11. I'm Dying

16.8K 227 32
                                    

I don't understand.  

Ano ba ang susundin ko? Ang sinasabi ng utak ko o ang dinidikta ng puso ko? Hanggang ngayon wala pa  akong ideya kung ano nga ba ang dahilan ni Trevor. Ang alam ko lang, ay yung resort na pinuntahan namin dati nung birthday niya at yung pinanggalingan namin ay iisa. Some changes made kaya pala pamilyar sakin. Kaya din siguro nandun si Trevor. Pero bakit siya nandun gayung may trabaho kami. Bakit niya ako biglang hinalikan? At bakit ako bumigay. Frustrating me.

Tatanungin ko ba siya? Actually I can ask him, we're all alone dito sa bahay kaya kahit na magsigawan kami ay walang makakarinig at walang makaka alam. Kailangan ko lang ng lakas ng loob. I can do this, Yes I can. "Trev...." panimula ko kahit wala pa akong rehearsal. "Ahm,  kasi yung...."

"Yung kahapon?" pagputol at pagtuloy niya sa gusto kong sabihin. Bigla akong tinamaan ng hiya, parang hindi ako sanay. Ang awkward.

"Yeah. I'm just a bit..." hindi ko alam kung anong salita ba ang magandang gamitin.

"C'mon, Dannica don't waste my time.. Ang totoo niyan kaya ako nandito eh dahil sa wala ka sa site and I need to tackle something." naguguluhan ako. Bakit parang bigla na lang nag iba si Trevor? Kahapon lang ang sweet niya, and muntikan ng may mangyari samin ulit tapos ngayon para siyang babaeng may red alert. What the hell. At ngayon nagrereklamo siya na wala ako sa site, kung tutuusin ngayon lang ako hindi pumasyal doon.

"Kasi hindi ko lang maintindihan."

"Dannica, if it's not important let's talk about work. Okay?" napa tango na lang ako sa sinabi niya at sumunod sa kanya papuntang living room. Siguro nga mas magandang trabaho muna ang pag usapan namin. Mas importante naman yun kesa dito sa nirereklamo ng mga lamang loob ko.

---

Halos lahat ng napag usapan namin ay yung mga tatrabahuhin next week. Pero bakit niya sakin sinasabi ang lahat ng ito? Is he taking another leave? Men, ako na nga lang ang lahat ng mga umaasikaso sa project tapos aalis na naman siya? Maiintindihan ko siya kung week before Christmas siya aalis, pero November pa lang.

(Inuulit ko, sinusunod ko lang sa timeline. Sorry po ulit if out of season. :)

"Now Dannica ang gusto mo bang itanong is kung bakit ako nandun sa La Union?" I nod, so he continued. "Nandun ako kasi mahahalagang tao ang bisita ng resort, as you know pagmamay ari ko ang resort na yun. Politicians, Celebrities and Business Tycoons ang mga guest but what have you done? Your friend ruin the event. Alam mo ba na lahat ng sulok sa lugar na yun eh de camera? Hindi ka pa nagpapasalamat sakin. Kung hindi ko ginawan ng paraan ang gusot na pinasok mo, malamang wala ka dito sa mansion niyo."

"Bakit? Ano ba ang ginawa mo?"

Living in a Nightmare (Continuation of  Sex on the Beach)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon