14. Clueless

17.5K 234 22
                                    

"Arrrrrrrrrrrrrrrrgggghhh. Eunnieeeeeeeee. WhHat tuu duu?" tanong ko habang nakasubsob ang ulo sa unan.

"Tumigil ka nga Dannica, para kang aning dyan. Inistorbo mo ang bonding namin ni Hann para lang mag inarte ka ng ganyan?" tinawagan ko kasi siya na pumunta dito sa bahay, dapat nga ay ako ang pupunta sa kaniya kaya lang ay hindi ako pinayagan nina Papa na umalis ng bahay. Wala kasing kasama si Nixia.

"Hindi naman ako nagiinarte eh, ang hirap lang sa part ko. Ni hindi ko nga alam ang gagawin ko, ni wala nga akong nasabi eh. Hmpf, palibhasa perfect kayo ni Hann." patampo effect at saka ako dumapa sa kama.

"Siya siya, tampo pa." lumapit siya sakin at niyakap ako ng pagkahigpit higpit. "Namiss kita Dan. Sobra. Huwag ka na ulit matutulog ng matagal ah. Miss you so much." and the sweetest part? Hinila lang naman niya ang buhok ko bago tumayo sa kama. "Basta this time dapat makinig ka na sakin ah."

"Sorry nga pala, dapat kasi nakinig talaga ko sayo nun." sincere kong sabi sa kanya.

Nung last time kasi sa hospital ng magising ako at kami na lang ni Trev ang natira may sinabi siya sakin. Hindi ko alam kung sinadya ba niyang iparinig sakin ang lahat at ngayon namomroblema ako if paano ba ang gagawin ko, babalik na siya any moment now at hindi ko parin nada digest yung huling tanong niya. What should I do? I love my Nixia so much.

************

*Flashback

 "Trevor, gusto ko sanang magpahinga muna. Sorry." 

Hindi ko na hinintay ang sagot niya, umayos na ko ng higa at tumagilid para mayakap ko si Nixia na himbing na himbing sa pagtulog. Pumikit ako, pero pinakikiramdaman ko pa rin si Trevor na nasa kama.

Siguro ay may lima o sampung minuto na ang lumilipas ng mahiga din siya, pero ilang saglit lang ay naupo ulit ito. Halatang hindi mapakali.

Nagulat na lang ako ng hawakan niya ako sa balikat. Napa igtad pa nga ako, pero dahil sa nakatalikod ako sa side niya hindi ko na lang pinahalata na nagulat ako. Deadma lang at kunwari'y natutulog kaya "Mmmmmmn...." habang gumalaw ng konti.

Living in a Nightmare (Continuation of  Sex on the Beach)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon