Chapter 1

30 0 0
                                    


             Paulit-ulit kong sinusulat sa isang malinis na papel ang pirma ko. I was just scribbling habang naghihintay na tawagin ng aking secretary.

Zcarina Kwon.

Iyan na ulit ang pangalan ko.

Dalawang taon na rin matapos ang divorce namin ni Steven. Nawala man sa papeles ang Choi sa pangalan ko, hanggang ngayon ay nakakabit parin ang apelyidong ito sa pagkatao ko. Not because I wanted to, but because people are still trying to address my past to my present, and I was bound to be connected to that name for the rest of my life. Isang nakaraan na hinding-hindi na mabubura pa.

An architectural firm was given to me as alimony sa paghihiwalay namin ni Steven. It was an almost failing company, halos magsara na ito at ma-bankrupt. But with God's grace, I saved the firm with my effort. Nagloan ako sa bangko para may maipondo sa pagsasaayos ng firm. Di naglaon ay lumaki ang firm at naging kumpanya na may iba't-ibang branches sa loob at labas ng bansa. Some investors joined this venture for the reason that we share the same passion and mindset. It's my blood, sweat, and tears na inilaan ko dito. I did not let my ruthless ex-mother-in-law win. She thought na babagsak ako kasama ang paluging firm na binigay nila, but I proved them wrong.

I never thought that my life would be much harder after the divorce. I was branded as a "failed wife" na matapos iwanan ng asawa ay nagtatago parin sa anino ng kanyang pamilya. As if na ginusto koi yon, but they are absolutely wrong. Isa sa mga napagkasunduan sa divorce papers ay ang patuloy na pag-attend ko ng events ng pamilya Choi. Kapalit nito ng tuloy na suporta nila sa political career ni Daddy. Pangarap ni Mommy na maging Prime Minister ng bansa ang aming padre de pamilya.

Madalas kong mabasa sa mga online portal ang mga comments nila tungkol sa paghihiwalay namin. Sabi nila na I'm just someone who acts like a perfect wife, na dapat tularan. Pero ang totoo ay marami daw akong pagkukulang kaya nagawa akong ipagpalit ng aking asawa sa iba. Masakit para sa akin na makabasa ng mga ganoong salita. Ako itong iniwan at niloko pero bakit parang may kasalanan parin ako. Ginawa ko naman ang lahat para mapanatiling maayos ang pagsasama namin, pero talagang kulang nga siguro. Oo, galit ako kay Steven, hindi dahil nagmahal siya ng iba, ngunit dahil inalis niya sakin ang natitirang dignidad sa pagkatao ko. Nang dahil sa divorce, pakiramdam ko ay lalo akong nakulong. I know in myself na wala na akong responsibilidad sa pamilya nila, pero hindi man lang niya nadefend ang kalayaan ko sa Mama niya. Pagkatapos ma-grant ang divorce na hiningi niya, umalis siya patungong Greece kasama babaeng karelasyon niya. Ang balita ko ay plano nilang magpakasal. Its fine with me if they want to settle down, pero ang unfair lang na malaya siyang nakakasama ang bago niya, pero ako pilit paring nakikisama sa pamilya niya habang wala siya. His responsibilities as the first son was suddenly became my job.

Nahinto ako sa pag-iisip ng biglang makarinig ng katok sa pinto. Iniluwa nito ang secretary kong si Luna, ang isa sa mga kaibigan ko. Komportable akong siya ang lagi kong kasama. At least alam kong may pwede akong pagkatiwalaan sa trabaho.

"Kompleto na ang board members sa conference room."

Hindi ko alam kung bakit sila nagpatawag ng meeting. Wala namang problema sa kumpanya.

"Ano daw ba ang pag-uusapan doon? Wala man lang background or anything?"

"It's about the shares. Iyon lang ang narinig ko."

Bumuntong-hininga ako at tumayo. I checked myself on the full-body mirror bago sumunod palabas ng opisina ko.

Pagpasok ko sa conference room ay andun na ang lahat ng board members. Napakahalaga nga siguro ng pag-uusapan dahil kompleto sila. Isa-isang bumati ang mga ito sa akin, but I just gave them weak smile. Ewan ko ba, pero parang may hindi magandang bagay akong nasesense na mangyayari. Umupo na ako sa harap ng long table.

"So. What brings everyone here and why is it so sudden?" tanong ko agad.

"We have to tell you straight to the point Ms. Kwon. Dalawa sa board members natin ay ibinenta ang shares nila. Si Mr. Kim at Mrs. Lee ang mga iyon." Ani Mr. Nam. Labis ang pagkagulat ko ng marinig ang iyon. At mukhang ako lang ang nagulat dahil ako na lang yata ang di nakakaalam.

Agad akong lumingon sa dalawang nabanggit na ngayon naman ay nakatungo. "Teka. Mr. Kim and Mrs. Lee, you will sell your shares? Each of you has 15 % shares. That means 30% lahat 'yon. Katumbas ng pinakamalaking share dito, at ako iyon. Bakit niyo binenta ang shares ninyo? May problema ba sa kumpanya? Can you please enlighten me!" I am starting to get frustrated.

Umiling ang isa. "Walang problema sa kumpanya. Its just that we were given a tempting offer. Two times ang katumbas, Ms. Kwon. Sinong hindi mapapasang-ayon doon?" pagdadahilan ni Mrs. Lee.

"Ganoon niyo na lang ba hahayaang mawala lahat ng pinaghirapan ninyo, kapalit ang pagbili ng share niyo? I do not understand."

"We're very sorry. But our decisions final now. Once the process of transferring the shares is done, magkakaroon ka na ng Co-CEO sa kumpanyang ito."

"That's it? Ganun na lang yun? It all happened without giving me a heads up? Naiintindihan ko naman, I don't have the right to stop you from selling your shares, kasi inyo yan. Pero sana man lang sinabihan niyo ako. Now, I have to sync everything in ng ganito kabilis? Kahit ang magiging kasama ko sa pagpapatakbo nito, hindi ko man lang kilala. Paano ko mapapatakbo ang kumpanyang ito kung kahit kasama ko ay hindi ko naman lubusang kilala?" Rason ko.

I feel so betrayed right now. Betrayed sa sarili kong kumpanya. They remained silent as they watched me getting hysterical.

Tumayo ako humawak sa noo ko. "Tell me, who is this mighty god that wants to buy your shares, huh?"

"Kung pagkakakilanlan lang din naman ang issue, Ms. Kwon. Wala kang poproblemahin. Because we are 101% sure that you know your Co-CEO, more than we do." Sagot ng isang board member.

"In fact, papunta siya ngayon dito to formally introduce himself to the members of the board." Dagdag ni Mrs. Lee.

I was about to reply when the door suddenly opened. "And speaking of, he's here." Dagdag iyon ng huling nagsalita.

Kung gulat ang reaksyon nila dahil sa pagpasok ng taong binabanggit nila, mas labis ang aking pagkagulat ng malaman kung sino iyon. Of all people na gusto kong makasama sa pagpapatakbo ng kumpanya, bakit siya pa?

Bakit hindi ko man lang namalayan na maaaring mangyari ito.

I never knew that after all these years, this is how we'll see each other again.

Why do you have to come back, my ex-husband, Choi Seung Cheol?

Can't See the End [Seventeen Series 1]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum