(4)

1.5K 1 0
                                    

Kahit minsan sa buhay ko, hindi ako umaalis ng mag-isa. Bukod sa taong bahay ako, eh takot akong umalis ng walang kasama. Hindi kasi ako marunong tumawid. And I am afraid of crowds. Feeling ko sinasakal ako kapag sobrang daming tao.

Madaming jeep na ang dumaan pero hindi pa rin ako sumasakay, nawawala ako sa sarili ko.

Napapaisip ako kung itutuloy ko pa ba o hindi na.

Hindi naman kasi 'to simpleng meet up lang. It's more than that.

Alam kong wala na kami, at hindi na namin obligasyon para makipagkita sa isa't isa.

BEEEEEEEP! BEEEEEEEEP!

Bigla akong bumalik sa huwisyo ko. Sasakay na nga ako. It's now or never. Gusto kong patunayan sa kanya na seryoso ako sa pagsuyo ko sa kanya. I want him back, I so want him back.

Mas pinili kong sumakay sa jeep na wala masyadong tao. Gaya ng sabi ko hindi ako sanay sa madaming tao. Habang umaandar yung jeep, nilabas ko muna yung libro na binili ko nung makalawa. Ito yung libro na tungkol sa unconditional love, actually uumpisahan ko palang siyang basahin. 

Haay, unconditional love. Sabi sa Wikipedia, Unconditional love is known as affection without any limitations. Unconditional love nga rin ba ang meron sa amin o kung ano lang. Mahirap manghula, at mahirap mag-assume. Kasi kahit anong mangyari, hanggang sa huli ako pa rin ang talo.

"Manong, para po!"

When Love Becomes LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon