BHE -- 1

5.6K 74 18
                                    

*riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing!

Nag-bell na! Hudyat na tapos na ang klase at uwian na.

"Okay, Class. You may go! Last row, kayo ang cleaners, maiwan kayo."- sabi ng teacher at lumabas na.

Nagsimula ng magsitayuan ang mga kaklase ko at nag-ayos ng gamit nila. Unti-unti ay nagsisilabasan na sila at na-realize ko na ako na lang pala mag-isa ang naiwan dito. Iniwan na naman ako ng mga co-cleaners ko.

Kinuha ko na yung maliit na trashcan na gawa sa lata ng mantika at isa-isang pinulot ang mga nalamukos na papel, balutan ng tsitsirya, nagtataeng ballpen at kung ano-ano pa. Matapos ay inayos ko na sa pagkakahilera ang mga upuan. Pinagpapawisan na ako, hindi naman kasi sapat yung hangin na lumalabas sa nag-iisang ceiling fan dito sa room. Psh! Naniningil pa yung PTA ng contribution para sa ceiling fan eh wala naman nakakabit. =_=

Matapos ko ayusin yung mga upuan, kinuha ko naman yung eraser ng blackboard. Ang daming sulat ng blackboard, mga solution sa Math Problems na tinuro ni Ma'am Beth. Habang nagbubura ako, naramdaman ko na parang may malamig na hangin na dumampi sa batok ko. I shivered.

Na-freeze ako for a second and unintenionally looked at my back. Alam ko naman na walang tao pero ewan ko, napalingon ako. Bumalik ako sa pagbubura sa mga sulat sa pisara. Malapit na ako matapos when suddenly narinig ko ang paglangitngit ng upuan. This time, napalingon uli ako, at nakita kong hindi nakalinya ang isa sa mga upuan sa dulo, dun sa aisle. Alam ko inayos ko yun maigi, kaya paano nangyari yun? Tumayo ang mga balahibo ko, nabitawan ko ang eraser. And the next thing I know, nasa gate na ako palabas ng school.

Naglalakad na ako pauwi dahil malapit lang naman ang bahay namin sa school ko, pero until now hindi pa rin normal ang pintig ng puso ko. Natatakot pa rin ako. These past few days, madalas ako makaramdam ng mga kakaiba. At dahil dun, lagi nalang meron sa aking namumuong kaba.

Ako nga pala si Rizalyn Morales. 16 years old. 4th Year HighSchool. Only Child. A dull and boring girl. Lagi nakayuko at nakatakip sa mukha ang mahabang buhok. Walang kumakausap sa akin sa room except sa bestfriend kong nerd na si Gabby.

It's already 7:17 pm na, malapit na ako makarating sa bahay ng makita ko yung cart nung nagtitinda ng fishball. Kilala na din ako ni Manong kasi gabi-gabi naman bumibili ako sakanya. Humingi lang ako sa kanya ng cup para lalagyan ng fishball. Tahimik lang akong nagtusok at naglagay ng fishball at kikiam sa cup ko. Matapos ay nagbayad na ako. Papalakad na ako ng biglang magsalita si Manong...

"Ne, alam mo gayahin mo yung kapatid mo, laging nakangiti sa tuwing bibili kayo dito sa akin."

"Kkk-kapatid po? Nag-iisang anak lang po ako."

Nakita ko na nagulat si Manong. Pero hindi na siya nagsalita, kaya nagtuloy na ako lumakad para umuwi na.

Kapatid? Sinong kapatid??!!

Behind Her Eyes [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon