Chapter 2: Love Takes Time

350 34 4
                                    

"Love is kind, love is true. Love takes time so let love find you."

*Boracay*

November 16, 2014
Sunday


Sinundo ako ni Tita Maricar sa airport. At pagdating namin sa bahay niya. "Wow, tita ang lapit lang nga talaga ng bahay na tinutuluyan mo sa Boracay, ang ganda naman dito, ang ganda ng view at ang sunset perfect na perfect, kaya pala inlove na inlove ang mga turistang pumunta dito at tingnan mo ang buhangin ang puti, ahaha mas maputi pa sa balat ko." sabi ko habang manghang mangha sa ganda ng Boracay. "Ahahaha, kaw talaga Chenel, alam mo pamangkin kong maganda kahit hindi kasing kulay ang balat mo ng lupa sa Boracay maganda ka Pilipinang Pilipina ang kulay mo, ganyan din ako dati manghang mangha sa ganda ng islang ito." sabi ni Tita Maricar. "Siguro, tita kung ang barangay natin sa Binuangan naalagaan at hindi napabayaan, malamang ko isa na rin po ang Binuangan sa dinarayo ng maraming turista." "Tama ka Chenel, pinangarap kong makitang muling luminis ang Binuangan, kasi nung kabataan ko malinis diyan, dinarayo yan ng ibang bayan makaligo lang sa Polo at isla Torres pero ngayon ang mga kabarangay nalang ata natin ang naliligo dun, maski yata iba nating kabarangay di na makaligo dun ngayon dahil sa dumi at sira na ang ilog." malungkot na pagkakasabi ni Tita Maricar. "Tama ka diyan Tita."pagsang ayon ko naman kay tita. "Oo nga pala Chenel, bukas na ang simula mo bilang tour guide una nating itotour ang mga bisita natin galing Maynila, hindi ka mahihirapan dun kasi hindi ka naman masyadong magienglish, kung meron man alam ko naman na kaya mong makipagsabayan sa kanila ng english, balita ko kasi Best in English ka nung Grade 6 ka." sambit ni tita. 

Kinakabahan ako at the same time excited ako kasi nga magiging ganap na tour guide na ako. Nilibot muna ko ni Tita sa buong Boracay, para mafamiliarize ako sa lugar at sobrang laki ng lugar, sobra yata akong napagod. "Chenel, magpahinga ka na, medyo pagod ka sa kalalakad natin kanina at maaga ka pa bukas." "Sige po tita, tsaka tita pwede po bang mahiram ang laptop mo." "Sige gamitin mo, ang password "boracay"." "Salamat po tita."

Agad kong binuksan ang laptop ni tita, buti nalang at may wifi sa bahay niya, kaya nakapag-internet ako, magsesearch kasi ako ng mga bagay patungkol sa Boracay at sa iba pang lugar malapit dito kasi kailangan mas marami akong alam tungkol dito dahil tour guide ako. At kung may mga katanungan sila madali ko itong masasagot.

*Boracay*
November 17, 2014
Monday

Maaga akong nagising 5:00am sakto sa orasan, siguro dahil bago ako matulog nagpepray ako at pagkatapos pagpikit ko ng mata ko sinasabi ko na "Lord, Magigising po ako ng 5:00am, Magigising po ako ng 5:00 am" ng paulit ulit. Ewan ko ba kung bakit ganun bata pa lang ako lagi kong sinasabi yan at nagkakatotoo.

Pagka almusal ko, Binreafing na ako ni tita para sa mga mangyayari mamaya, 8:00am daw ang dating ng mga bisita galing Maynila, mga grupo daw ito ng mga estudyante galing sa... "Ok Chenel, ang mga itotour guide mo ay ang mga estudyante galing sa Exquisite University, ok yun mga halos kaedaran mo lang kaya di ka masyadong mahihirapan, may makakasama rin tayo sa tour yung assistant ko si Almira Lustre parating na siya inutusan ko lang bumili sa palengke." sabi ni Tita Maricar. 

Naku Exquisite University doon ko pa naman gustong mag-aral, eh di magiging kaschoolmates ko sila makikita nila ako dito, hmmnnn ok lang yun ilang araw ko lang naman sila makikita makakalimutan din nila agad ako. "Uy, Chenel" bigla akong tinapik ni tita, hindi daw kasi ako kumibo, "Opo tita, sige mga galing Exquisite University ang kasama ko po mamaya." "Chenel, dapat marami silang matutunan at matour ng maayos dahil project nila yan sa school nila dapat maayos ang pamamalagi nila dito sa Boracay.

7:30

Natatanaw ko na ang mga bisita, nasa isang bangka sila, ay hindi dalawang bangka pala sila. Pagbaba nila agad ko silang winelcome sa Boracay, medyo nagpahinga muna sila ng ilang minuto, mayayaman ang mga dating nila, ang dami nilang gadgets na dala, ipod, iphone, digi cam at kung ano ano pa.

Wait, True Love My Love!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon