Chapter Three: More Than Words / Extreme.

106 5 1
                                    

 

Matapos kong dumaan sa hospital —na inaasahang makikita kong muli si Viktor o kaya naman ay hindi pa ito lalabas— ay nagpagupit ako ng buhok. Ang mala-bao kong buhok ay pinaiklian ko hanggang sa halos hindi ko na ito mahila. Pero hindi naman ito nalalapit sa army-cut ni Viktor.

Namili rin ako ng ilang libro nang mapadaan ako sa isang bookstore, bagamat tambak na ang libro sa aking kwarto ay hindi ko napigilan ang aking sarili dahil sa ang mga librong ito ay ang mga kopyang matagal ko ng hinahanap. Sa paghahanap ko nang mga babasahin, nakita ko ang isang libro na umagaw sa aking atensyon. Noong una ay nagdadalawang isip ako kung bibilhin ko ba ito. Ngunit ‘di naglaon, matapos kong basahin ang buod sa likod ay isinama ko na rin ito sa aking mga babayaran. Tungkol ito sa isang lalaking iniwan ang kanyang asawa upang bumalik sa kanyang unang pag-ibig. Tinago ko ito pauwi upang hindi makita ng kapatid kong babae na isang beses isang linggo ay pumupunta sa aking kwarto upang humiram nang mababasa.

Hindi ko muna binuksan ang kahong binigay sa akin ni Bernadette na iniwan daw ni Viktor nang umalis ito noong tanghali. Mula pa lamang sa lalagyan at sa nakasulat, kahon ito ng hopiang baboy. Isinulat nya sa takip ang aking pangalan at sa baba nito ay nakalagay ang ‘Salamat po' Sir. -Viktor’.

Hindi naman ako nasasabik sa laman ng kahon ngunit ang pinaka-inaasahan ko na lamang ay ang ibang bagay tungkol sa kanya. Pinagmasdan ko ng mabuti ang kahon ng hindi ko ito binubuksan at maya-maya pa ay tinanggal ko na ang takip nito upang masilip. Gaya nang inaasahan ko, isang dosenang hopiang baboy lamang ang laman nito at wala nang iba pa (ano pa ba ang gusto kong matanggap maliban sa nakasulat sa kahon?). Kumuha ako ng isang piraso at agad itong kinain. Habang nginunguya ko ang hopia ay nakaramdam ako ng pag-kahinayang, matamis ang hopia ngunit mapait ang aking pakiramdam.

At sa bawat nguya na aking ginagawa ay napapabuntong hininga na lamang ako.

Tinangka ko ng takpan ang kahon ng ‘di sinasadyang maibaligtad ko ang kartong takip nito. Dito ko nabasa ang isang adres na isinulat gaya nang pagkakasulat sa aking pangalan sa labas. Noong una ay naisip kong baka ito ang adres ng kompanyang gumawa ng tinapay ngunit iba ang nasa isip ko at iyon ang higit kong inaasahan. Lumabas ako ng aking kwarto upang ibahagi ang mga hopia sa aking kapatid at ang takip naman ay naiwan sa aking higaan.

Sabado ng umaga matapos akong mag-jogging sa Cultural Center ng maisipan kong puntahan ang adres na ibinigay sa akin ni Viktor. Hindi ko malaman kung tama ba ang aking gagawin dahil hindi rin naman ako sigurado sa naghihintay sa akin doon.

Pasado alas-onse na ng marating ko ang lugar. Itinuro sa akin ng isang tindera sa isang sari-sari store na adres ng isang construction site ang aking hinahanap. Nang marating ko ang sinasabing lugar, napalilibutan ang lugar nito ng yerong pininturahan nang kulay puti, tanaw ko lamang mula sa itaas nito ang mga higanteng kalansay ng ginagawang gusali. Binalak kong ikutin ang palibot ng pader na yero upang hanapin kung saan ang papasok sa loob, bagamat naisip ko naman ding hindi ako makakapasok sa loob nito dahil sa delikado. Pero kahit na delikado, ayos lang sa akin. Basta makita ko lamang syang muli.

Mga ilang metro mula sa pader na kaharap ko nang lumabas ang isa sa mga trabahador ng gusali. Matapos na makita kung saan sila lumalabas ay

Anghel At Viktor.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon