Chapter 3: AYOKO

83 2 2
                                    

Ysha's Point of View

"PATUTOR KA KAY GABRIEL! ^__________^"  

WHAT? Naloloko na ata tong babaeng to eh.

"NO WAY!" Padabog kong binagsak yung palad ko sa may lamesa. Shiz.

"Alam mo Bessy, sya lang makakatulong sayo. He's the Top 1 sa batch natin. REMEMBER Top 1" -Si A

"So, paki ko kung Top 1 siya. Basta AYOKO." Sabi ko

"Osige, choice mo yan. Hindi ka man lang ba nahihiya sa parents mo? Nagtatrabaho sila ng maigi para sayo tas ganyan lang ang igaganti mo sakanila. Magpapatutor ka lang naman kay El, san banda dun ang mahirap kung icocompare mo sa paghihirap ng parents mo. Lahat ng nakakabuti para sayo gustong ibigay ng parents mo sayo pero ikaw sinasayang mo. Wala kang kwenta! Mas mabuting hindi ka na ipinanganak sa mundong ibabaw. Wala ka ng nagawang mabuti. Isa kang suwail. SUWAIL NA ANAK! Huhuhu" Sabi niya sabay taas pa nung hintuturo niya.

Napapailing nalang ako. Nakakahiya. u___u Nandito pa kami sa canteen, madami ng nakatingin saamin pero tong si A nagdadrama pa rin. May luha luha effect pa. >.< 

"A! Nakakahiya na! Layas na tayo dito!" Hinila ko siya palabas ng canteen. 

"Oh ano tapos ngayon nahihiya ka? Hindi pa ba sapat yung pagdadrama ko sayo? Please. Please. Pang FAMAS na yung acting ko dun, bumigay ka na! Pumayag ka na kasi." Sabi ni A habang magkadikit yung palad niya in a prayerful position.

"A-Y-O-K-O. San banda dun ang hindi mo gets A?" Sabi ko. -___-

"Sa reasons mo. Bakit ba ayaw mong pumayag?" -Siya

"Basta ayaw ko lang." Nakapameywang pa ko nun. 

"Sige na nga, kay Alberto ka nalang magpaturo." Suggestion niya.

"Sino ba yung Alberto na yun? Kanina ko pa naririnig sayo yun ha!" Sabi ko

"Si Alberto nga yung kaklase niyo. Halatang hindi mo kilala ha.  Yung nerd dun. Balita ko matalino din yun. Bali kasunuran sa ranking ni El." -A 

"Really? I guess mas better yung Alberto na yun kesa kay Gab. Teka, nasaan ba yung Alberto na sinasabi mo?" -Ako

"Hmm. Nasaan ba yun?"  Tumigil kami sa paglalakad. Hinahanap ng mata ni A yung Alberto. Maya maya tinuro niya saakin "Ayun!" 

"Nasaan?" Tinignan ko yung tinuturo ni A. 

"SIYAAAAAAAAA?" Gulat na gulat kong tanong sakanya

Tumango tango lang siya na may mapangasar na ngiti.

Gosh! >.< Sa dinami dami ng pwedeng isuggest yung ano pa...What do you call it? Hmm.

Yung kulang sa personal hygiene. Tama! Yun nga. Hindi sa mapanglait ako or what, pero base on my observations, yun ang nakikita ko. Hmm. By the looks of him palang, puno ng pimples ang mukha. Halatang hindi nagfe'facialwash. May braces siya. Kapal ng salamin. Madaming dala dalang libro. Idol ata si Einstein. Urgh. Mas gusto ko pang magself study kesa makasama yan eh. 

"Oh ano? Gusto mo ba maging tutor yan si Alberto? Teka tatawagin ko." 

"ALBER---------" Tinakpan ko yung bibig niya para hindi na siya marinig nung Alberto na yun. 

"AkskjgdgrhtjBifhighrighfihgihrihgdbgteujtjyjytj" Di ko maintindihan sinasabi ni A kaya tinanggal ko na yung pagkakatakip ng kamay ko sa bibig niya

"Ano kamo?" Sabi ko 

"Sabi ko, akala ko ba gusto mong maging tutor yun si Alberto" -Ailee

"Ahh. W-wag na l-lang pala!" Napakamot pako sa buhok ko.

"Osige. Bahala ka nalang mag'aral magisa. Hope you pass all those exams WITHOUT the help of anyone." Sabi niya na may halong pangongonsensya. Urgh. 

 I have to do this for my own sake. 

Shiz. Kahit labag sa loob at damdamin ko. >.<

"Sige na nga! Pumapayag na ko!" Sabi ko kay A. 

"Ha? San ka pumapayag?" Nagkakaila pa tong lokang to.

"Pumapayag na kong magpatutor kay Gab KUNG..."

"Kung?" 

"Kung papayag siya." Sabi ko. 

"Ano ka ba, papayag yun! Yun pa! Haha. Lika na, puntahan na natin si Papa El!" Sabi niya, sabay hatak saakin.

No choice na ko kung hindi magpahatak. Hayy. 

*CLASSROOM

Nasa may pintuan kami ni A nung natanaw namin si Gab na tahimik lang na nakaubob yung ulo dun sa may table niya. As usual. Hayy. 

"Oh Ysha, lapitan mo na bilis!" Pagtutulak saakin ni A

"Ehh." Nagaalinlangan ako

"Ano ka ba! Now or Never? Bilis!" Tinulak niya uli ako kaya no choice na ko kung hindi lapitan tong asungot na to. 

"Hmm. Gab?" Nahihiya kong banggit sa pangalan niya

Umupo siya ng maayos at tumingin saakin. Yung expressionless na mukha. 

"Pwede ba magpatutor sayo Gab Please Please?" Nagmamakaawa kong sabi sakanya. Yung nakapikit pa ko na parang nagdarasal. 

"AYOKO" 

--------------------------------

A/N: Alam ko pong bitin, yan lang po kaya kong iupdate. Nakaupdate naman po ako kanina eh. Basahin niyo muna po yung update ko na yun before ito. :) Actually, excited po talaga akong mag'UD dito kasi gusto ko lang. Chos. Hindi, excited po ako kasi mahal na mahal ko ang mga characters ko dito. ^________^ Atsaka excited akong mapunta sa pinakainteresting part ng storyang ito. Ayun, kaso dahuil busy sched. NCAE+Journ Comp. ayun, punuan ang sched ko kaya hindi ko siya masusubaybayan. Pero promise babawi ako. :)) Sana suportahan niyo story ko. Thanks. VOTE, COMMENT AND BE A FAN. 

Unspoken Words (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon