Chapter 10: His Life

49 1 0
                                    

Hi, medyo mahaba 'to compared to other chapters kaya sana mag'vote and comment kayo. :)

This is more of Gabriel's Point of View para malaman natin kung ano ang buhay niya.

Nakakasawa si Ysha eh. Haha. Lol. So the next chapter would be for Xiro, uulan ng kapogian sa chapter na 'to at sa susunod. Hahaha. ^___^

Btw, Gab on the picture ---------------------------------------->

--------------------------------------------------

Ysha's Point of View

Hindi ako nakapasok kinabukasan dahil sa nilalagnat pa ko at medyo masakit ang ulo ko. Tinext ko si Ailee na pakiexcuse nalang ako sa klase namin dahil wala naman akong number ng mga classmates ko.

Nakahiga lang ako sa kama at nakatingin sa kisame. Hayy. Ang boring naman dito sa bahay, namimiss ko si Ga--- scratched that.

KNOCK KNOCK

"Pasok po!" -Ako

"Iha, tumawag ang Daddy't Mommy mo kaninang alasais ng umaga, kinakamusta pakiramdam mo. Ayos na ba ang lagay mo?" -Nay Rosa

"Ayos na po ako medyo masakit lang po ulo ko." Pagsagot ko

"Sige ikukuha kita ng gamot" Bumaba na si Nay Rosa at naiwan nanaman akong mag'isa

Hayy. Tatawag lang naman sila Mommy't Daddy pag may sakit ako eh. Kung hindi kaya ako nagkasakit, baka hindi nila naisipang tumawag man lang at mangamusta. =___=

Maya maya bumalik na si Nay Rosa at may hawak na gamot, isang baso ng tubig at notebook? Para san yun?

"Eto ang gamot inumin mo at ipinapabigay pala 'to ng kaklase mo ata. Mga notes niyo daw sa eskwelahan at baka kailanganin mo" Sabi ni Nay Rosa sabay abot saakin nung notebook.

"Ah Nay,sino pong kaklase?"

"Nako, hindi nagpakilala eh tsaka nagmamadaling umalis." -Nay Rosa

"Ah ganun po ba?" Nalungkot ako bigla hindi man lang ako nakapag'thankyou man lang.

"Oo Iha eh. Sige ha! Bababa muna ako, tawagin mo nalang ako pag may kailangan ka"

Tumango nalang ako at lumabas na nga si Nay Rosa kaya naiwanan nanaman ako.

Bigla biglang tumunog yung cellphone ko. Actually spare phone ko lang to dahil nga nasira yung phone ko dahil kay Gab. Pero hindi ko yun tinapon, ang totoo niyang tinago ko pa yun sa isang box. Haha! Souvenir man lang.

Akala ko si Ailee yung nagtext pero hindi pala.

From: Unknown Number

Kamusta na pakiramdam mo?

Nagreply ako

Sino ka?

Nagtext ulit siya

From: Uknown Number

Xiro

Ah si Xiro pala. Akala ko nanaman si Ga-- HEPHEP! Tama na nga ang pagiging Hopia ko. >____<

Aasa nanaman akong si Gab yun eh baka nga ipinalangin na nung hindi ako gumaling eh. -___-

Gabriel's Point of View

(Author: Nangyari ito bago pa mangyari yung POV ni Ysha.)

6:30 AM nasa school na ko. Masyadong maaga ito para sa ibang estudyante pero para sa akin, normal na ang ganitong pasok ko.

Umiiwas lang ako sa dami ng taong pumapasok ng sakto sa oras. Ayoko ng maingay. Hindi ako sanay na may nagtatawanan sa isang tabi at naguusap ng mga kahit anong pwedeng pagusapan sa araw na yun. Nakakainis lang isiping sa tawanang nililikha nila, ilang tao lamang ang mayroong totoong tawa dun. Baka wala pa sa kalahati.

Unspoken Words (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon