CHAPTER 36: WHY?

61.7K 942 262
                                    

CHAPTER 36: WHY?

TAO

''Tao, bakit di mo na ako kinikibo?? May problema ba??'' tanong sa akin ni Twaylem. Simula kase ng malaman ko kung sino ang daddy niya.. Bigla akong nakaramdam ng pag ka walang gana kay Twaylem. Parang nagagalit ako sa sarili ko dahil sa lahat ng babae sa mundo.. Bakits siya pa..

''Tao..'' tuloy parin ito sa pag alog ng mg kamay ko.

''Kyd.. Tara labas tayo.'' napatigil sa pag kain si Kyd ng tawagin ko ang pangalan niya.

''Kumakain pa ako e. *munch*munch*. Kayo nalang ni *munch*munch* Twaylem yung lumabas..'' pag taboy nito sa akin.

''Tara.. Samahan kita. Dun lang naman sa labas diba??'' nung hilain ni Twaylem yung kamay ko, binawi ko agad ito. Napatingin lahat sila kay Twayelm.

Si Twaylem, parang na shock sa ginawa ko. Pero kahit bakas sa mukha niya ang pag tataka kung bakit ginawa ko yun, pinilit parin nitong ngumiti at hawakan ang kamay ko.

''Uuwi na ako.'' hindi ko liningon si Twaylem. At dire-diretsong nag lakad papalaayo sa kanila

Gusto kong mapag isip..

Dahil ang gulo.. Ang daming tanong na tumatakbo ngayon sa utak ko..

TWAYLEM

''Anong nangyare?? Nag away ba kayo??'' tanong sa akin ni Riyee.

''miss understanding lang siguro??'' may nagawa ba akong hindi niya gusto?? Bakit kailangan niya akong ipahiya sa harap ng maraming tao??

''Saglit lang.. Twaylem.. Huwag kang iiyak..'' sabi ni Kyd habang winiwave-wave niya yung dalawang kamay niya sa tapat ng mukha ko.

''BAKA, ANO.. NAKA SUMPONG LANG YUN..'' dagdag pa ni Law.

''O baka naman, ayaw niya na sayo. Kase masyado mo na siyang nasasakal.'' sabay bwelta ni Jodee.

Nasasakal ba siya? Pero.. paano? Hindi ko alam.

''Jodee ha, hindi ka nakaka tulong.'' sabi ni Donella.

''Oo nga, kung wala kang magandang sasabihin.. Tumahimik ka nalang.'' Ava added.

''Baket? Hindi ba totoo?? Hindi naman dating ganun si Tao e, pero dahil sa pag dating ng babaeng yan, LAHAT TAYO BINAGO NIYA. Kung tu-toosin hindi sila bagay ni Tao. Mas okay pa si Sue kesa sa kanya. Atleast si Sue, hindi nakikihati sa oras niya sa atin.. E yan? Lahat ng oras ni Tao, INAAGAW NIYA!!!''

Nagulat ako ng biglang sumulpot si Yoshida..

At sinampal si Jodee.

''Diba sinabi ko sa inyo umuwi na tayo? Ano pang ginagawa niyo?! At ikaw naman Jodee, sinong nag sabi sayong mag salita ka?'' dahil sa nangyari, nabaling ang atensyon ng mga tao sa amin. Dahilan para pag bulungan kami.

LABYRINTH ACADEMY(TO BE RE-PUBLSIHED SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon