2. Nixia's Smile

23.6K 245 29
                                    

"Pa, tell me that everything is a joke. It's just a bad dream." rinig kong sabi ni Mama, pero bakit parang ang lungkot niya. Halata sa boses ni Mama na kagagaling lang niya sa pag iyak.





"Let's just accept what happened. Isipin na lang muna natin ang marardaman ng anak natin. Ang kalagayan niya. Masakit satin ang nangyari at tiyak na mas masakit sa kanya yun kapag nalaman  na niya." Bakit si Papa din ang lungkot? Ano ba ang pinagsasabi nila? Bakit kinakabahan ako.





"Huwag lang sana niyang sisihin ang sarili niya sa oras na malaman niya ang nangyari kay Nixia. Wala namang may gusto sa nangyari." Nixia? Bakit anong nangyari sa anak ko? Nixia baby ko.





Boses lang nila ang naririnig ko. Wala akong makita. Nasan ba ako? Bakit hindi ako makagalaw?




Nixia.





"Bakit hanggang ngayon hindi pa rin nagigising ang anak ko? It's almost a week now. " Mama asked.





Then I heard another voice. "The only thing we can do now is to wait. Nasa pasyente po ang desisyon kung gigising pa po siya. Siya po ang makakapagsabi kung ano ang magiging kinabukasan niya. I'm sorry Mam."




Mama Papa. What happened to my Nixia.




I need to do my best para makalabas sa madilim na lugar na to. Takbo ako ng takbo kahit wala akong nakikita. Kahit wala akong direksyon. I need to see my baby. I already missed her. Parang ang tagal ko na dito, hindi ko alam kung ano na ang nangyari. Ang nangyayari.




Takbo parin ako ng takbo at parang hindi ako napapagod sa ginagawa ko. Nang marinig ko muli ang boses ni Mama. "Dannie, baby where here."




"Wake up now sleepyhead." si Papa naman.




*

"Hmmmn." boses na tanging nagawa ko.




Nasisilaw ako sa liwanag at ramdam ko ang pagka manhid ng katawan ko. Tanging mga daliri ko lang sa kanang kamay ang aking naigagalaw.




"Dannie, you're awake. Thanks God." sigaw ni Mama ng marinig ang nagawa kong ingay.




Kahit blurred pa ang nakikita ko ay kita kong mabilis akong nilapitan ni Papa. Pinisil pa niya ang balikat ko para siguro ay maka sigurado na gising na ako.




"Hmmmn Pah " mahinang tugon ko sa kanila. "Nih- sha?" tanong ko pa.




Bago ako tanungin ng kung ano ano ng doktor ay hindi maikakaila sakin kung ano ang naging reaction ng mga magulang ko matapos kong tanungin ang anak ko.




They gave me a weak smile and I felt pain ng makita ko yun. I really don't know what is happening but one thing is for sure, it's not good.





Huwag lang sana na may nangyaring masama sa anak ko. Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko.




Nixia is my treasure. She's my motivation para makayanan ko ang lahat ng mga pagsubok na dumarating sa buhay ko. She's my inspiration and she's all I want in life.




Kapag nakikita kong masaya ang  anak ko, masaya na rin ako. Every time I see her smiling face makes my day extra special. Parang siya na ang nagiging multi vitamins ko.




I love my Nixia.





*


Numb.




Bakit? Bakit ang anak ko pa? Sana ako na lang. Kasalanan ko ang lahat. Dapat ako ang nandon at hindi ang anak ko. Dapat ako na lang.




"Anak, be brave." sabi ni Papa at inihilig ang ulo ko sa balikat niya. Nasa kotse kami at papunta kay Nixia. Pinagigitnaan ako nina Papa at Mama.




Kanina pa bago ako ilabas sa hospital ay nasabi na nina Papa kung nasan si Nixia and after I heard where she is, I felt numb.





Wala akong emosyong narardaman pero patuloy sa pagtulo ang mga luha ko. Hindi ko mapigilan. Parang may mga sarili silang utak. Parang may kung ano sa loob ng mata ko at nagsisi unahan sila sa paglabas.




"Crying would not help you Dannie. Where always here for you. Remember that."





Hindi ko parin mapigil ang pagluha ko. Hindi ko pa rin lubos maisip na nangyari ito sa anak ko. There's no one to blame but myself.




Just myself.




Buong biyahe ay walang ginawa sina Mama kung hindi ang icomdmfort ako. Wala silang ibang sinabi kung hindi ang tatagan ko ang sarili ko.



.

Papasok palang  ako sa lugar kung nasan ang anak ko ng makita ko ang isang pigurang pamilyar na pamilyar sakin.




Mama said that it's almost a week when I'm in coma. Kung isang linggo ang nakalipas sobrang laki naman ng ipinayat ni Trevor.




Bakit nga ba ako magtataka? Kung nasasaktan ako ngayon mas nasasaktan siya dahil hanggang huli ay pinagkait ko sa kanya ang anak ko. Ang anak namin.




Nang makarating ako kay Nixia ay napa ngiti ako. "Baby, Mimi is here." masayang sabi ko pero wala akong nakuhang reaction mula sa kanya.




"Baby, wake up. You'll going to miss your favorite Dora." patuloy ko pa.



"Dannie...." sabi ni Mama at hinawakan ang kamay ko.




"Ma, is it my fault?" tanong ko kay Mama. "Papa, I'm *sniff* sorry. It's a-all *sniff* my fault.*sniff*"




Umiling lang si Papa at tumingin sa anak kong si Nixia.




Ngumiti siya pero may mga luha na sa mga mata. Bihirang lang magpakita ng emosyon si Papa.



At hindi ko na nacontrol ang emosyon ko. Naiyak na ako ng tuluyan. Hysterical  Habang binubuksan ko ang kabaong pinaghimlayan sa kanya ay walang patid ang paghingi ko ng patawad sa anak ko. "Ni-Nixia baby.... *sniff* I'm sorry..... Nixia... pl-please forgive *sniff* Mimi.... Nixia... baby...."




Pilit akong pinatatag nina Mama. Alam ko na ang pinaka ayaw ni Nixia ay ang makita akong malungkot at umiiyak pero paano ako magiging matatag kung wala na ang tanging pinaguhugutan ko ng lakas.




.

Wala na ang anak ko.




Wala na si Nixia.



.

Dalawang araw na ng nakaburol ang anak ko.




Sina Trevor na ang nag asikaso sa lahat dahil sa nasa coma pa ako ng mga panahon na binawian ng buhay ang anak ko.



Kasalanan ko ang lahat. Kung hindi ko sana pinagdamot ang anak ko, hindi mangyayari to.



Sana isang masamang panaginip lang ang lahat ng to.



Sana sa paggising ko nandito pa si Nixia.




That I can see her again alive and my







Nixia's smile.

Living in a Nightmare (Continuation of  Sex on the Beach)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon