Chapter 2

1.2K 18 0
                                    

Harmonica POV

"Kingina." Naiinis na sambit ko, wala kasing tao rito sa bahay ako lang. Sila Mama bukas pa uwi tapos sila Jeni at Lolo wala dito dahil nagbakasyon pag-uwi ko walang tao nag-iwan lang ng message sa may fridge.

**Flashback**

"Jeni, lo, nandito na ako!" Sigaw ko pero walang lumabas kakauwi ko lang kasi, binaba ko yung bag ko at nilibot ang bahay pero wala kahit ni-anino pagpunta ko sa kusina nakita ko ang message nila sa'kin.

Dear Nica,

Wala kami ngayon ni Jeni sa sabado pa uwi namin, nakapagpaalam na kami sa mama niyo pumayag naman sila. Bukas naman uwi ni Mama mo hayaan mo papasalubungan ka namin ng boxing gloves na pangarap mo.

Nagmamahal,
Lolo at Jeni

**End of flashback**

Hayss paano 'to ako lang mag isa hanggang mamaya. Okay lang sana kung may gagawin ako kaso wala, wala rin naman kaming assignment, maglilinis na lang ako. Pumunta ako sa basement ako kumuha ng panglinis.

2 hours later

"Okay na tapos na ako sa lahat yung kanila mommy na lang." Sabi ko naglakad ako papunta doon dala-dala ang panglinis, pagbukas ko nang pinto ay nagulat ako sa laki may mga chemicals sa gilid, parang nag e-eksperimento at nakita ko doon ang mga ibat-ibang klaseng baril.

Jasmine POV

"Hon may pumasok sa kuwarto." Sabi ni John.

"Wag kang mag-loko walang papasok doon may lock 'yon." Sabi ko at busy pa rin sa pag-tutok ng baril sa target.

"Pero totoo nandoon si Nica." Sabi niya na ikinamintis ng pag-baril ko.

"Ano? Pano niya nabuksan yun hightech na yun ah!" Gulat na sabi ko.

"Tingnan mo." Sabi niya at ipinakita sa'kin ang tablet niya, nandoon nga siya. Hindi pwedeng makita niya iyon dahil oras na malaman niyang Agent kami kailangan namin siya gawing Agent.

Nakita ko na hinawakan niya ang ang baril na strike gun kinuha niya ito at itinutok sa target, may target kasi sa kuwarto namin.

"Astig nito, kailan pa nagka-ganito si Mama? Bullseye." Natutuwang sabi niya.

"Ilabas mo siya diyan ayoko maging Agent siya pag nagkataon, ayoko manganib ang buhay niya." Nag-aalalang sabi ko.

"Hindi ko siya mailabas baka masaktan siya ibang klase ang nilagay natin dyan, siguro ito ang dahilan bakit napunta siya sayo. Ang maging katulad natin." Malungkot na ekspresyon ni John.

Harmonica POV

"Ang astig nito." Sabi ko sa nakita kung baril hindi ko alam ang tawag nito, ibinalik ko na lang ito sa kinuhaan ko naglakad papuntang kabinet.

Naku- curious ako kaya pumunta ako para kasing may bumubulong sa akin pumunta roon. Pagbukas ko ay wala namang kakaiba, pero ng hinawi ko ito ay may pinto pinasok ko ito may code siya.

·-·/····/- - -

RHO ang code, may manga kasi ako ng Detective Conan meron namang mga codes doon kaya alam ko, pero ano ibig sabihin ng RHO?

Tinulak ko ang pinto pumasok ako at husang sumara ang pinto paglibot ng aking paningin ay may mga suit dito iba-iba, may mga baril pero alam kong hindi ordinaryo dahil iba ang itsura nito may computer din, madami pero isa lang ang keyboard astig.

Lumapit ako doon sa lamesa may contact lens sinuot ko ito pero pagpikit ko ay kasabay ng pag bukas ng computer, tinanggal ko ito at lumapit sa computer.

Nakita ko roon ang huli kong nakita bago ako pumikit, at nakalagay sa itaas ay Agent ?? At vision, so vision ang tawag. Biglang naisip ko na si Mama at Papa ay agent at ako si Agent ?? Kasi pinakilaman ko ang gamit hindi pa ako nakaregister kaya question mark pa lang?

Oh my gosh gusto ko maging Agent katulad ng napapanood at nababasa ko. Kaya lumabas na ako at dumeretso sa labas gusto kong maging Agent tulad nila, kaya naglinis na ako nang sarili ko at natulog.

*School*

Nandito na si Sir Justin, Ap teacher namin siya at ito ang subject na boring para sa akin. Ewan ko lang sa iba kasi naririndi na ako kakatili nang mga kaklase ko ngayon.

"Kyahhh Sir Justin!" May itsura si Sir kaya madaming nagkakagusto sa kanya.

Naging tahimik din naman pero halatang hindi sila nakikinig man lang, pinagpapantasyahan nila si Sir, at dahil boring na boring na ako, tumayo ako at itinuro si Sir.

"Yes Ms. Valquez?" Bumuntong hininga ako at nagsalita.

"Ang boring ng subject mo Sir." Biglang nawala ang ngiti niya sa sinabi ko, madaming napasinghap pero karamihan sa lalaki palihim na ngumisi dahil totoo ang sinabi ko.

"Go to Detention!" Sigaw niya sa akin, kinuha ko ang gamit ko at yumuko sa harap niya.

"Salamat Sir." Proud pa akong lumabas ng room.

*Detention*

Masaya akong umupo sa sahig, puro alikabok dito kaya alam kong paglabas ko ay dugyot na ako. Pumikit naman ako para umidlip.

"Miss." Napamulat ako at hinanap ang boses, madilim dito kaya hindi ko makita ang nagsabi noon.

"Miss." Napalingon ako sa likod ko at may nakita akong pigura nang tao.

"Boo!" Napaseryoso na lang ako at umupo ulit.

"Hindi ka nakakatakot." -Ako

"Hindi ka nagulat?"

"Malamang." -Ako

"Ang sungit naman."

"Tss." -Ako

"Anong pangalan mo?"

"Bakit ko sasabihin sayo?" -Ako

"Para kilala kita syempre."

"Harm. Tawagin mo akong Harm." Ang kulit naman.

"Sige, ako naman tawagin mo akong Ash." Tumango na lang ako, may konting ilaw naman dito dahil bukas ang ilaw.

Maya-maya lang ako tinawag ako nang bantay at sinabing tapos na ang oras, napalingon ako sa lalaking ito at tumayo tsaka na umalis.

His Secret Agent GirlfriendWhere stories live. Discover now