Chapter 8

1.8K 99 4
                                    

"It's good to see them again," ani Joseph. Mula sa pagtingin sa mga kaibigan niya na naglalakad palayo ay bumaling ito sa kanya.

"Not really. Kapag lagi mo silang kasama, maa-annoy ka rin," ani Shanina na sinabayan ng tawa. But in reality, she really adore her friends. Hindi niya ipagpapalit ang mga ito.

Maging si Joseph ay tumawa rin, "So, hindi pa rin pala kayo naghihiwa-hiwalay. I distinctly remember the loveteams, Jeraldine and Owen, Armida and Benj, the best friends Sherin and Vince, and the cat and dog Angelie and Anton."

"Actually, matagal nang break na sila Armida at Benj. Matagal na ring magkaaway sina Sherin at Vince. As for Jeraldine and Owen, matagal silang nawalan ng communication. And hindi lang nagbago, ang aso't pusang sina Angelie at Anton."

Hindi niya inasahan na nag-oobserba pala si Joseph sa mga kaklase nila noong high school. Lagi lang itong tahimik at mag-isa noon. Kapag lunch break ay natutulog pa sa damuhan sa ilalim ng puno ng mangga sa tabi ng pader sa likod ng classroom nila.

"So... It just proves that I am right all along," anito na sinabayan ng kibit-balikat.

"Right about what?" kunot-noong tanong ni Shanina.

"That love fades in time and good things never last. Lahat ng pinagsamahan ay nakakalimutan, nababaliwala..." tiningnan siya nito direkta sa mga mata. At kita ni Shanina ang biglang pagseryoso ng lalaki.

Just when she thought she started breaking down the barrier, his guard is up once again.

"I beg to disgree. Merong naglalast. Merong nakakatagpo nang tunay na pag-ibig, ipinaglalaban iyon at habang buhay silang nagsasama. Habang buhay na nagiging masaya," ani Shanina na puno ng conviction. Sigurado siya roon. Patunay roon ang mga magulang niya. Kita niya kung paano magmahalan ang dalawa kaya naniniwala pa rin siya sa forever.

"Siguro nga," ani Joseph.

Pero alam naman niya na hindi talaga iyon ang pinaniniwalaan ng lalaki. Halata ni Shanina na wala ito ni katiting na pagsang-ayon sa sinabi niya.

"Bakit? Hindi ka ba naniniwalang may magandang bagay na pwedeng maglast habang buhay?" Hindi napigilang itanong ni Shanina. Pumihit siya ng upo paharap kay Joseph. Mas gusto niyang mapag-aralan lalo ang reaksyon nito.

"Hindi. Dahil nakita ko. Naranasan ko," ani Joseph, muling gumuhit ang sakit at galit sa mga mata ng lalaki.

Shanina's curiousity mounted high. Lalo niyang gustong malaman ang nagtulak sa lalaki para maniwala sa ganoon.

"Maraming defeat ang nangyayari sa buhay natin, pero hindi naman ibig sabihin na wala ng tayong dapat i-celebrate," bukod sa gusto niyang malaman ang hugot nito, gusto niyang pawiin ang sakit at galit na nakita niya sa mata ni Joseph. At para magawa iyon, kailangan niyang malaman kung saan nanggagaling ang lalaki.

Lalong nacurious si Shanina kung ano ang nangyari sa nanay ni Chelsy at bakit nakay Joseph ang custody ng bata. Malamang na ang pinagdaanan nito sa huling relasyon ang naging dahilan ng biglang pag-uwi nito sa Pilipinas.

"Parang ikaw. Kung ano man ang nangyari sa inyo ng nanay ni Chelsy, hindi ibig sabihin noon na walang magandang naidulot ang pangyayaring iyon. You have Chelsy. And Chelsy is a good thing that I am sure will last. Forever."

Ngumiti si Joseph, "Si Chelsy ang nag-iisang magandang nangyari sa akin."

"Pwede bang magtanong?" Ayaw naman niyang basta na lang pangunahan ang pagtatanong dahil baka masamain ni Joseph.

Noong magkasama silang kumain ng pizza ay nag-umpisa na itong magwarm-up sa kanya. Nasabi nitong nabili na nito ang bahay, maging ang poultry at farm sa tiyahin, ni-retain na lang ang lahat ng mga trabahador doon. Maging ang natapos nitong kurso at ilan pang aspeto ng trabaho nito ay naishare sa kanya ni Joseph. Pero ang tungkol sa ina ni Chelsy ay hindi nila napag-usapan.

"Tungkol saan?"

"Kay Chelsy. Bakit nasa iyo ang custody ng bata?"

Nawala ang ngiti sa mga labi ni Joseph. Bigla itong nagseryoso. Matagal na nanahimik, nakatitig lang sa palayan sa harapan nila.

"Kung ayaw mong sagutin, okay lang naman. Sorry. Alam kong masyadong personal ang tanong na iyon," nakaramdam siya ng pagkaguilty at hiya dahil sa direktang pagtatanong sa lalaki.

"Ayaw n'ya," malumanay na sagot ni Joseph. Nilingon pa siya nang sagutin nito ang tanong. His eyes telling her that he is ready to trust her. To open up to her.

Hindi kaagad nakapagsalita si Shanina. Seeing the trust in his eyes made her speachless. It made her heart throb inside her chest.

"Ayaw n'ya at ng lalaking sinamahan n'ya. Ang tingin nila sa anak ko ay baggage na makakahadlang sa relasyon nila. Sa pagbuo nila ng sarili nilang pamilya," mapait na ngumiti si Joseph. "Kung may konsolasyon man ako sa panloloko niya, nilang dalawa ng kaibigan ko, ay ang anak ko. At ipinagpapasalamat kong hindi pa kami kasal nang matuklasan ko ang panloloko nila sa akin." Muling nakiraan ang galit sa mga mata nito. Pumikit si Joseph at huminga ng malalim.

"Ibinigay niya sa iyo ang custody ng bata nang ganoon lang?" halos pabulong na tanong ni Shanina. Iniisip niya ang maamong mukha ng bata at kung paano nagawang iwan iyon ng ina nito.

Pagmulat ng mga mata ni Joseph ay sa palayan ito tumutig, pero alam niyang hindi naman talaga nito nakikita iyon, "Let's just say, Adela treated me and my daughter as a mistake. College pa lang ay may lihim na relasyon na pala sila ni Grant. Canadian si Grant at noon pa man ay may napili na ang mga magulang para sa kanya, isang Canadian din na makakatulong para mas mapalago ng family business nila. Kinailangang pumunta ni Grant sa London. Noon kami naging malapit ni Adela hanggang sa maging kami."

Huminga ng malalim si Joseph. Ilang sandali itong tumahimik, "Nabuntis ko si Adela. Ipinlano ang kasal namin pero ipinilit ni Adela na kapag nakapanganak na siya, saka na lang daw kami magpakasal. Noon bumalik si Grant. Kasama ko pa siya sa pagpaplano ng ilang detalye ng kasal namin ni Adela. Only to find out later na may sarili pala silang plano. Plano kung paano kami iiwan ng anak ko pagkatapos niyang manganak. Ang huling balita ko, nasa London na silang dalawa."

Nawalan ng sasabihin si Shanina. Alam naman niyang nangyayari ang gano'n, may mga babaeng kayang gawin ang ginawa ni Adela, ang iwan ang anak kapalit ng isang lalaki. But even if she's aware that things like this happen, that does not mean she agree or understand those persons. But who is she to judge? She bit her tongue and kept her judgment to herself.

"Kaya ka ba bumalik dito sa Pilipinas?"

"Oo. Ayaw kong lumaki ang anak kong napapalibutan ng mga tao na naaawa sa kanya. Na laging magpapaalala sa kanya na iniwan siya ng ina niya. Kaya inilayo ko siya roon. I want her to have a healthy and happy childhood."

Nang lumingon ito sa kanya ay wala na ang galit, bumalik ang blangkong ekspresyon sa mga mata nito, "Nakakatawa lang ang laro ng tadhana sa buhay ko. Pinagdaanan ko na ito, at ngayon, anak ko naman ang dadanas ng pinagdaanan ko."

Tumingin si Joseph direkta sa kanyang mga mata, "Kung ano ang ginawa ng ina ni Chelsy, ganoon din ang ginawa ng ina ko sa Daddy ko," nagkibit-balikat si Joseph. "Naisip kong baka parehas talaga kami ni Daddy ng kapalaran. Nagmahal, ipinagpalit sa iba, iniwan, at nag-alaga sa anak na ayaw pangalagaan ng ina."

Nawalan ng sasabihin si Shanina. Umawang lang ang labi niya. Hindi niya akalain ganoon pala kalalim at kabigat ang baggage na dala ng binata.

My Not So Ideal Man (For Publishing @Bookware)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz