

21 3 0
                                    


"Ah talaga ba? Ikaw ang may ari ng A&A? Sorry ah pero wala akong time para makipag lokohan sayo."- as if maniniwala ako. Itong lalaking ito? Eh sa hitsura palang parang wala namang ibang ginawa sa buhay ito kundi uminom eh.

I crossed my arms at muling ngumisi sakanya.

"Do you really want me to fire you?"- he said smirking trying to sound sweet. At inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Naamoy ko pa ang alak sa bunganga niya kaya naman napangiwi ako.

Naramdaman kong nag vibrate ang phone ko kaya hinugot ko iyon sa bulsa ng uniform ko.

I was about to answer the call ng muli nanaman siyang magsalita.

"Psh. Napaka unprofessional mo naman kung sasagutin mo ang phone call mo. Oras palang ng trabaho mo."- he said even grin on me.

Suminghap ako at ibinalik sa bulsa ang phone ko. Fine I admit it. May nasabi din siyang matino.

"Excuse me sir. Kailangan ko na pong bumalik sa trabaho ko."- I said with my polite manner. He's still our costumer, I have to be kind kahit na halos maubos na niya ang pasensya ko.

***

Tapos na ang 5 hours shift ko pero pinag Over Time ako ni Sir George dahil hindi din pumasok si Jericho yung isang bartender, Si Miguel naman ang pumalit kay Kenneth kanina.

Tinignan ko ang time sa phone ko and It's already pass 11 na. Pinayagan naman na ako ni Sir George na mag out dahil pakunti na rin ang costumer.

Si Nathalie naman malamang kanina pa tulog yun.

Pagkatapos kong magbihis ay nag paalam na ako sa manager namin bago lumabas ng A&A.

"ah. Grabe ang sakit ng paa ko."- I said at ipinadyak pa ang mga ito. Kanina pa kasi ako nakatayo at naghihintay ng taxi pero mukhang wala ng dadaan dito. "Hay. Pano ako makakauwi?"- bulong ko.

"Wala ka ng masasakyan sa ganitong oras."- I heard a familiar voice.

I turn my head to look at him, just to found that He's staring at me blankly. Nandito pa pala siya. I stared at him too trying to figure out kung anong iniisip niya, but I didn't get any clue.

I started to walk away from him pero sinundan niya ako. He grabbed my wrist when he finally reach me kaya napahinto ako.

"Ano ba?"- medyo pasigaw kong tanong. "Bitawan mo nga ako."- I ordered and look away from him and move my gaze into his hand holding my wrist. Pero tila wala siyang narinig at lalong hinigpitan ang hawak sa kamay ko.

"Not until you talk to me, in a nice way."

"Bitawan mo sabi ako eh."- Argh. He's really testing my patience.

I heard him curse, ng subukan kong tanggalin ang kamay ko sa pagkakahawak niya.

"Hindi ka ba tinuruan ng magulang mo ng good manners and right conduct?"

Napatigil ako ng marinig ko ang sinabi niya. Bigla akong nanghina ng maalala ko nanaman sila. Ang mga magulang ko.

My tears began to escape. I didn't even noticed that he's dragging me to the A&A's parking lot.

"Get in. I'll take you home."- he said without even looking at me.

I snapped back to my senses ng marinig kong tumunog ang kotse sa harapan namin. Hindi na rin niya hawak ang kamay ko.

Dali kong pinunas ang luhang tumakas sa mata ko, ng hindi niya napapansin.

"Kaya kong umuwi mag isa."- I said trying to sound brave kahit na ang totoo ay bigla akong naka ramdam ng takot sa mga oras na iyon. It's already midnight at hindi parin ako nakakauwi sino ba naman ang hindi matatakot. Usually naman kasi madaming taxi ang nadaan dito, pero ngayon, parang wala manlang napadpad dito, may paisa isa naman kanina pero may nakasakay na. Pag minamalas ka nga naman.

PLAYFUL HEARTSWhere stories live. Discover now