Chapter 1: The Seatmates

250 6 4
                                    

Ysha' Point of View

Nagising ako mula sa tunog na nagmumula sa Alarm Clock ko. 6 AM na ngayon at ngayon ang magsisimula ang 1st day ko sa pagiging 4th yr Highschool.

Btw, ako nga pala si Ysha Nicole Fuentes. 16 years old at nagaaral sa North Harris Academy. Isipin niyo palang yung name nung school pang mayaman na. Yes, mayaman po kami but I don't care. Kung titignan, isang normal na pamilya lang ang meron ako, Yung tipong laging busy yung mga parents mo kakatrabaho. Ganun din po ang kalagayan ko. 

I hate dramas. Stop na tayo dyan. 

Nagprepare na ko for school. After ilang minutes, bumaba na ako for breakfast.

"Nay Rosa Goodmorning" Bati ko kay Nanay Rosa, siya yung nag'aalaga saakin simula pagkabata. 2nd mother na rin ang turing ko sakanya since matagal na siyang naninilbihan saamin.

"Oh Iha, halika na dito't kumain ka na." 

"Ah, Nay nasaan po sila Mommy't Daddy?"

"Nako! Umalis kaninang madaling araw. May biglaan daw ng business trip sa ibang bansa. Hindi ka na ginising dahil mahimbing ang tulog mo kaya ayun binilin ka nalang nila saakin. Mga 3 araw daw silang mawawala."

Tumango nalang ako. Hayy. Mawawala nanaman sila. For sure hindi lang 3 araw yun. Maeextend ng maeextend yun hanggang umabot ng weeks.

"Sige po, Nay sumabay na kayo sa pag'kain saakin." Pagaaya ko

Tumango nalang si Nay at ayun niyaya niya na rin yung 2 pa naming maids pati si Mang  Pedro, Mang Pedz  for short

 After ng breakfast, nagpahatid na ako kay Mang Pedz sa school.

Habang nasa kotse kami kinausap ko si Mang Pedz.

"Mang Pedz, anong oras po umalis sila Mom and Dad?"

"Ah Iha, mga 3 AM. Nagmamadali nga eh."

"Ah ganun po ba?" Nalungkot ulit ako. Hayy. Buhay nga naman oh.  

"Wag ka ng malungkot Iha, nagtatrabaho naman sila para sayo eh. Sa kabutihan mo rin."

Unspoken Words (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon