Chapter 32

416 4 1
                                    

"Always find time for the
things that make you
feel happy to be alive."

-Ms. Unknown

____________________________________

Harmonica POV

Madaming lalaking naka-itim dito sa bahay, bawat lakad ko ay may sumusulpot kung saan. Ang tanong lang bakit sila nandito, anong pakay nila?

"Jen! Lolo tanda!" Sigaw ko, wala na akong pake kung makita o marinig ako kailangan agad makaalis dito dahil nagtanim ako nang bomba.

Nagring ang RHO phone ko kaya naman pumasok muna ako sa isang kwarto, CR pala nilock ko iyon at sinagot ang tawag.

"Yes?"

"Nica, nasaan ka?" Napatingin ako sa caller at nakita kong si Mama ito. Inilagay ko muna sa tabi ang baril at naghalungkat sa loob ng Cr, para tiningnan kung may baril na nakatago dito.

"Nasa bahay. Yes!" Nakakita rin ako, kinuha ko iyon at may bala pa kaya naman ay inilagay ko iyon sa baril kong walang bala.

"Anong yes ka dyan! Alam mo ba kung anong nangyayari ha!"

"Ma hindi, dahil sa baril yun."

"Oh okay. Ingat ka dyan, balita ko maraming kalaban dyan by the way may paparating pang iba."

"What? Hindi ka pupunta dito." Nakarinig ako nang tawa.

"Yes nica kaya mo yan! Go goo gooo!" Biglang pinatay ang tawag.

"What the- nagbibiro ba siya?" Iritang sabi ko at lumabas ng comfort room.

Wala namang problema pagka-ayat ko, lahat tumba ang kalaban at mukhang nilinis na. Nagpunta ako sa kwarto ko at pagbukas ko ay may nakatutok na baril sa akin.

Seryosong mukha ni Ashton ang bumungad sa akin, hinila niya agad ako at isinara ang pinto.

"Anong nangyayari dito? Bakit sinugod kayo? At bakit ka nandito?" Binaba niya ang baril at naupo.

"Dumalaw lang ako dito nang biglang sumugod yung mga kalaban." Medyo nanibago ako sa galaw niya.

"Sila lolo?" Tinuro niya yung isang pinto, pagbukas ko nandoon sila. Agad naman silang sumugod ng yakap.

******
Nagmamadali kaming umalis ng bahay dahil naalala kong may bomba pala akong itinanim.

"Geez. Bakit mo kinalimutan?"

"Eh sa nakalimutan ko eh." Sabi ko habang tumatakbo, malapit na kami sa pinto nang may sumabog. Nakalabas na silang tatlo pero naiwan ako.

Tumayo agad ako at sinubukang tanggalin ang harang na nahulog. Nakita ko sa kabila sila Ashton na pinapalayo, bumwelo ako at sinipa ang kahoy na harang. Nasira naman pero.

"Ibaba mo nga ako." Tiningnan niya lang ako at inangat ang tingin, mukhang wala akong balak ibaba nang isang ito. Minsan hindi mo malaman kung may sayad ba 'tong lalaking ito.


Jasmine POV

Nahanap na namin ang tunay na nanay ni Harmonica na si Vectoria Watson, may connection na kami sakanya at hindi na siya takot harapin si Gregory. Hindi namin matuntun ang exact location ni Gregory dahil palipat lipat siya.

"Vectoria sigurado ka bang okay lang sa'yo?" Desididong mukha ang ipinakita niya saamin.

"Okay lang sa akin at lalo na kung tungkol iyon kay Harmonica, ito lang naman ang maitutulong ko sa inyo lalo na sayo na ikaw ang nag-alaga sa kanya."

His Secret Agent GirlfriendWhere stories live. Discover now