BUPI 8

56 9 0
                                    

Leondalle's POV

-WELCOME TO NEW YORK-

Yan ang pagkalaki -laking karatula na sumalubong sa amin pagbaba namin ng eroplano

Ngayong nandito na ako sa New York sa tingin ko pwede ko nang mapaghilom ang mga sugat sa puso ko na dulot ng bestfriend ko at ni Vincent .. isama mo na rin ang pagkawala ng anak ko..

Sinundo agad kami ng driver ni mama na maghahatid sa amin sa bahay namin dito sa New York

Nagpahinga agad ako pagkadating ko dito sa bahay namin sa New York .. May sarili na akong kwarto dito since hindi naman ito ang first time ko na pumunta dito .. Pumupunta din ako dito para magbakasyon .. pero ngayon hindi na lang basta bakasyon ang gagawin ko .. Nandito ako ngayon para magisip-isip .. dahil parang dati isang normal lang akong tao na meron lang simpleng problema .. pero ngayon parang boom! Sobrang dami na ng problema ko ..

Minsan nga naisip ko paano kaya kung hindi ako naging si Leondalle? Hindi ako yung leondalle na naanakan ng iba .. yung leondalle na niloko ng boyfriend at bestfriend niya .. magiging ganto kaya ako ka lungkot?

Naputol na lang ang pag-iisip ako ng biglang pumasok si mama sa kwarto

"Ma? Bakit? "

"Anak pumunta ako dito para sana tanungin kung ano ang problema?"

"Ma sorry po pero hindi ko pa po masasabi sa inyo ngayon ang dahilan "

"Naiintindihan ko anak pero sana wag kang maging ganito .. maging masaya ka .. baguhin mo ang sarili mo "

Yan lang ang sinabi sa akin ni mama bago umalis sa kwarto ko .. pero tungkol sa payo niya sa akin .. iniisip ko tama si mama .. imbis na maging malungkot ako at makulong sa alaala ng nakaraan bakit hindi ko baguhin ang sarili ko? Babaguhin ko ang sarili ko bilang isang babae na hindi na magpapaloko .. pero saan ako magsisimula? Paano ko mababago ang sarili ko?

Vincent's POV

"Ano ba vincent !! Gusto mo bang sirain ang buhay mo? Inom ka nalang ng inom .. at isa pa bakit mo sinaktan ang anak ni Jun? Alam mo naman na napakalaki ng utang na loob natin sa kanila!! "

Kanina pa ako sinesermonan ni papa dito .. kanina pa rin niya pinapamukha sa akin na ang tanga ko dahil iniwan ko si Leondalle ..

Ang anak ni tito Jun .. napakalaki ng utang ng loob namin sa kanila dahil kung hindi dahil sa kanila wala na ang pamilya namin .. At kung hindi dahil kay Leondalle wala na ako ..

>FLASHBACK<

"Romeo tapos na ang palugid namin na isang linggo para bayaran ang utang mo .. alam mo naman ang patakaran ko diba .. pag hindi mo nabayaran ang utang mo .. Buhay ang kapalit "

"Maawa ka sa pamilya ko .. kahit ako na lang ang patayin mo wag na ang mag-ina ko "

"Pasensya na romeo .. pero kung gusto mo ikaw ang uunahin ko para hindi mo na masaksihan ang pagpatay ko sa mag-ina mo"

Bakit nila gustong patayin si daddy? bakit ay aril ilang awak?

"Maawa ka sa kanila .. wala silang kinalaman sa utang ko sayo ako na lang ang patayin mo "

"Romeo .. alam mo namang ayoko ng drama diba? Kaya tumigil ka diyan .. Hoy !! Amin na ang baril .. uunahin ko na ang anak mo"

*BANG* (BARIL)

"BATAAAA"

Akit ila inaril yung bata?

Awawa yung bata ang aming dugo

"Sino tong batang to? Paharang harang nabaril tuloy .. maswerte yang anak mo romeo may humarang na bata pero ngayon sigurado ako na patay na to "

"Boss !! Boss !!"

"Ano?"

"May nagbayad na ng utang nila"

"Sino?"

" Jun Smith daw ang pangalan"

"Hmm..maswerte ka talaga romeo"

Umalis na agad yung asamang aaki agkatapos niyang sabihin yun

"Jusko romeo tulungan natin tong batang to .. dalhin natin siya sa ospital " -mommy

>END OF FLASHBACK<

Kung iniisip niyo na si Leondalle ang batang yun .. tama kayo siya nga ang bata sumalo ng bala na dapat ay akin .. kaya napakalaki ng utang ng pamilya ko at miski ako sa kaniya..

Naisipan ko na mag bar kaya kinuha ko ang susi ng motor ko at nagsimula ng magdrive

Habang nag dri-drive ako .. napatingin ako sa may bandang kaliwa ko dahil parang nakita ko si Jillian .. pero pagbalik ng tingin ko sa daan ..

*BLAG* (nabangga yung motor)

May truck na dumaan sa harap ko at nahagip ako nito ..

Then everything went black

Break-up planning IncorporatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon