CHAPTER 8 A KISS IN THE RAIN

4K 115 6
                                    

KERSTINE’S POV

Sinabi nyang magbihis ako at may pupuntahan kami pero san naman kaya pero sana naman may magandang mangyari ngayon.

“san ba tayo pupunta??”

“sa mall.”

“ha bakit? Di moba kayang magpunta ng mall mag isa??”

“suotin mo to.” Utos nya

May hinagis sya sakin na tshirt

“I’M WITH STUPID??’’ “anu to?”

“sige na suotin mo na”

“dito sa sasakyan mo??? nagbibiro ka ba?”

“sinabi ko bang dito?’’

Hay ang lalaking ito lahat na lang ng magustuhan nya. Ewan ko ba kung bakit sama pa ko ng sama sa kanya.itinigil nya sa isang fastfood chain kaya nkapagpalit nako pagbalik ko nakita kong parehas kami ng shirt iba lang yung nakasulat sa kanya.

“I GUESS IM STUPID”

Natawa ako pero ang totoo kinkilig ako nakakaisip din pala sya ng mga ganitong bagay. Para tuloy gusto kong kacareerin na boyfriend ko sya haha!

“bagay pala sayo ih ano tara na??” tanong nya

Shocks ang gwapo ni vince. Ang swerte naman ni Yvonne pinag aagawan sya ng dalawang naggwagwapuhang lalake hays. Pero ngayong araw na to akin muna si vince oh ansabe ng couple shirt??

“bakit dito tayo sa mall pumunta??”

“bakit san mo ba gusto? Sa sogo??” at binigyan nya ko ng pilyong tawa

“anu ka sineswerte??”

“tanung pa kasi ng tanung ih. sa ngayon pwede bang kalimutan muna natin yung deal??”

Nagulat ako sa sinabi nyang yun. So kacareerin ko na nga sya?? Haha

“tara na??”aya nya sakin

“oo ba”

Nagulat ako nung naramdaman kong hinawakan nya ang kamay ko.

“di ba sabi ko naman sayo kakalimutan natin yung deal mag eenjoy tayo ngayon” malambing na sabi nya

Lalo ata akong naiinlove sa kanya anu kayang iniisip nya ngayon at naisipan nyang gawin ito. Kumain kami naglaro sa quantum. Dun ko lang sya nakitang sobrang saya para syang bata. Inaamin ko talagang nagenjoy ako sa maghapon na sya lang ang ksama ko wlang Yvonne kami lang kami lang dalawa. Kung pwede lang sanang ganito ARAW ARAW.

Kung pwede lang ma DEPRECIATE ang feelings nya kay Yvonne. At magacquire na lang sya ng iba.

“wui! Ang lalim ng iniisip ah nagenjoy ka ba?” tanong nya

“oo naman uwi na tayo?”

“sige..”

Habang nasa saskyan nya kami nagkukulitan pa rin kami. Sana wag ng magbukas. Natatakot ako nabaka bukas pag gising ko panaginip lang pala lahat pero hindi andito talaga sya sa harapan ko. IM WITH STUPID nga ih. haha

“baba na tayo ipapark ko na muna dito yung sasakyan ko”

“ha bakit di mo pa ipasok?”

“maglakad tayo gusto pa sana kitang makasama”

Grabe kotang kota na si vince sa pagpapakilig sakin. Habang naglalakad kami magkahawak kami ng kamay sinusubukan kong tanggalin iyon pero mahigpit ang pagkakakapit nya.ayoko ng tanungin kung bakit ganyan sya ngayon ang alaam ko lang basta masaya ako.

“vince mukang uulan..”

“e di maligo tayo.”

“adik seryoso??”

“oo”

Bumuhos ang malakas na ulan no choice nabasa nga kami ng ulan. Akala ko tapos na ang moment namin di pa rin pala. Nagulat na lang ako ng bigla akong hinila ni vince at niyakap

“pwede bang manatili tayong ganito. Pwede bang maging masaya na lang tayo. No ifs no buts pwede bang ako at ikaw lang”

“V-vince..”

Bigla nya akong hinalikan sa labi. Alam kong mali yung nararamdaman ko sa kanya pero anung magagawa ko mahal ko na nga si vince. Alam ko hindi ako sigurado kung hanggang kelan sya magiging ganito sakin.

Lets Make This Last ForeverWhere stories live. Discover now