Chapter 28

513 5 1
                                    

People show their true
colors, unintentionally.
Pay attention.

—Ms. Unknown

_____________________________________

Harmonica POV

"Oh bakit mugto mata mo Music?" Sabi sa akin ni Tattoo pagkarating ko nang RHO. Hindi ko lang siya pinansin dahil alam kong issue na naman 'to sa kanila.

"Snober ka na ngayon ah. May nangyari ba?" Sunod niya sa akin.

'Oo may nangyari at may gusto na pala ako kay Ashton.'  Gusto kong sabihin sa kanya yan pero pinigilan ko sarili ko.

"Damot nito." Nakangusong sabi niya.

"Hayaan mo na yan si Music, Tattoo broken 'yan!" Sigaw niya. Agad akong napatingin sa kanya at kinonutan ng noo, pero ngumiti lang siya nang makahulugan.

"What the fuck alam niya?" Bulong ko at hindi iyon nakatakas sa pandinig ni Tattoo.

"Waaaah alam niya? Bakit ako hindi?" Sabay hiyaw niya iniwan ko na lang siya doon sa hallway at dumeretso sa kwarto ko.


*******
Pasimple akong sumusunod kay Ashton at kasama niya si Cassidy, para siyang linta kung makakapit kay Ashton. Papunta sila ngayon sa isang bilihan ng pabango.

Pumasok ako sa Bookstore na katapat lang ng bilihan na pinasukan nila at doon ako naghintay. Pagkalabas ngiting tagumpay si Cassidy.

"Ayos ka lang? Parang tutunawin mo na yung babae." Nakita ko si Ocean na katabi ko.

"Hindi ah, tinitingnan ko lang sila." Sabi ko rito.

"Kaya pala gusot na yung librong hawak mo." Natatawang sabi niya agad akong napatingin at gusot na nga. Nakita pa ako nang nagbabantay ng bookstore at mukhang nakita ang ginawa ko.

"Fuck."


*****
"Sinusundan mo pa rin siya kahit na nasasaktan ka na?"

"Oo kasi sa trabaho natin pag may mission ka gawin mo kung dapat pa ay tigasan mo ang puso. Pero wala eh sumuko, kaya gagawin ko to kahit na masaktan ako wag lang siya." Seryosong sabi ko. Hindi ako pwedeng tumigil na lang lalo na gumagalaw na si Ronaldo.

"Pumapag-ibig ka na nga." Ngisi niyang sabi.

Kinuha niya ang papel na binili niya sa bookstore kanina, kumuha nang isang pirasong papel at rinolyo.

"Anong trip mo diyan?"

"Watch." Hinila niya ako sa gilid at pumorma nang babato. Pagkabato tinamaan si Cassidy sakto sa ulo. Agad kaming nagtago nung lumingon sila.

"Headshot 'yon." Tuwang tuwang sabi niya.

"Lakas ng trip mo ah pero ayos! Try ko nga." Sabi ko, kumuha ako nang papel at rinolyo.

"Sumakto ka sa noo." Bulong ko. Pagkaharap sa dereksyon ko ay ang pagbato ko sa kanya. Nagulat pa ang babae hinila ko para ipang-shield para hindi ako makita.

Sumilip ako at nakita kong nakayuko at hawak ang noo niya.

"Headshot."

"Okay na ba iha?"

"Ahh opo. Salamat." Sabi ko ngumiti lang ito at umalis buti na lang mabait iyon.

"Lupet mo doon." Sabi ni Ocean inaya niya akong sundan na ulit sila at tingnan ang reaksyon ni Cassidy.

His Secret Agent GirlfriendWhere stories live. Discover now