BUPI 12

44 5 0
                                    

Leondalle' POV

Nandito ako ngayon sa office ko para gawin ang polishing ng mga dress na gagamitin ko para sa pinaka aantay kong Fashion Runway sa Paris next week .. And nasabihan ko na rin ang barkada na medyo hindi muna ako makakasama sa kanila at hindi muna ako makakapasok sa school dahil sobrang busy nga ako dito sa preparation ko para sa fashion runway .. Nalaman ko na din ang problema between Kasumi and Jack .. wala akong maipapayo sa kanila dahil una hindi ko na experience ang ganiyang set-up at pangalawa malaki na sila kaya sa tingin ko ay kaya na nilang ihandle ang sitwasyon nila

...

Sa buhay natin hindi natin maiiwasan ang problema dahil isa nga ito sa mga pagsubok na binigay ng diyos .. para masubok niya ang ating pananampalatata sa kaniya ..

Kaya dapat lang ay tatagan natin at ihanda natin ang ating sarili para sa mga pagsubok na dadating sa buhay natin at sana ay matuto tayo sa bawat pagkakamali at problema na ating mararanasan ..

Maaari ngang patay na ngayon si Vincent at kahit anong gawin kong pagpipilit sa sarili ko na dapat ay matuwa ako sa nangyari ay hindi ko parin magawa dahil ayokong lokohin ang sarili ko .. Mahal na mahal ko parin si Vincent .. sobrang mahal ko pa din siya at sobrang sariwa pa rin ang mga sugat na iniwan niya sa puso at sa buong pagkatao ko .. pero ngayon sa tingin ko dapat na akong magpakatatag dahil alam kong mas marami pang problema ang darating sa buhay ko para subukin ako ...

Sa ngayon iisa na lang ang plano ko sa buhay ang makabuo ng organisasyon na matagal ko ng pinagplanuhan ang ...

Break-up planning Inc.

Hindi ko rin alam kung bakit ko naisipang bumuo ng ganitong klase ng organisasyon .. organisasyon na tumutulong sa mga tao na makipaghiwalay na sa kanilang karelasyon ... Siguro ay dahil na rin naranasan ko na ang magpakatanga sa isang relasyon na alam ko namang hindi na rin tatagal kasi kahit papano may kontin pag-asa parin ang natira sa puso ko nun na kaya ko pang ayusin ang relasyon namin noon pero sa tingin ko kahit gaano ka pa katagal mag-intay kung hindi naman darating ang inaantay mo mas mabuti pang itigil mo ito ..

Pero sa totoo lang wala na rin akong balita tungkol sa dati kong bestfriend na si Jillian .. Ang huli ko na lang balita sa kaniya ay nung nalaman ko na nasa America din siya pero hindi ko alam ang lugar .. Para magpagamot dahil malala na pala ang sakit niya na Cancer .. Gustuhin ko mang maawa sa kaniya hindi ko magawa dahil punong puno parin ng pait at pighati ang nararamdaman ko sa kaniya dahil sobrang sakit pa rin pag naaalala ko ang mga ginawa nila ni Vincent sa likod ko .. lalong lalo na ang pagiging dahilan niya ng pagkamatay ng anak ko ..

Grabe ang layo na ng napuntahan ng topic ko .. nagsimula sa runway napunta sa barkada ko tapos kila jack at kasumi tapos napunta sa organisasyon na gusto kong buoin tapos kay vincent tapos biglang napunta kay Jillian .. hay nako .. tunay ngang napakagulo ng buhay .. minsan tayo ang nasa taas minsan naman tayo ang nasa baba ..

Haaaayy .. kailan ko kaya makakamit ang happily ever after life na sobrang matagal ko ng gustong maranasan ..

Naputol ang pag reremnisces ko ng biglang may kumatok sa pinto ng office ko ..

"Mam may naghahanap daw po sa inyo "

"Sino?"

"Romeo Dela Cruz daw po tatay daw po siya nung Vincent po ba yun"

"A-ano? "

Break-up planning IncorporatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon