13. Badtrip

16.2K 223 13
                                    

Almost two months in coma and I woke up from a dream, no, it's a nightmare. 

For me it's incredibly real. Hindi ko maipaliwanag, there's no such word to explain and describe it.

Nagising ako sa panaginip ko na para bang iyon talaga ang nangyari, napaniwala ako ng sarili ko na nawala ang anak ko at kasalanan ko yun. 

It's unexplanable na lahat ng nangyari ay may posibilidad na mangyari. 

Trevor, Melissa and who can forget about Calvin and Bree. Kompleto di lang characters pati location parang totoo.

It's a dream and I'm thankful that it was just a dream. I can't even think losing my child because of me. 

Kanina nung nagmulat ako ng mga mata gusto kong magwala at mag atungal pero hindi ko magawa, nahihiya ako sa kanilang lahat lalo na sa anak ko. Sa isang maling desisyon, ito ang inabot ko. Sa isang maling desisyon muntikan ng mawala ang anak ko.

Narinig ko pa sa doktor kanina na normal lang daw ang inaakto ko ngayon, ang hindi makapagsalita o makapag react. Simula kasi kanina, wala pa akong ginagawa o sinasabi man lang. Sabi pa ng doktor pwede daw na may amnesia ako lalo pa at ulo ko ang lubhang nasugatan, pero wala akong amnesia at sa totoo lang pagod na akong magka amnesia. Ang dami ko ng aksidente sa buhay at hindi na normal yun. Ang gusto ko ay normal na pamumuhay, pero gusto ko na itama ang lahat. Lalo pa at feeling ko para akong bago ulit after opening my eyes for the first time after so long. Parang there's a refresh button sa likod ko at ni refresh ang buong sistema ko. Ang gaan ng pakiramdam. 

New hope. New start. New life.

Lahat sila nag aabang sa unang salita  na babanggitin ko. 

Sina Papa at Mama, hindi maitago ang kasiyahan. Naiiyak silang magkayakap habang naka ngiti parehas sakin. Alam ko na marami silang gustong sabihin at ipagpasalamat. Alam ko rin na may galit sila sakin. Sino ba ang hindi? Nabangga ang kotse ko, dahilan para malagay sa panganib ang buhay ko at ng anak ko. Unica hija nila ako at alam ko na magiging malaking impact sa kanila kapag nawala ako. Sino ba namang mga magulang ang matutuwa o marerelieve kapag nawalan ng anak. Pasaway at matigas man ang ulo ko I know deep in their hearts they do love me and I love them too. Kaya nga gagawin ko ang lahat makabawi man lang sa kanila. Best daughter in the whole wide world ang peg ko.

Living in a Nightmare (Continuation of  Sex on the Beach)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon