Chapter 4: The Revenge of Love

320 24 5
                                    

TheIdeaMaker's Note: "Sa pag-ibig, Huwag mong hayaang ang puso mo ang kumontrol sa buhay mo kundi ang buhay mo ang kumontrol sa puso mo."

*Boracay*

November 24, 2014

Habang naglilinis ako ng bahay ni Tita Maricar, naalala ko sina nanay, tatay, Julie at kuya Ervie, kamusta na kaya sila. Hindi ko sila matext nung mga nakakaraang araw sobrang dami kasing ginagawa pero mukhang ngayong linggong ito madalas ko na silang makakausap at makakamusta dahil mukhang wala pa kaming bagong turistang itotour. Pagkatapos kong maglinis agad kong binuksan ang laptop ni Tita Maricar, nagbukas ako ng fb ko, aba ang dami na palang mga messages at invites sa akin tsaka ang notification ko 70 at ang karamihan ay mga pictures na inupload nila Earl at Sir Ariel. May message sa akin si Julie nung nakaraang araw. 

Julie: Ate, kamusta ka na po diyan ilang araw ka na daw di nag-oonline at nagtetext. Tawag ka daw kay nanay o reply ka dito  pagnabasa mo to.

Pagkabasa ko agad din akong nagreply kay Julie.

Chenel: Julie, kamusta na kayo diyan, alagaan mo sila nanay at tatay huh, wag kang pasaway diyan lagi kang sumunod sa mga utos nila. Pakisabi sa mga nanay ok na ok ako dito wag kayong mag-alala. Ilang linggo nalang uuwi na ko diyan, diyan ako magpaPasko.

Nagmessage din sa group namin sa fb ang mga kaibigan kong si Raffy, Grace, Sandra at Diane. November 21, 2014, 10:00pm

Grace: Kamusta na ang mga FRIENDSHIP ko.

Raffy: Ok naman ako, kayo kamusta na, dito ko ngayon sa mga tita ko sa Bocaue dito ko umuuwi medyo malapit kasi ako dito sa BulSU. (Bulacan Science University)

Diane: Hahahaha, Raffy di naman tinatanong kung nasaan ka, tinatanong ni Grace kung kamusta ka na. hahaha :)

Grace: Ahehehe :) puro asaran lang tayo pagnagkakasabay sabay tayo sa pag-open ng fb.

Raffy: Hahaha :) di ka parin nagbabago Diane mahilig ka parin mang-asar hehehe miss na kita sobra, wala ka nung nakaraan nagbonding kami sa Victory Mall.

Diane: Kayo din miss ko na, oo nga nabalitaan ko nga nagkita kita daw kayo. Kayo huh, di nyo ko inaaya.

Sandra: Ako ok na ok, miss you din Diane. :)

Grace: Di ka kasi namin macontact Diane nung nakaraan pm mo nalang sa amin ang new # mo kung nagbago ka.

Diane: Raffy, Nagkita kami ni Chenel nung nakaraan sa munisipyo sabay kaming nagtake ng test para sa scholarship, stop muna ko ngayon may nagyari kasi sa family ko, financial problem.

Diane: Grace, sige pm ko sa inyo. Sandra nu na balita sayo.

Grace: Si Chenel na lang ang kulang kumpleto na tayo.

Diane: Wala siya ngayon dito sa Bulacan nasa Boracay siya nagtatrabaho para makapag-ipon.

Sandra: Wow, sosyalen si friend, sana makapag open siya ng fb ngayon. Diane, ok naman ako sa PNU ako nag-aaral ngayon.

Raffy: Mga friendship mag-out na ko maaga pa pasok ko bukas. thanks. God bless!!! :)

Sandra: Ako din po mag-aout na may exam pa po kami bukas, nagbukas lang ako ng fb may sinearch kasi akong assignment. GBU!

Grace: Out na rin ako antok na ko weh. Thanks.

Diane: Ako din mag-aout na nag net lang ako ngayon sa PISO NET magsasara narin tong Com. Shop. Night. Ingats.

Ahahaha buti pa ang mga kaibigan ko nakakapagmessage pa sa isa't-isa. Agad naman akong nagmessage din sa kanilang usapan. November 24, 2014 1:00pm

Chenel: Friendship, uuwi nga pala ko sa December 10 diyan sa atin. Kita kita nalang tayo pag-uwi ko. Dyan kasi ako magsisimbang gabi at magpapasko. Miss ko na kayong lahat. God Bless!!! :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 02, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wait, True Love My Love!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon