CHAPTER 10: ZIA'S PARTY

85.8K 1.3K 192
                                    

CHAPTER 10: ZIA'S PARTY

TWAYLEM

7o'clock yung start ng party ni Zia. At ginawa yung party nya sa Villa nila sa isang exlcusive subdivision. As usual nag pagawa pa ako ng damit dun sa family designer namin. Ayoko namang mag pa talbog kay Zia.

''Fifi malayo paba tayo?? I'm so excited na..'' sinama ko di Donald.

Si Mea hindi pwede kasi daw kakanta ngayon si Dart. Si Riyee hindi rin pwede kase daw may dismenoriya sya. Si Donella naman aalis daw. Si Ava, ayaw pasama ni Donald kase daw hindi sya makakapag landi pag nandito sya. Si Harper sumasama, pero mayamaya nag back out na din.

''excited na ako, teka ano bang itsura nung bestfriend mo?? Baka sakaling pag nakita ko ingudngod ko yung pag mumukha nya.'' mainis inis na sabi ni Donald.

''siyempre pangit sya. Pag nakakita ka ng pinaka pangit na babae sya yun.'' at nag apir kaming dalawa.

''maam Twaylem nandito napo tayo.'' sabi nung family driver namin. Pinag buksan nya kami ng pinto at bumaba na.

''fifi how's my lips??'' nag pouty lips ito.. Nag apply kasi siya ng lipstick.

''makapal pa din. Tara na nga bakla! Kating kati na yung palad ko.. Gusto ko nang marinig yung sasabihin

nya.''

''maldita ka talaga Fifi.''

''I know right!! leggo!!!''

Nasa labas palang kami at dinig dinig na namin yung sound system.

''nag sta-start na yata..'' sabi ni Donald.

''siguro..'' ng pagkapasok namin parang wala namang tao. Sabi ko na nga ba lalangawin yung birthday nya..

''excuse me, nasaan si Zia??'' tanong ko dun sa guard na nag babantay dun sa Villa. ''dire-diretso lang po kayo.. makikita nyo din po sila.''

sabi nung guard diretso lang daw. Dumeretso naman kami.

''omy god fifi, sabotage ito.'' sabi sa akin ni Donald.

''oh hello my bestfriend. Glad you came..''

''Nice gown.'' sabi nung mga kaibigan ko dati sa U.O

Twaylem, kalma.. Twaylem kalma.

''hindi kaba na inform na pool party ang aattendan mo? Grabe naman.. Nahiya naman ako sayo..'' pang iinsulto ni Kelly, if I'm not mistaken siya na ang pumalit sa pwesto ni Zia date nung sa U.O pa ako.

''o my Zia, I thought hindi invited yung mga taga labas?? Anong ginagawa ng isang katulad nya sa Party mo Zia?'' pinulungan na kami ng mga Tao dun.

LABYRINTH ACADEMY(TO BE RE-PUBLSIHED SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon