Chapter 1: As You Wait...

608 38 2
                                    

Chenel's P.O.V

"True Love Waits!"

Yan ang ang madalas kong marinig sa lahat ng kaibigan ko,

kasi nga kailangan ko daw pangalagaan ang sarili ko.

Ibibigay ko lang ang sarili ko sa nag-iisang mahal ko at syempre mahal rin ako.

Ako nga pala si Chenel Silverio

17 years old, at NBSB (No Boyfriend, Since Birth).

College na dapat ako pero huminto ako nang pag-aaral dahil sa hirap ng buhay,

hindi matutustusan ng magulang ko ang tuition fee at baon ko araw-araw.

Ang nanay ko ay isang tindera at ang tatay ko ay isang mangingisda.

Ako ay nakatira sa napakagandang isla ng Binuangan mula sa bayan ng Obando, lalawigan ng Bulacan.

Pero alam nyo meron akong hinihintay, at yun yung True Love ko... Paano nga ba mahahanap ang true love, paano kung nasaharapan ko na pala ang destiny ko o kaya nakabungguan ko na pala siya sa LRT o paano kung pinipilit ko lang pala ang sarili ko sa taong mahal ko pero hindi naman pala ako ang mahal.

Paano nga ba nagsimula ang kwento...

Flashback

September 10, 2010

Friday

Chenel's P.O.V

Lima kaming magkakaibigan, ako, si Diane, Grace, Rafael at Sandra. 2nd Year High School na kami at tuwing dumarating ang September 10 lagi kaming nagpipicnic sa tabi ng ilog, kasi ito yung araw kung saan kami nagkakila-kilala. Magdadala kami ng kanya kanyang pagkain para pagsalusaluhan. Ang dami dami naming kwento kahit na halos araw araw na kaming magkakasama, nagrereminisce kami sa mga dati naming nakakatawang pinaggagawa lalo na pagdating sa pag-ibig.

Si Sandra long time friend ko na siya kasi bukod sa classmate ko, kachurchmate ko din siya, masayahing tao siya, lagi nakatawa napakarami niyang crush lalo na kapag mukhang KPOP, alam mo na tipo niya yung mga singkit at parang stalker pag nainlove halos sundan ang crush kung saan ito magtungo, at paghindi niya alam ang bahay susundan niya ito hanggang sa malaman niya.

Si Grace naman maaga siyang nainlove, puppy love daw ang tawag dun, secret on sila ng dati niyang bf, parang rebelde kasi siya sa pamilya niya kasi nga ang mga magulang niya busy sa trabaho wala silang masyadong quality time sa isa't isa madalas na may out of town sa trabaho.

Si Rafael naman Junior siya ng tatay niya, eh ang tatay niya may bisyo at lagi siyang binubugbog dahil daw sa pagiging malamya niya, kaya ayaw niyang magpapatawag na Rafael gusto niyang ipatawag sa kanya ay Raffy lalo na sa mga taong nagmamahal sa kanya. Si Raffy, iba siya sa mga lalaking kakilala ko na kasi siya ay masipag, kalog,matalino at creative ang dami daming kabaliwang naiisip na hindi mo alam kung saan pinaghuhugot.

Nainlove na rin yang si Raffy tinry nyang magGF din ng girl kaya lang di naging successful dahil sa napakaraming bashers patungkol sa kanya, alam mo na, kahit matalino siya medyo malamya kasing kumilos.

Si Diane naman, siya yung tipo ng tao na medyo seryoso, mapili sa mga lalaki parang gusto niyang kilatisin muna lahat bago sumagot ng matamis na Oo, kasi natisod na siya sa nauna niyang pag-ibig, akala niya crush siya ng lalaking gusto niya nung pala gusto siyang maging kaclose dahil gusto ng lalaki ang kanyang pinsan gusto palang magpalakad sa kanya.

At syempre ako, hindi naman tulad sa maling pag-ibig na nangyari sa kanila ang nangyari sa akin, hindi pa talaga ko nainlove ng husto, hanggang crush lang at medyo malihim ako ayaw kong nalalaman ng iba ang crush ko kasi ayaw kong tinutukso, medyo sensitive kasi ako, madali akong mapikon.

Wait, True Love My Love!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon