Chapter One: Heaven / Bryan Adams

183 7 4
                                    

 

"May naadmit pala tayo kaninang madaling araw...lalake."

"Nasaan na po mam?"

"Nasa RM203. Sayo ko na lang i-endorse para lahat kayo tatlo ang hawak. Madami ang na-discharge kaninang umaga."

"Sige po Mam...salamat. Mamaya po pupuntahan ko agad pagkabasa ko sa chart nya."

 

Maliban pa sa dalawang pasyenteng hawak ko, pangatlo ang naadmit kanina. Ayon sa chart ng bago kong kliyente, Construction Worker daw ito at dalawampu’t anim na taong gulang. Wala pa ring dumadalaw rito ayon na rin sa mga kasamahan kong Nurse.

Base din sa kanyang interview, magsolo lamang daw itong naninirahan dito sa Maynila. Isinugod sya ng mga kasamahan sa trabaho matapos na mabagsakan ng pader ang kanang binti nito habang natutulog.

Hindi naman nabali ang kanyang buto ngunit dahil sa pressure, namaga at nagtamo ng ilang mabababaw na sugat ang kanyang binti. Nang sapitin ko ang kanyang kwarto ay dahan-dahan ko itong binuksan at tahimik naman akong sinalubong ng kapaligiran kasama na ng hangin na nagmumula rito. Dalawa ang kama sa silid at may kaliitan ang kwarto kaya naman sapat lamang sa sampung katao ang buong lugar. Agad kong namataang natutulog ang pasyente sa kaliwang kama malapit sa bintana kasama ng kurtina nitong patuloy na isinasayaw ng hangin. Samantalang bakante naman ang higaan na nasa tabi nito.

Alam kong nagpapahinga ang pasyente ngunit lumapit pa rin ako ng bahagya dito upang masiguro kung natutulog nga ito. Pinagmasdan ko ang army-cutna style ng kanyang buhok at agad ko ring napansin ang nunal nito sa mukha na nasa pagitan ng  kanyang ilong at labi na kung hindi mo titingnang mabuti ay hindi mo talaga mapapansin.

Bago pa man ako magtagal sa kwarto ay pinasya ko na ring agad na umalis at bumalik na lamang muli. Upang hindi ko rin ito maistorbo. Nang akma naman akong tumalikod ay bigla naman itong nagsalita upang kunin ang aking atensyon.

"Dok’."

           

Mahina nitong sinambit na bago pa lamang iminumulat ang mga mata. Mabilis ko syang nilingon.

 

"Magandang umaga."

Bigla pa akong kinabahan dahil sa hindi ko talaga sigurado kung nahuli nya akong nakatingin sa kanya kanina. Pumasok rin sa aking isipan kung bakit ko ba iyon ginawa.

"Hindi po ako Doktor. Nars po ako Sir."

Tugon ko sa kanyang ng nakangiti. At dito ay muli na akong lumapit sa kanya.

Anghel At Viktor.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon