(9)

1.2K 7 2
                                    

(9)

“KUYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!”

Damn. Dapat ba akong magpasalamat kay Kathleen sa bigla niyang pagkatok sa kwarto o dapat ba akong mainis sa kanya kasi hindi na matutuloy yung isang masarap na kasalanan na matagal ko ng hindi nagagawa?

“KUYAAAAAAA, KUKUNIN KO LANG YUNG BRATZ KOOOOOOOO!”

Si Kathleen, ang batang makulit na kapatid ni Pierre. Malaki ang pasasalamat ko sa batang ‘to, kasi nung kami pa nung kuya niya talagang pinaramdam niya sakin na gustong gusto niya ko, at gusto niya ko para sa kuya niya. Ang sarap ng ganung pakiramdam di ba? Yung pakiramdam na “belong” ka. Ngayong wala na kami, namimiss ko yung ganung pakiramdam. Namiss ko yung pakiramdam na “kinakailangan ka kasi mahal ka”, hindi yung “minamahal ka kasi kailangan ka”. At saan ako dun sa dalawang yun ngayon? WALA. Kasi ang nararamdaman ko, kinakailangan lang ako. Wala yung salitang minamahal.

“Uy, hi ate! Andyan ka palaaaaa. ‘Bat ngayon ka lang ulit pumunta dito? Namiss kita ate” sabay nguso. Ang cute niya talaga. Manang mana sa kuya, cute magtampo.

“Ate break na po ba talaga kayo ni kuya? Ate alam mo ba, sabi nung mga kaibigan ni kuya nung madami sila dito hindi na daw kita ate, tapos may pinapakilala sila sakin. Sabi nila siya na daw yung bagong kong a---“

“KATH! LABAS NAAAAAA!” sabay sigaw ni Pierre kay Kathleen.

Hindi ko alam kung ano yung dapat kong reaksyon sa mga narinig ko. Yung init na nararamdaman ko kanina nung kami lang ni Pierre biglang lumamig. Nakakapanghina yung lamig, nakakasakit din.

“Sige ate, babye na. I miss you ate” paalam ni Kathleen, bago siya lumabas ng kwarto ni Pierre. I smiled at her sa dalawang dahilan. Para itago yung sakit na nararamdaman ko sa mga kinwento niya, at para din thank you ko sa kanya na namimiss niya ko, na hindi niya ako nakalimutan.

“Hey, pagpasensyahan mo na siya. Alam mo naman ugali niya diba?” then he squeezed my hand. Medyo napakalma niya ko sa ginawa niya, pero parang madikit na ubo sa lungs sadyang makapit yung sakit.

Hinawakan niya ng dalawang kamay niya ang magkabilang pisngi ko. And then again, he gave me a soft kiss. Afterwards the soft kiss became a hot kiss. We were kissing as if we’re deeply and madly in love with each other. Ito yung halik na nagpapawala sakin sa huwisyo ko. Hindi ko namamalayan na gumagalaw na rin ang kamay ko gaya ng kamay niya. We unbuttoned each other’s clothes.

Gahd, I miss this. I know it’s wrong but I guess I need this, and he obviously needs it too.

----------

We we’re both catching our breath after we had traveled to our own paradise.

“Pierre, mahal mo pa ba ako?” I asked him as I looked to his eyes.

And just like those other times that I had asked him about it, I got no answer.

Napaiyak na lang ako, I feel so dirty. Alam kong mali, pero tinuloy ko pa rin. Alam kong ako yung talo, pero pumayag ako. Alam kong lust lang ‘yon, pero nagpaubaya ako.

[SEALEDLIPS] Sorry kung sobrang tagal ko nag-update. Nakakatuwa na may nagbabasa pala nitong kwento ko at umabot na ng 2k+ ang reads. I feel so inspired, so thank you. First time kong gumawa nitong tinatawag nilang “Author’s Note” to express my gratitude to all of you. LIKE, VOTE, FAN, SHARE, COMMENT and SPREAD THE LUST, este LOVE PALA :D Feel free to comment yung mga criticism niyo or questions, violent reactions and etc. It’s highly appreciated! ;) Nga pala, yung BS nitong chapter na ‘to ipprivate ko. Promise, I’ll super work on it. (And I wish I can do good sa BS) Till next time, mermaids! ♥

When Love Becomes LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon