2

0 0 0
                                    

Chapter 2: SM

Naka upo lang ako sa sofa at nanonood ng tv. Biglang nangati 'yong paa ko. Siguro sign 'yon na kailangan ko gumala?

Pero... Sige na! Gagala na 'ko. Pero ayun nga, sino kasama ko? Magko commute ako mag isa?

"Ella. Gala tayo. Nangangati paa ko eh" aya ko kay Ella na nagse cellphone.

"Ha? Wala akong pera. Bakasyon pa eh"

"Libre kita" awtomatikong napa tingin s'ya.

"Teka paalam muna tayo kay lola. Nasaan ba si lola? Ay oo nasa kusina pala" at agad s'yang tumayo.

Pumunta ako sa kwarto para humanap ng masusuot. White off shoulder dress with black belt at doll shoes na black. Oh diba? Parang pupunta lang ng libing? Oh parang white lady dahil sa puting suot.

Lumabas ako sa kwarto. Bumungad si Ella sa akin na nagsusuot ng sapatos. Naka skirt at crop top ang suot n'ya. Ang sososyal ng suot namin samantalang tatambay lang naman kami doon. At makiki WiFi kung meron man.

"Nagpaalam ka na kay lola?" Tanong ko.

"Oo. 'Wag daw papa-gabi. 'Lika naaaaaa!"

Nag antay kami ng tricycle sa labas ng bahay. Pagtapos noon ay sumakay kami sa jeep.

"Uy saan ba 'yong mga mall dito?" Tanong ko nang nasa jeep na kami.

"Sa starmall or sm?"

"Uhm? Ano ba mas maganda?"

"Sa starmall mas malapit kaso dalawang floor lang" aww.

"Sa sm?"

"Malayo-layo pero malaki. Pwede ka ding maligaw dun, since maligalig at first time mo lang dito" aba nanakot pa.

"Sa... Kahit saan, basta makapag gala lang"

"Sa sm? Starmall? Ano ba?" Naguguluhan n'ya ding tanong.

"Sm na lang. Baka makakita ako ng paggagastusan eh"

"Gastadora ka pala! Magtipid ka kaya"

"Nah, i try, next time"

Nag bayad kami sa driver and then nag antay ng ilang... Oras? Para makarating doon. And ayun, nakarating na nga kami.

"Hoy, baka maligaw ka ah! Jusmiyo wala akong pamasahe. 'Wag kang hihiwalay sa'kin" parang ate ko kung pagsabihan. Tama naman s'ya. Malaki at mahaba ang SM kaya posibleng maligaw ako.

"Nagutom ako bigla. Jollibee tayo" at hinihimas ko ang t'yan ko.

"Lagi ka namang gutom eh. Tara. Nagugutom nadin talaga ako"

Pumunta kami sa jollibee at nag order doon ng makakain.
"Huy, curious lang ako. Ano ba itsura ng boyfriend mo?" Biglang tanong ni Ella habang lumalantak ng spaghetti.

Kinuha ko ang cellphone ko para ipakita sa kanya ang itsura ni Hanz.

"Syet? Kahawig ni ano... Ni Shin!"

Ah? So hindi lang pala ako 'yong nakaka isip na nagkahawig sila? S'yempre.

"Pero mas gwapo 'to" tinignan ko s'ya ng masama.

"Hoy baka maging crush mo 'yan! Subukan mo lang talaga!"

"Hoy loyal ako kay crush!"

"Ah okay. Good" inirapan lang ako.

Nang tapos na kaming kumain ay kung saan-saan kami pumunta.

"Shet may pogi doon sa national bookstore! Sundan natin!" -_-

To Love YouWhere stories live. Discover now