CHAPTER 6 PALIT PARTNER

4K 109 3
                                    

KERTINE’S POV

 

pagkadating namin sa party bigla bigla na lang hinawakan ni vince ang kamay ko at sabay kaming ngpunta sa garden kung nasan ang party. Nagulat ako ng Makita kong nilapitan ni lance yung isang babae. Tama hindi ako nagkakamali sya yung babaeng nasa picture yung babaeng kasama ni lance sa picture. Pero bakit ang sweet sweet nila sa isat isa si lance kaya yung lalaking dahilan kung bakit naghiwalay si vince at si Yvonne??

“andito si Yvonne” sabi kokay vince

“oo nga .”

“umuwi na lang kaya tayo?”

“bakit? Di ba may deal tayo? Pagseselosin natin sya?”

“kahit na nakikita mong ganyan sila?” tanong ko

“wag mo kong alalahanin kaya ko ang sarili ko”

Nagpaaalm akong mag c.r kaya iniwan ko muna si vince doon.

“kertine san diego?”

Nagulat ako si Yvonne iyon napakaganda nya kaya siguro baliw na baliw si vince dito napakasosyal ng dating nya.

“Yvonne?”

“boyfriend mo naba si vince??”

“oo”

“si vince kilala ko yan di yan basta basta pumapatol sa mga babae. Kinikilala nya muna ito bago magdesisyon na ligawan ang isang babae pero diba two weeks pa lang kayo magkakilala kayo agad?”

“ah eh.. di ko rin alam msyado nga sigurong mabilis ang nangyari”

“ayokong sabihin to sayo pero baka kasi ginagamit ka lang nya para kalimutan ako.”

Nasaktan ako sa sinabing iyon ni Yvonne kahit na alam kong totoo yon. Kusang tumulo ang mga luha ko

“oh? May nasabi ba ako? Wag kang pakaasa na mamahalin ka ni vince kagaya ng pagmamahal nya sa akin kasi iba si YVONNE MONTEMAYOR kesa SAYO!”

“alam mo maganda ka nga oo baliw na baliw si vince sayo siguro nga di nya ko magagawang mahalin kagaya ng pagmamahal na ginagawa nya sayo. pero ito ang tatandaan mo hindi ko hahayaang masaktan si vince kagaya ng ginawa mo! kung alam mo lang kung gano ka kaswerte sa kanya. inaalagaan ang mga kagaya nya hindi sinasaktan one of a kind si vince at sana nakita mo iyon!”

 

Lumabas ako ng comfort room na umiiyak ewan ko ba pero tuloy tuloy ang pagbagsak ng mga luha ko.

“kers!”

“kers!”

Hinabol ako ni lance nakita ko rin na nkita ako ni vince pero dun sya sa may c.r nagpunta kung san nandun si Yvonne.

“kerstine wait!”

“lance..”

“whats wrong??”

“wala ito”

“di pwedeng wala iyan lika nga dito”

“girlfriend mo ba si Yvonne lance?”

Ang tagal nya bago sumagot tumingin pa nga sya  akin at ngumiti

“si yvonne ba? Oo last week naging kami”

“ikaw ba ang…”

“ang dahiln ng breakup nila ni vince?? I might say oo pero hindi ih”

“ha?”

“hehe magulo ba? Basta maiintindihan mo rin yan pagdating ng panahon sa ngayon let’s go back sa party baka hinahanap ka na ni vince”

Naguluhan ako sa sinabi nyang iyon anu kayang nlilihim ni lance at ni Yvonne? Pero umamin na ito sa kanya na sila nga. Habang pabalik kami sa party. Nagulat kami parehas sa nakita namin nakita naming  hinalikan ni vince si Yvonne. Niyakap ako ni lance para di Makita iyon. Kusa na namang tumulo ang luha ko. Tuloy tuloy. Naninikip ang dibdib ko. Nasasaktan ako.

 

“iuwi mo na ko lance please??”

“sure ka??”

“oo sumama ang pakiramdam ko okay lang ba??”

“osige jan ka kukunin ko lang ang susi ng sasakyan ko”

Habang inaantay ko si lance nakita kong papalapit si vince sa akin.

“kanina pa kita hinahanap”

“busy ka naman ih diba?”

“ha?”

“kay Yvonne”

“galit ka ba??”

“hindi”

“alam mo namang sya talaga yung mahal ko diba? At gagawin ko ang lahat bumalik lang sya”

Pinigilan kong maiyak pero hindi ko nagawa nakita nyang umiiyak ako

“kers lets go ihahatid na kita” saktong dating ni lance

“sandali lang pare.ako ang maghahatid sa kanya ako ang boyfriend nya!”

“boyfriend na ano? Hinahayaang masaktan ang girlfriend nya? Kung di mo sya kayang pahalagahan ako mismo ang magpoprotekta sa kanya”

Sumama na ako kay lance dina kumontra si vince. Masyadong madaming nangyari ngayong gabi. Nalaman kong unti unti ko na palang minamahal si vince  alam kong dapat ng itigil ang deal namin dahil kung hindi ito tatapusin ng maaga posibleng mas masaktan ako. Posibleng umasa ako sa relasyong nung una pa lang alam kong walang kasiguraduhan.

Lets Make This Last ForeverWhere stories live. Discover now