Chapter 19

2.3K 107 3
                                    

"Siya ang naging nanay at lola ko, rolled into one," ani Joseph habang sinisindihan ang kandila na dala nila. Nakaupo sila sa tela na inilatag ni Joseph sa harap ng lapida ng lolo at lola nito. Nakapatong doon ang mga bulaklak na dala rin nila.

Isinama ni Joseph si Shanina sa Pampanga. Matagal na rin daw hindi nakakauwi roon si Nanay Adelfa. Humingi na rin ito kay Joseph nang isang linggong bakasyon. Niyaya siya nito sa Pampanga. Gusto raw siyang ipakilala sa ilang kamag-anak na naiwan pa rin sa Pampanga.

"Noong ma-annul ang kasal ng parents ko, bumalik si Dad sa Canada. Naiwan na kami rito sa Pilipinas ni Lola Auring. Siya ang nag-alaga at nagpalaki sa akin habang nasa Canada si Daddy. Ayaw na ni Lola sa Canada. Matagal siyang tumira doon at iba pa rin daw talaga ang Pilipinas. Saka na daw ako sumunod doon kay Daddy. Hindi rin kaagad ako kinuha ni Daddy, dahil siguro ako ang naging libangan ni Lola simula nang mawala si Lolo, o maaring baka dahil wala rin namang mag-iintindi sa akin doon," nakatitig si Joseph sa lapida ng abuela.

"Bakit sila... naghiwalay?" ani Shanina, hindi niya alam kung paano uumpisahan ang pagtatanong. Alam naman niya na handa ng magkuwento si Joseph, pero ngayong ibinigay na sa kanya ang pagkakataon, saka naman siya nag-alangang magtanong.

Tumingin si Joseph sa kanya, "My mother was ambitious. My father is already a Canadian Citizen, doon na siya lumaki at nagkaisip. Taga-Aklan ang ina ko. Nagkita sila roon nang minsang nagbakasyon ang Daddy ko rito sa Pilipinas. Hindi na pinalampas ng ina ko ang pagkakataon. She made sure she is pregnant and they are married in no time. Pero pagdating sa Canada, doon natuklasan ng ama ko na nakita lang siya ng nanay ko bilang passes para makalaya sa hirap ng buhay sa Pilipinas. Nang makakilala siya ng Canadian na may mas magandang buhay na kayang ibigay sa kanya, ipinagpalit niya kami ni Daddy. Napadali ang annulment nila dahil maging ang ina ko ay gusto na ring makalaya sa aking ama."

"Hindi na sinubukan ng ina ko na ipaglaban ang custody sa akin. Sabagay, kung ipipilit niya ay malaking gulo lang. May patunay si Daddy sa mga kataksilan niya. At kung ipipilit niya, masisira ang lalaking sinamahan niya na may mataas na katungkulan sa kompanyang pinagtatrabahuhan mismo ni Daddy noon."

Tumango si Shanina, walang maisip sabihin.

"Lumaki akong laging naririning sa mga pagtitipon ng angkan na kawawa raw ako, iniwan ng ambisyosa at taksil na ina, malayo pa sa ama. At hindi madali sa isang bata ang tanggapin at unawain iyon. Ang consolation ko lang ay alam kong ginagawa naman ni Lola ang lahat para maramdaman ko na hindi naman talaga ako kawawa."

Hinagip ni Shanina ang kamay ni Joseph, hinawakan iyon nang mahigpit. Ramdam niya ang sakit sa boses nito.

"Nagkasakit nang malubha si Lola noong second year ako. Naratay siya sa ospital. Dahil doon ay hindi ako halos napasok sa school. Gusto ko siyang bantayan. Pero dahil sa kagustuhan niya, napunta ako sa Laguna noong sumunod na school year. Hindi raw niya ako naaalagaan, siya pa ang dahilan kaya napapabayaan ko ang pag-aaral ko. Ang taon na iyon ang isa sa pinakamahirap na taon na pinagdaanan ko. Lalo na nang mawala siya na wala ako sa tabi niya."

"Noong umabsent ka nang isang linggo?"

Tumango si Joseph, "Noon pumanaw si Lola. Kaya lalo akong naging tahimik dahil nagluluksa ako noon. Pagkatapos ng school year na iyon, isinama na ako ni Daddy sa Canada. Pero kahit magkasama kami, ramdam kong hindi naman ako parte ng bagong pamilya niya. Pakiramdam ko, outsider akong nakikihati sa atensyon at pagmamahal niya."

Shanina's heart is bleeding for the young Joseph. Noong mga panahon na dapat ay nakakaramdam ito ng seguridad, pagmamahal, at pagtanggap, noon nito ramdam na walang taong umaaruga rito. Napalayo pa ito sa kaisa-isang taong nagparamdam ng pagmamahal dito. She now understand him. The pain, the doubt, and the anger in his eyes when they were in high school.

"Natatakot akong madawit ka sa akin. Wala akong maipagmamalaking maayos na pamilya. Kahit ang ina ko, simula nang iwan ako, hindi na ulit nagpakita. Alam kong darating ang panahon na babalik siya at sa totoo lang, hindi ko alam kung napatawad ko na ba s'ya, o kung handa na ba ako sa muli naming pagkikita. Ganoon din ang ina ni Chelsy."

Umiling si Joseph. Ito naman ang humigpit ang kapit sa mga kamay niya. Tiningnan siya nito sa mga mata. Naroon na naman ang pag-aalinlangan, "Isang komplikasyon ng nakaraan ko na sa totoo lang ay hindi ko pa rin alam kung paano ko haharapin, tapos ay idadamay pa kita? Ano na lang ang sasabihin ng pamilya mo?"

"Bakit ang sasabihin nila ang iniisip mo? Hindi ba dapat ang sasabihin ko?" Masuyo niya itong nginitian.

"They made sure you are are unharmed. Lumaki kang protektado sa mga pangit na nagyayari sa mundo. At alam kong gugustuhin nila na ang lalaking makakasama mo habang buhay ay itutuloy ang nasimulan nila."

"Mahal mo ako, hindi ba?"

Kumunot ang noo ni Joseph pero sumagot pa rin ito, "Oo, nang buong puso ko."

"Sapat na iyon. Alam kong maganda ang mundo, basta mahalin mo lang ako hanggang sa dulo," nginitian niya si Joseph. "At kung sakaling bumalik sila, ikaw ang tatanungin ko. Handa mo na bang kausapin ang ina mo? Kung hindi, wag nating ipilit. Kung sakaling ang ina naman ni Chelsy, ibigay din natin ang desisyon sa bata kapag nasa tamang edad na siya."

Hinapit siya ni Joseph at hinalikan nang mabilis sa mga labi. "See, you are so perfect. I can't find any flaw."

"Oh. I still don't know how to cook. How about that?"

Joseph's laughter make Shanina smile.

Makalipas ang ilang saglit ay muli itong sumeryoso. Ikinulong nito ang mga kamay niya sa mga palad nito, "Mahal na mahal kita, at iyon ang isa pa sa ikinatatakot ko noon. What if I become my father? Masyadong nabuhos ang atensyon at pagmamahal niya sa bagong pamilya, nakalimutan n'ya nang may isa pa siyang anak na nangangailangan din noon. Paano kung sa kagustuhan kong mapasaya ka, mapabayaan at hindi ako maging mabuting ama kay Chelsy?"

Nahigit ni Shanina ang hininga. Now she fully understands where the pain and doubts are coming. And Shanina was speachless for a while. She dream to have this effect on him, to rule his mind and make him think of only her, but she never envisioned that it would cause him this turmoil. 

"I love you so much that my plans are starting to revolve around you. Iyon ang ikinatatakot ko. Ayaw kong maramdaman ni Chelsy ang naramdan ko noong lumalaki ako. Parang outsider sa isang bagong pamilya. And it makes me so afraid because you are making me forget all the plans I have for me and Chelsy. You are starting to rule my mind. Kahit na ipinangako ko sa sarili ko na si Chelsy at ako lang, sapat na."

Hinigit ni Shanina ng mga kamay sa pagkakakulong sa mga kamay ni Joseph at hinawakan niya ito sa magkabilang pisngi bago tinitigan sa mga mata, "Lahat ng lalaki pwedeng maging ama, pero hindi lahat, kayang maging ama. Hindi lahat kayang gampanan ang kaakibat na responsibilidad noon. And the mere fact that here you are, paranoid if you could be a good father to Chelsy is a testament of how great a father you are. I have seen that at work, stay at home dad," ngitian niya ito bago kinintalan ng halik sa mga labi. "Pero kung iyon ang iniisip mo, bakit nilapitan mo pa rin ako?"

"Naunahan lang ako ng takot kaya hindi ko agad nakita na mahal mo ang anak ko. Alam kong hindi mo hahayaang maging outsider siya sa pamilyang bubuoin natin. At mas natakot ako nang maisip kong hindi ko na makikita ang mga ngiti mo, na hindi ko na maririnig ang mga tawa mo. That is why even if I don't deserve you, I made up my mind that I will take you and your love."

Ngumiti si Shanina, "Nasabi ko na ito at sasabihin ko ulit, ako lang ang magdedefine ng lalaking deserving sa akin. And I found the definition. Three words lang, actually. John Joseph Alvarez."

"I am still thinking of reasons why I deserve your love," he look at her as if she is not real. He is delicately tracing her face with his fingertips.

"Come to think of it... you are actually right. You don't deserve me or my love... You actually more of like, earned it.. You fought your demons, you opened up to me and give me more of yourself, more than you had given anybody else. I can see how much you struggle to trust and open up again. And you, trusting me fully opened my heart to you. So, yeah. I guest you don't just deserve my heart. You captured it. You owned it. You own me."

"I own you. I will keep that in mind and hold you to it." Fire starts to burn in his eyes and it send a delicious tingling sensation down Shanina's spine.

"Let's go back. Nangako ako sa Daddy mo na uuwi tayo sa Laguna ngayon," inalalayan siya nito sa pagtayo.

My Not So Ideal Man (For Publishing @Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon