BHE -- 3

2.8K 42 9
                                    

At School.

It's recess time. May 15 minutes kami para magrecess. Pumunta ako ng canteen at bumili lang ng ham&cheese sandwich tsaka roller coster. Bumili din ako ng C2. Then pumunta ako ng school garden, may mga stone tables and benches kasi dun. Lahat na ng tables&benches occupied, isa na lang ang wala kaso may nakaupo.

Lumapit ako dun, and I approached the girl..

"Miss, pwede ba maki-upo dito?"- tinuro ko pa yung left side ng bench na bakante.

Hindi siya sumagot. Tinignan lang niya ako. Maybe, it's a sign na payag na siya so naupo na din ako. Sinimulan ko na kumain. 

Habang kumakain ako, pinagmamasdan ko ang paligid. May mga naglalakad, kumakain din at yung iba ay nagtatawanan at kwentuhan. While me, sitting here beside a girl na hindi kumikibo. Actually, maganda yung girl, kaso pansin ko, malungkot siya. Medyo namumutla nga siya eh. Hindi rin siguro siya taga-dito sa school namin kasi nakasimpleng floral dress siya. May hinihintay siguro.

Nagtitingin tingin padin ako sa paligid when I suddenly focused my sight sa isang grupo ng mga lalaki na nagtatawan. Actually, 5 sila. At kabilang sa lima na yun ang crush ko na si Ron. 4th Year din sila pero magkaiba kami ng section. Section I kasi ako, at Section IV naman si Ron.

"Rizalyn.."

I got my senses back nung may kumalabit sa akin at pabulong na tinawag ang pangalan ko. Luminga ako sa right side ko. Si Gabby pala.

"Nagulat naman ako sa'yo, Gabby."- hawak-hawak ko pa yung chest ko.

"Bakit naman? Nakatingin ka na naman kay Ron ah.. Nakita ko. :)"- mahinang pang-aasar niya sa akin.

"Eh hanggang tingin lang naman ako sakanya eh.."- at napayuko ako. The thought of it really makes me sad.

"Paano mo naman nasabi? Magpakilala ka kaya sakanya?"- Gabby

"Magpakilala? Baka pagtawanan lang ako nun. Tignan mo nga itsura ko oh! Pangit ko kaya. -_-" ~ ako

"Sus. Malay mo naman. Tsaka siyempre mag-ayos ka muna bago ka lumapit sa kanya. Ang nega mo naman kasi friend eh. Penge nga ng roller coaster mo!"- sabay kuha niya ng roller coaster. Buraot talaga 'to si Gabby!

"Yaan mo na. Nga pala, nasaan yung katabi ko kanina? Yung magandang girl na naka-floral dress?"- maang na tanong ko

"Huh? FLoral dress? Wala ka naman katabi kanina ah?"

"Meron. Yung magandang babae na nakaupo dyan!"

"Naku, wag ka ngang praning dyan, Rizalyn. Wala kaya talaga!"- Gabby

"Meron nga, Gabby! Nagpaalam pa nga ako sakanya bago maupo dito eh!"- No! Hindi pwede! Hindi pwede na ... NOOOOOOOOO!

"Wala nga Rizalyn. Naku! If you're trying to pull a trick on me, wag ka na magtangka. Ang taas ng araw oh? Hindi ako matatakot."

"No. Hindi Gabby. Nandyan siya kanina. May kata---"

*riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing!

Nahinto ako bigla sa pagsasalita. Nag-bell kasi and we need to go back to our classrooms na for the resume of the classes.

"Tara na Rizalyn, balik na tayo. Guni-guni mo lang yun."- aya na sa akin ni Gabby.

Naglakad na kami pabalik. Pero bago tuluyang makalayo, lumingon ako. And I saw her. And now, she's smiling.

Behind Her Eyes [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon