BUPI 5 PART 2

60 7 0
                                    

Leondalle's  POV

*school*

Pagdating  ko sa school didiretso na sana ako sa classroom naming ng may narinig akong bulungan hindi ako sigurado pero sa tingin ko ako yung pinaguusapan nila..

"yuck..sluty bitch"-girl 1

"I know right.."-girl 2

"naturingan pa naman siya na perfect girl"-girl 3

"oo nga..hindi na ako magtataka kung iiwan ni Vincent yan..napakalandi niya"-girl 1

"oo nga hindi na siya nakuntento kay Vincent..pero kung tutuusin mas maganda at mas bagay pa ako kay Vincent noh.."-girl 2

"tama ka best..mas maganda ka nga sa kaniya"-girl 3

Sana hindi na lang sila nag-bulungan rinig ko parin naman eh.. pero bakit nila ako sinabihan na malandi at iiwan ni Vincent? Eh parang kahapon nga lang ginawa naming young ano.. hihi.. ok erase tama na landi.. kaya dumiretso na lang ako papunta ng room .. pero pagdating ko sa room namin bigla na lang silang nag bulungan na kesyo slut malandi daw ako...

Kanina pa ako naguguuhan promise ... sabi sila ng sabi sa akin ng malandi eh hindi ko nga alam kung bakit nila ako sinasabihan ng ganon ... at isa pa loyal ako kay Vincent noh.. kaya nga ginawa naming yung ano hihi.. ay takte lumalandi na naman ako ... mamaya na landi aral muna dapat hahaha...

Dumiretso na ako sa upuan ko pero.. may naka dikit na papel dun na ang nakasulat eh

"SLUT  GET OUT OF THIS SCHOOL.. BITCH"

Bakit ba nila ako ginaganito wala naman akong ginagawa sa kanila ah .. kung kanina medyo nagtataka pa ako kung ako ba yung sinasabihan nila ng slut .. ngayon sigurado na ako na ako yung sinasabihan nila.. at isa pa nagtataka ako dahil 2 days ng absent at 2 days ng hindi nagpaparamdam sa akin si Jillian .. dahil dati naman hindi siya ganun ..

"Leondalle!!!! Pumunta ka sa bulletin board may nakapost dun na picture mo"

"ha anong picture?"

"basta pumunta ka nalang dun"

Dali-dali akong tumakbo papunta dun sa bulletin board .. hindi ko alam pero parang kinakabahan ako sa madadatnan ko dun .. at sigurado ako na iyon ang dahilan kung bakit nila ako sinasabihan ng malandi at bitch etc.. wala na akong pakialam sa mga tao na nababangga ko o dun sa mga taong sinasabihan ako ng malandi .. basta ang gusto ko makarating agad dun sa bulletin board

Pagdating ko sa may bulletin board ang daming tao na nakapaligid dun.. kaya wala na akong nagawa kundi sumiksik na lang sa kanila .. pagkakita ko sa nilalaman ng bulletin board ..

Wala na akong nagawa kung hindi mapaupo nalang at mapaiyak sa nakikita ko ngayon sa bulletin board....

_________________-

PART 1 LANG PO YAN  MAY PART 2 PA PO..

Break-up planning IncorporatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon