Chapter 13

1.7K 91 2
                                    

"So, tell me, what makes you especial?"

"Nothing really, Ma'am. I am just an ordinary guy." Lumingon ito kay Shanina. Sa tabi siya ni Celine naupo, bangkong halos katapat ng inuupuan ni Joseph dahil iyon na lang ang bakante.

Sinalubong ni Shanina ang tingin ni Joseph. And there it is again, the doubt and pain in his eyes. At gusto ni Shanina na tuklasin ang pinangagalingan noon. At gusto niyang palitan ang emosyong iyon sa mata ng lalaki.

"I beg to disagree," ani Shanina, nginitian niya ito nang may kalakip na pagsuyo.

More than making him fall for her charms, what Shanina really wanted is to make him admit his real emotions, to make him surrender to them freely. Alam niyang gusto siya ng lalaki. At hindi niya maunawaan kung bakit kailangan nitong labanan ang nararamdan para sa kanya.

"Walang espesyal sa akin, Shanina. I am just a regular stay at home guy with a little girl to fend for," sinabayan pa nito ng kibit-balikat ang sinabi.

"Exactly," ani Shanina, lalong naging masuyo ang pagkakangiti niya.

"You're not married, right?" tanong ni Wilson, anak na panganay ni Tita Gertrude.

"No, I am not married."

"Yet," singit ni Shanina, kinindatan niya si Joseph.

Joseph eyes twitched. Alam ni Shanina na pinipigilan nito ang mapangiti. She decided to tease him more. She smile broadly and winked at him again. Napailing na lang si Joseph at hindi na nito napigilan ang pagngiti.

"You really like this dude?" Nakakunot-noong tanong ni Austin, second cousin niya.

"What is there not to like about him?"

"Oh. I see it," anang tiyahin niya na tumawa pa kaya napalingon silang lahat dito. Tinapik nito ang kamay ni Joseph.

"Baka matulungan mo rin akong makita iyon, Dra. Gertrude," ani Michael, lumapit ito sa lamesa, "dahil hindi ko makita kung ano ang edge ng lalaking may anak na sa katulad kong single at siguradong walang baggage na dala," anito na nakatingin kay Joseph. Halata ang pagmamayabang at panghahamon sa mukha. "Hi Shanina. You look sinfully sexy," Hinawakan ang kamay niya at hinalikan iyon.

"Thanks for the compliment," sagot niya kahit ang totoo ay gusto niyang punasan ang kamay.

"I am not just complimenting you, I am telling the truth. You're drop-dead sexy. I can't wait to call you mine," nakangiting sagot nito. Humigit ng bangko sa kabilang lamesa at naupo sa tabi niya.

Pinaikot ni Shanina ang mga mata, "Can I advise you not to wait?" Sarcastic na sagot niya. Hindi pa rin pala talaga nasuko ang lalaking ito. Akala pa naman niya nakuha na nito ang ibig niyang sabihin noong huli silang nagkita.

"Bakit sasagutin mo na ba ako ngayon? Narealise mo na rin ba na sa dami ng nanliligaw sa'yo, walang makakapantay sa kalibre ko?"

"Actually, matagal ko nang alam na walang makakapantay sa kalibre mo," naiiling na sagot ni Shanina.

Nagtawanan ang dalawang hipag niya. Alam ng mga ito na ayaw niya sa lalaki. At maging ang mga ito rin naman ay nagsasabing hindi rin gusto ang lalaki para sa kanya.

Nagkibit-balikat lang si Michael bago bumaling kay Joseph. "Nasaan ang anak mo, Pare? Let me guess, kinuha ng ina kasi napabayaan mo na?"

Umangat ang kilay ni Shanina. Sigurado siyang ipinagtanong na nito kung sino si Joseph. Naghanap na naman ng pwedeng pailalim na tira. Kilala niya ito. Alam niya ang modus operandi ni Michael. Ilang manliligaw niya ang idinaan nito sa sindak at kayabangang taglay.

"Kasama ko at hindi siya makukuha ng iba dahil kahit kalian, hinding-hindi ko siya pababayaan," seryosong sagot ni Joseph.

"Tagala? Magaling ka ba talagang mag-alaga? Kasi pare, kung okay ka talaga, bakit ka iniwan ng ina n'ya?" Nang-uuyam ang pagkakangiti ni Michael.

"Tingin ko'y masyado ng personal ang sinasabi mo, Michael. Out of line na iyon," napatayong bigla si Shanina.

"Wala namang out of line doon. Nagtatanong lang ako. Wala namang masama kung alamin natin kung bakit inayawan siya ng babae. Sabagay, usually dalawa lang 'yan, kung hindi may mali, may kulang. So alin ka do'n, pare? May mali? May kulang? O baka naman parehas?" humalukipkip at sumandal sa bangko si Michael.

Bigla ring tumayo si Joseph. Halata ang pinipigil na galit sa mukha. Dagling lumapit si Shanina, hinawakan ito sa kamay at pinisil iyon. Lumingon sa kanya si Joseph. Her eyes silently telling him to not engage on Michael's dirty tactics. Huminga ng malalim si Joseph, pinanatili ang mata sa kanya.

"I get it fully now, Shanina," nginitian siya ng tiyahin bago tiningnan si Joseph. "You looked past the surface and saw the traits that makes an ordinary guy, a real man."

Gumanti siya ng ngiti sa tiyahin. "Excuse us, guys. Kukuha muna kami ng makakain ni Joseph," aniya bago hinigit palayo ang lalaki sa lamesa.

Pero hindi pa pala tapos si Michael sa pangungulit sa kanya at sa panunubok nito sa kontrol ni Joseph. Sumunod ito at humarang sa daraanan nila.

"Ano bang nakita mo sa lalaking iyan, Shanina?" tiningnan si Joseph mula ulo hanggang paa.

"Mga katangiang wala sa iyo," nakataas ang noong sagot ni Shanina. Naiinis na siyang talaga. Ni hindi nga niya ito naging nobyo, pero kung mamakaasta, akala mo entitled sa kanya. The nerve!

Muli niyang naramdaman ang tensyon sa katawan ni Joseph. Nilingon ito ni Shanina, umiling siya, pinisil ang kamay nito. Tumango ito pero ang mga labi ay naglapat nang mariin. Alam niyang konting provocation na lang ni Michael at papatulan na itong talaga ni Joseph.

"Ang bagay na lalaki sa iyo, yung masayahin, makwento, kwela, matalino, at higit sa lahat, walang sabit. Ako iyon. Hindi siya."

"Kung ano at sino man ang lalaking bagay sa akin, ako lang ang makapagsasabi noon, Michael. Wala ng iba," nanliit ang mga mata ni Shanina.

Mukhang mas mauuna pang mapatid ang pisi niya kaysa kay Joseph. Isang salita na lang ni Michael, ipapadampot na niya ito sa mga kapatid at pinsan at ipapakaladkad palabas sa bakuran nila. Wala siyang pakialam kahit naroon din ang mayor nitong ama.

My Not So Ideal Man (For Publishing @Bookware)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz