4

0 0 0
                                    

Chapter 4: Assistant coordinator

"Punta tayo canteen" aya ni Josh. At dahil may pagkain sa canteen, dali-dali akong sumama sa kan'ya. Nang nandoon na kami sa canteen ay nakita pa namin sila... Kei? Sage? 'Yong tropa-tropa nila Shin at Red.

May malaking salamin doon malapit sa tindahan ng hotdog, siomai, mga tinapay at soup. Nag salamin muna ako bago bumili ng pagkain.
At dahil dry ang lips ko, ni-try kong ngumiti. Ayun, wasak ang ibang linya ng labi ko. Nag dugo pa 'yong nasa gitna. Pinunasan ko ang labi gamit ang dalang panyo. Dinampi-dampi ko lang dahil baka lalong magdugo kung ang wild naman ng pagkakapunas.

Pumunta ako sa bilihan ng mga biscuits or anything. Bumili ako ng nova, biscuit at sprite.

"Dry na lang lips mo, dapat nagtutubig ka" puna ng kasama ko.

"Hayaan mo 'yan. Lalagyan ko na lang ng lipbalm"

"Anong tatak ng lipbalm mo?" O_o?

Ba't n'ya tinatanong? Interesado ba s'ya about lilbalm anything? Hays, baka naman curious lang? Parehas lang 'yon diba?

"Ba't?"

"Ah? Wala, i'm just... Just asking" okeeehhh???

"Ba't gusto mo din mag lipbalm?"

"Luh? Nagtatanong lang eh"

"Nagtatanong lang din ako!" Bawi kong sagot.

"Hindi ah? Ba't ako maggaganun?"

"Pwede naman eh. Pang moisture naman ng lips 'yon"

"'Di na kailangan"

"Wow?"

Umalis na kami sa canteen pagtapos namin bumili ng pagkain. Pagkarating namin sa classroom ay agad kaming umupo sa upuan namin at lumamon.

Dumating ang adviser namin at nag daldal sa harap namin. Ngayon narin magbobotohan kung sino coordinator, assistant coordinator, secretary, ass. secretary, treasurer at ass. treasurer. Ayun daw 'yong tawag sa officers eh.

"I nominate Red Zyron Clinton" sabi nung isang babae.

Nilingon ko 'yong katabi ko. Halatang 'di n'ya gusto na ni-nominate s'ya. Nakasimangot eh.

"Mr. Clinton, please stand up" sabi ni adviser namin. Tumayo naman s'ya. May ilang estudyante ang nagnonominate sa iba. Hanggang sa nag botohan NAD at ayun, nakiboto narin ako kay pula dahil madaming bumoto sa kan'ya. Useless din ang pag boto ko sa iba.

"Ms. Aratia, i nominate Zei Dozon as assistant coordinator" sabi ng katabi ko sa kaliwa. Inang Josh 'to!

Pinatayo ako ni Ms. Aratia pero bago 'yon ay tinignan ko muna ng masama si Josh at nginitian lang ako.

Sipain ko 'to eh...

Kampante naman ako dahil alam kong walang boboto o kung meron man ay kokonti lang 'yon. Duh? I'm transferee, remember?

Nang botohan na ng assistant coordinator ay expected kong hindi ako magiging assistant coordinator. Pero ang walang hiya na Josh ay nagsusumigaw na 'iboto n'yo si Dozon! Maraming pagkain 'yan!'

Tarantado.

Nung pagkasabi ng apelyido ko ay nagsitaasan ng kamay ang iba. Kasama na doon si pula at Shin. Si Shin ay parang may binubulong-bulong pa sa katabi o kalapit na upuan n'ya.

"Okay, Ms. Dozon is an assistant coordinator. Next, secretary"

At dahil ako ang naging assistant coordinator, tinignan ko ng masama si Josh. Kung hindi n'ya ako ni-nominate edi sana... Bwiset!

"Yieee s'ya assistant ni coor" nang asar pa. Pinatong ko 'yong siko ko sa armchair ng katabi ko sa kanan.

"Siko mo" siko parin.

Tumingin ako kay Red, naka ngiwi lang s'ya sa akin. Napatingin ako sa siko ko. Nasakop na ng siko ko 'yong armchair n'ya.

"Ha?" I asked.

"Siko mo kako! Pakitanggal!" At nginuso n'ya 'yong siko ko.

"Papatong lang eh!"

"Nasakop mo na kaya!"

"Oh ayan na, ayan na ha, ayan na" medyo inurong ko 'yong siko ko pero naka patong parin iyon sa armchair n'ya.

"Sabi ko pakitanggal eh" bulong n'ya pa. Daming arte naman. Napa kamot ako sa ulo ko.

"Ano 'yon!?"

"Wala!" At nanahimik na s'ya.

At dahil wala pang gagawin ngayong first week ay nag cellphone muna 'yong iba. Nag kwentuhan lang kami ni Josh tungkol sa mga nakakatakot thingy. Medyo kinikilabutan na nga ako eh, at the same time napapraning na dahil feeling ko may katabi akong multo. Napapalingon pa nga ako sa kanan eh, pero si pula lang 'yong nakikita ko.

"Ay hala totoo ba 'yon?"

"Oo, takot ka na?" Mapang asar n'yang tanong.

"Hin... Di ah!"

"Sa next week may rosary na tayo, since assistant coordinator ka, at mukha ka namang matino, baka ikaw 'yong i-lead minsan. Nako, 'wag kang tatawa-tawa lalo na 'pag nag lead ka" whuttt???

"Oh ano mangyayare kapag tatawa ako?"

"Tumatawa 'yong madre" king inang 'yan.

"Madre!?"

"Diba nga, kinuwento ko na sa'yo na may madre sa chapel"

"Totoo talagang meron?"

"Paulit-ulit na lang ba?"

"Ay sorry naman!"

Nag kwentuhan lang kami hanggang sa nag lunch na. At s'yempre, sabay-sabay kaming tatlo.

"Ang kulit nga ng mukha ni Zei eh! Nung ni-nominate ko s'ya! Mukhang tae! HAHAHAHA!" Bumuntong hininga na lang ako sa kaingayan ng lalaking 'to. Kalalaking tao napaka ingay! Parang bakla.

"Anong itsura, paano ba?" Chismosang tanong ni Ella.
Ginaya ni Josh 'yong mukha ko kanina.

"Hahaha! Para kang nagpipigil ng tae Zei!" Tuwang-tuwa naman 'tong vaklang 'to.

"Hahahaha sira ulo! Eh sino pala coor n'yo?"

"Si Clinton" parang nag hugis puso ang mata ni Ella dahil narinig n'ya ang pangalan ng crush n'ya.

"At, alam mo ba kung sino 'yong nag nominate sa kan'ya?" - Josh.

"S'yempre hindi, pero sino?"

"Si Niana, 'yong naging ka-m.u. ni Red dati" agad na nag poker face si Ella. Ah so Niana pala name nun?

"'Yong maputi ba? Tapos rosy cheeks? Maganda?" Sumali ako sa usapan nila.

"Ow yeaaahhh"

"Pangit ugali nun. Noong last year nga ini-irap-irapan ako nun eh, tapos pinagseselos ako. Parang sira ulo nga eh, wala naman akong ginagawang masama"

Napansin ko nga rin kanina, nung nagtalo kami ni pula dahil sa siko ko, nakita ko na umirap s'ya bandang side ko. Or assuming lang talaga ako?

"Halata pa lang sa mukha, mukhang maldita na" sabi naman ni Josh.

"Oh 'wag n'yo na pag usapan. Baka masamid 'yon, nako" pag i-stop ko sa kanila.

"Okay lang 'yan"

"Demonyoooooo"

At nag asaran pa sila. Bumalik na lang kami sa classroom nung patapos na ang lunch time. Tawa-tawa at ang ingay-ingay pa nga namin habang pumupunta sa kan'ya-kan'yang classroom. Agaw atensyon pa tuloy kami sa iba.

To Love YouWhere stories live. Discover now