Chapter Four: Careless Whisper / George Michael.

125 5 2
                                    

NANG ako ay makauwi, agad ko nang tinanggal mula sa bulsa nang suot ko'ng polo shirt ang ibinigay niyang tissue paper sa akin. Inuna ko ito'ng ingatan dahil sa mahirap na kung aksidente ko itong mabasa sa oras na ako ay maghilamos.

Nasa isip ko pa rin ang masayahin niyang mukha na paulit-ulit na pumapasok sa aking isipan sa tuwing makakakita ako nang mga bagay na maikukumpara sa kanya. Gaya nang mapansin ko ang koleksyon ko nang sumbrero sa aking kwarto na nagpaalala sa suot na construction helmet ni Viktor na tinanggihan nyang tanggalin habang kami ay kumakain. Ito din siguro ang isa sa dahilan kung bakit maraming mga mata ang nakatingin sa amin. Ang ibang dahilan kung bakit tila mascot kami sa kanilang paningin ay wala na akong ideya.

Hindi ako sigurado sa aking ginagawa at mas hindi ko rin alam kung ano ang tingin nya sa akin. Pwede na masyado syang mabait kaya ganoon na lamang ang pakikitungo nya sa akin. At isa pa, lahat nang kapatid nya ay babae na sa tingin ko'y ang kasa-kasamang lalaki ay mabuti sa kanyang pakiramdam dahil maaring pareho kami nang mapag-uusapan. Bukod sa pagpisil nya sa aking braso at paghawak sa aking mga kamay, pagsasabi na pinasasaya ko sya (na lubos kong ikinatuwa), maliban doon ay wala na syang sinabi pa'ng iba o ginawa na nagpapahayag nang tunay nyang nararamdaman para sa akin. Ano pa bang gusto kong marinig?

Maari din naman'g kinakailangan nya lang nang kalinga kaya nya nagawa ang mga iyon.

Matapos ko'ng maghilamos at sinimulang isuot nang muli ang aking salamin sa mata ay humiga na ako sa aking kama. Sumagi rin agad sa isip ko ang ibinigay sa akin ni Viktor kaya agad ko na din itong kinuha. Madahan ko itong binuklat upang hindi ko din ito mapunit dahil sa pagkakaipit nito sa aking bulsa.

Lubos kong ikinagulat ang naka-sulat dito dahil sa pag-aming kanyang ginawa.

Ngunit may isa pa'ng bagay akong lubos na inaasahan na tila ba hindi nya nagawang sabihin. Malamang ay sinulat nya ito nung oras na manghiram sya nang ballpen sa waiter at nagpaalam na pupunta lamang ito sa comfort room.

Dok Angelo.

Gusto kita.

 

-Janvik

Sobra akong natuwa at hindi ko na mabilang kung ilang beses ko itong paulit-ulit na binasa. Kakaiba man kung titingnan ngunit ilang beses ko ding hinaplos ng mabuti ang paligid ng kapirasong papel, pakiramdam ko kasi na mahahawakan kong muli ang kanyang mga kamay kapag ginawa ko ito. At bago ko pa ito mapunit ay inipit ko na ito sa isa sa paborito kong libro. Sa mga oras na yun ay hinahanap-hanap ko sya, at kahit na makita ko lamang ito ay ayos na sa akin. Inaasahan ko'ng ilalagay ni Viktor kung saan sya matatagpuan o nakatira lamang. Swerte ko nang maituturing na makita ko syang muli sa napakalaking construction site. Ngunit ang maulit ito ay hindi ko na talaga sigurado. Paulit-ulit ko'ng tinanong ang aking sarili sa mga bagay na alam ko namang hindi ko rin alam ang sagot.

Hanggang sa makatulog na ako at umaasang magpapakita rin ito sa aking panaginip.

Kinabukasan, nagtrabaho ako'ng laman sya nang aking isipan.

Inaasahang sa bawat bubuksan ko'ng pintuan ay naghihintay sya'ng nakangiti sa akin. Matapos ang aking duty, naglakad-lakad din ako nang sandali bago pa man tuluyanng umuwi. Sa aking paglalakad nagawa ko'ng kausapin ang aking sarili. Naitanong ko kung, saan ba talaga nanggagaling ang saya nang isang tao? Ito ba ay sa mga bagay na syang gumugulat lang sa atin. Mga bagay na hindi natin inaasahang matagal na nating hinahanap na kapag tuluyan na nating natanggap ay doon lamang tayo liligaya?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 22, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Anghel At Viktor.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon