Chapter 21

31 5 0
                                    

Malapit ko nang sabunutan ang ulo ko dahil sa dalawang taong namb-bwesit ng araw ko ngayon.

'Oh, bwesit ka na niyan?'

Putek! Pwede ba!? 'Wag mo ngang dagdagan pa 'yong sakit ng ulo ko. Nandito pa si Sav sa tabi ko na panay sumbong at drama tungkol sa pagiging-broken hearted niya. Utang na loob naman.

'Spirit, 'wag mo kasing seryosohin lahat.'

Ay wow putangina namang advice 'yan. Salamat ah? Paano ko hindi seseryosohin kung Una sa lahat, masakit ulo ko pangalawa nandito si Sav panay ang disturbo ng pahinga ko at panay ang iyak at panghuli naman, dumagdag ka pa. Wala ba kayong sariling mga buhay ha!? Mga pakshet kayo pagpahingahin niyo naman ako please lang!

'Hindi naman kita inaano ah. 'Wag mo nalang akong i-mind.'

Putek. Kung hindi ka lang sana nangingialam ng utak ko edi hindi ako nakabusangot ngayon.

"Best! Nakikinig ka ba!? Hindi ka naman yata naaawa sa best friend mo eh. Alam mo ba kung anong feeling ang masaktan at ma-broken hearted?"

"Ako pa talaga tinanong mo niyan ah?" Eh kaya nga naipit ako sa sitwasyong 'to dahil sa pagiging sawi ko eh. Ayan tuloy nadagdagan pa ng bwesit ang buhay ko.

'Grabe ka ah. Blessing kaya ako.'

Napairap na lang ako sa sinabi niya.

"Trust me Sav, alam ko. Tsaka isa pa, crush mo lang naman 'yon. 'Wag kang magpaka-broken masyado. Marami pang iba diyan."

"Pero best! Masakit pa rin!" Pagmamaktol niya at naiyak muli.

Napailing na lang ako upon hearing her rants.

"Bakit ba kasi pinana pa 'ko ng Kupido na 'yan do'n sa taong hindi naman ako magugustuhan!?"

Nanlaki naman ang mga mata ko nang marinig ko iyon.

What the fuck!? Ni hindi ko pa nga siya natamaan kahit sa ibang tao eh. Ano ba 'to?

'Now you feel us?'

Mukha mo. Tsaka maka 'us' ka diyan eh ikaw lang naman mag-isa.

'Hmm. Says who?'

Bakit? May kasama ka ba?

'Well, let's just say na may mga anghel akong kasama. They're like minions but they're cuter of course.'

Psh. Bias masyado.

"Best! Tulungan mo 'ko!"

"Huh? Saan naman?"

"Hu-huntingin natin 'yang batang naka-diapers. Bwiset na kupido!"

Narinig kong bigla namang napaubo si Cupid nang marinig iyon mula kay Sav.

Dammit. Ano? Affected ba siya? Eh dapat mas affected ako eh kasi ako naman 'yong current Cupid ngayon.

"Best. Nag-aaksaya ka lang ng oras. Hindi natin siya mahahanap."

Kasi first of all Sav, hindi siya naka-diapers.

Napairap na lang ako sa naisip ko.

"Pero Best!--"

Hindi na natuloy pa ang sasabihin niya nang biglang pumasok ang aming Student's Council President.

"Guys! Approved na ang pinasa kong Memorandum sa Dean. Napa-excuse ko na ang buong week na ito para sa preperations natin for our Foundation Week sa susunod na linggo. You better participate and follow your task leaders kung ayaw niyong mag Exclusive Class Discussions kayo ng mga Subject Professors niyo." Pagka-sabi niya ng lahat ng 'yon ay lumabas din naman agad siya.

Of course ang Class President ng bawat Section ang magiging Task Leader. Buti na lang at hindi pabibo itong si Pres namin. Madaling kausap lang 'to.

Tumayo naman si Pres sa harap at nagsimula nang magbigay ng instructions. Inatasan niya pa kami to group ourselves at pumili ng task na nais naming gawin at paghandaan for the entire week.

Agad namang lumapit sa akin sina Sav at Eroz para makipag-grupo.

Ayos lang sana si Sav eh kasi matitiis ko pa siya. Pero ewan ko na lang kung kasama pa si Eroz. Baka mamaya nito, sumabog na lang ako bigla dahil sa sakit ng ulo.

Nakita ko namang agad na nagkumpulan ang ibang mga barkada ni Grey sa pwesto niya. Akala ko wala siyang makaka-grupo. Naaawa lang ako. Baka kasi mag-isa lang siya at 'di pa siya makalapit sa 'kin dahil kay Cupid.

'Ang defensive mo masiyado tsaka OA. Malaki na naman 'yang si Grey. Kaya na niya sarili niya tsaka sikat 'yan. For sure maraming makikipag-grupo diyan.'

Yeah right.

Nagpunta ako sa harap at pinili ang pinakamadaling gawain which is ang banner making. Gagawa lang naman kami ng banner tungkol sa Section namin at 'yon na ang gagamitin sa pagre-represent ng entire class namin. At since tatlo lang naman kami, binigay naman agad ito ni Pres.

"So kailan natin sisimulan itong Banner?" Agad na tanong ko sa kanila nang makarating ako sa pwesto namin kanina dala-dala ang mga materials na binigay sa amin. Provided kasi ito mula sa Students' Council Funds.

"Madali lang naman 'yan eh. Simulan na kaya agad natin para matapos na? Tsaka para rin ma-distract ako sa pagiging broken hearted ko."

"'Yan! Very Good Sav!"

Maaasahan kasi talaga itong si Sav pagdating sa ganitong mga bagay eh. Buti naman at hindi siya naging pabigat.

"Canteen muna tayo?" Pag-aaya ko sa kanila. Para doon na rin kami mag-usap usap tungkol sa magiging design ng banner na gagawin namin. 'Yon ay kung may magaganap na matinong paguusap.

Tumango naman silang dalawa at nauna nang lumabas. Inayos ko pa kasi 'yong mga materials eh kaya medyo nahuli ako.

Ako 'yong nag-aya pero ako pa 'yong iniwan ah.

"Sandali nga! Ang bilis niyong maglakad!" Agad na reklamo ko sa kanila nang sa wakas ay naabutan ko rin.

"Ang sabihin mo, ang bagal mo." Saway naman ni Eroz sa 'kin. Samantalang naka-tulala lang sa kawalan si Sav habang naglalakad.

Wow. Kakaiba rin itong powers ni Sav eh. Nakakayang maglakad ng maayos kahit wala sa isip.

"Ako na mag-oorder." Pagp-presenta ko nang makarating na kami sa loob ng Canteen.

Pumwesto naman sila sa may pinakamalapit na bakanteng table.

Papunta na sana ako nang Counter nang may biglang humablot ng buhok ko at agaran akong sinampal.

Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa nangyari.

"Spirit! Anong kaguluhan 'to!?" Biglang sulpot naman ni Eroz.

"This bitch right here was the one who's at fault. Kung hindi lang siya masyadong ambisyosa at makapal ang mukha. At talagang ginamit pa si Grey para sumikat. The nerve!"

"Holy shit you whore! At ano na naman 'yang pinagsasasabi mo sa kaibigan ko!" sigaw sa kaniya ni Sav.

Fuck this Girl. Sink ba 'tong Bruhang 'to!?

"Pwede ba!? 'Wag kayong makialam dito. Pagsabihan niyo na lang 'tong malandi niyong kaibigan na layuan na si Grey!"

"Dammit. Wala naman kaming pake diyan sa Grey mo! Pasalamat ka at hindi ako pumapatol sa mga babae." Giit ni Eroz sa kaniya na halatang nagpipigil ng galit.

"Hoy ikaw! Bruha ka! 'Wag mo 'kong masampal-sampal! Kung may issue ka tungkol kay Grey, siya ang lapitan mo! Bwiset!"

"We're not yet done here." She said at marahas na naglakad paalis.

Strings and ArrowsWhere stories live. Discover now