CHAPTER 33: ...WITH YOU

68.6K 1.2K 301
                                    

CHAPTER 33: ...WITH YOU

TAO

Hinatid ko na si Twaylem sa bahay nila. Medyo nakaka badtrip lang kase bakit hindi niya nakitaa yung kwintas?! Kung anu-ano kase yung kinakalikot! Ayan tuloy..

Pag naman bukas di ko nakita yung kwintas na yun sa leeg niya, mag tatampo talaga ako.

KINABUKASAN

''Oi bro!'' bati sa akin ni Kyd. Naka abang kase ako dito sa may pinto. As usual, late nanaman yung ESKEPIK na yun.

3:40pm na.. Tamad talaga..

''Aba! Hindi namamansin! La sa mood?'' pang-aasar sa akin ni Law. ''o di naman kaya L.Q?''

Tinignan ko lang si Britt. Siguro naman sa tingin na yun alam niya na yung gusto kong iparating.

''TAMA! L.Q! Paano ba yan mga dre? Olats nanaman kayo, akin na mga bente niyo!'' aba talagang..

''Hangal ka no? Gusto mo ng matapos ngayon-ngayon din yung buhay mo?!'' kwinelyuhan ko si Britt at nag tangkang susuntukin ito.

Pero ang gag0 imbes na matakot, hinalikan pa ako sa pisnge!

''aba tar*nt@d0 ka ahh!!'' hahabulin ko sana ito, kaya lang dumating bigla si Twaylem. Naka hawak sa magkabilang strap nung backpack niya.

''Bully ka talaga! Umagang-umaga nanakit ka!'' sigaw neto sa akin.

''Tinuluyan ko ba? Di naman ah! Nakita mo bang dumapo yung kamao ko sa pag mumukha niya di naman diba?'' nang makita ko yung leeg niya, tinagnan ko ng mabuti kung suot niya ba. Dahil hindi ko makita ng maayos, pinalapit ko siya.

''bakit ba?!'' mataray na sabi neto habang nakatingin siya sa akin.

''teka nga! Ano bang tinitignan mo?!'' yumuko siya, at nagulat ako sa susunod niyang ginawa.

sinapak niya ako! At dahil dun sa sapak niya, nag nose bleed ako ng di oras.

''Pakyu kang manyak ka! Hindi pa tayo kasal kung ano-ano ng pumapasok diyan sa kokote mo!'' tinakpan niya yung dibdib niya gamit nung kamay niya.

''manyak? Ako?'' kung hindi ko lang to mahal, kanina ko pa to sinapak. Putch@! Napuruhan ako! Gamit nung sleeve ng polo ko, pinunasan ko yung nag nose bleed kong ilong.

''DUGYOT! BAT DIYAN MO PINUPUNAS?? KADIRI KA TALAGA!'' hinawakan niya ako sa braso, pero itinaboy ko yung kamay niya. Nakaka badtrip siya! SOBRA!

''ano? Mag iinarte ka?! ito, tissue. Ito yung ipampunas mo. Aakalain ng mga tao niyan nakipag basag ulo ka nanaman.'' pinunasan niya yung dugo sa may ilong ko.

''sino bang may kasalanan bat nag ka dugo yung damit ko?! Ako ba?! Ako ba?!?!'' inis na sabi ko dito.

LABYRINTH ACADEMY(TO BE RE-PUBLSIHED SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon