(7)

1.3K 2 0
                                    

Siya yung tipo ng lalaki na masarap titigan, lalo na kung nakangiti. His smile is contagious. Hindi lang labi mo yung mapapangiti, mararamdaman mong pati puso mo nakangiti. I miss his smile, but what I miss more is that ako yung dahilan ng pag ngiti niya. But again.. that was before. Iba na lahat ngayon, iba na nagpapangiti sa kanya. At ako? Isa lang ang nagagawa ko sa kanya, yung saktan siya.

"Kuyaaa Pierre!" tawag ni Kathleen sa kanya.

"Hi baby!" sabay akap kay bunso. One more thing I love about him is that he is a family guy type. Mahal niya ang buong pamilya niya, lalo na yung mama niya. Iisa lang siyang lalaki sa kanilang magkakapatid. Bibihira na kasi sa panahon ngayon ang lalaking may malaking pagtingin sa pamilya niya. Yung mga ganitong klase ng lalaki ang masarap makasama habang buhay. Yung lumaki sa pamilya na puno ng pagmamahal at pag-aaruga.

"Ano pa hinihintay mo? Pasok na."

When Love Becomes LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon