BHE -- 6

2.4K 33 4
                                    

Isang buwan ang mabilis na lumipas. Nakakakita pa rin ako ng mga ghost spirits. Mga batang naghahabulan sa harap ko, mga babaeng nakaputi at nakatingin sa akin, minsan nga sa room, meron isang lalaki na bigla nalang tumayo at tumagos sa blackboard.

Natatakot pa rin ako kapag nakakakita ako ng mga ganito. Hindi pa ako sanay. At sa tingin ko, hindi ako masasanay.

Pauwi na ako, at katulad ng laging ginagawa ko, bumili uli ako ng fishballs. Hindi ko mawari kung bakit, pero laging nakatingin at nakamasid si Manong sa akin sa tuwing bibili ako sakanya. Hindi ko na nga lang pinapansin eh.

Pagkatapos ko naman bumili ay naglakad na ako ulit pauwi. Ganun pa rin, wala pa rin tao.

Pagkaakyat ko, nakaramdam ako ng init. KAya nagdali-dali akong pumunta ng banyo at tumapat sa shower. Naligo ako.

Nagsasabon ako ng hindi ko maiwasan na mapatingin sa gawi ng pinto ng banyo. May shower curtain na tumatabing sa pinakashower, at mula doon ay nakakita ako ng pigura ng tao. Babae. Tumindig ang mga balahibo ko. Paanong makakapasok sa kwarto ko, at dito pa sa mismong banyo ko ang isang babae. Kinutuban na ako, alam ko na kung ano ito.

Unti-unti, tinanggal ko ang pagkakatabing ng shower curtain. Pero wala. Wala akong nakita. Pero may naramdaman ako. May nakahawak sa buhok ko. At pagtingin ko, nakahawak ang di ko masinong babae sa buhok ko. Hindi naman masakit ang pagkakahawak niya pero dahil sa sobrang takot ko, naramdaman kong nanghina ang mga tuhod ko at napaupo. Nawalan ako ng malay.

"WOOOOOOOOAAAAAAAAAAHHHHHHH!"- sigaw ko at napabalikwas ako ng bangon. Hingal na hingal ako. Tumutulo na din ang malamig na pawis sa noo ko.

Teka, paano ako napunta dito sa kama ko? At naalala ko ang nangyari kanina. Nabalot nanaman ako ng takot. Hindi ko na maintindihan ang nangyayari. Unti-unti nahiga uli ako. Tinaklob ko ang  kumot sa mukha ko. Pipikit na sana ako maramdaman kong nahihirapan akong huminga. Hindi lang dahil sa nakataklob na kumot sa ulo ko kundi dahil may nararamdaman akong mabigat.

Inalis ko ang kumot. At nagitla nanaman ng makita ang babae na kanina rin ay nakita ko sa banyo. Napapaibabawan niya ako. Gusto kong sumigaw pero tila ayaw lumabas ng boses ko. At isa pa, nilagay niya din ang hintuturo sa ibabaw ng labi niya na nagsesenyas na huwag akong gagawa ng ingay.

Ano ba ang nangyayari? Bakit sa tuwing patagal ng patagal ay lalong lumalala ang mga nagaganap sa akin? Kailangan kong malaman kung bakit ganito.

Behind Her Eyes [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon