Five: Hallway

33 13 16
                                    

NOW

Nakatitig lang ako sa tapat ng school namin. Hanggang ngayon hindi parin nawawala sa akin yung feeling ng maging estudyante.

Nararamdaman ko nanaman yung kaba ko dahil alam kong pag pumasok ako dyan puro panlalait lang ang maririnig ko. Ngumiti ako nang maalala ko nanaman ang mga pangyayari noon.

THEN

Naglalakad ako papuntang canteen nang harangin ako ng tatlong babae.

"Look who's here," sabi nung isa. Wala naman akong naalalang kasalanan sa mga chakang ito ha!

"Ano nanaman ba?" bagot kong tanong. Actually, may alitan nga kami last year. Sumali kasi kami sa isang painting contest at nanalo ako. Hindi ko naman sinasadyang talunin sya. Grabe, dinamdam niya talaga?

"Hindi mo pa nababayaran yung ginawa mo, idiot. Girls," tapos may inabot sa kanya yung kasama niyang dalawa.

Nararamdaman ko nanaman yung mga mata ng mga tao.

Sabay tinapon niya yung softdrink sa akin. Aaghh! Bwisit! Grabe nanggigigil na ako ah!

"Ano bang ginawa ko sayo?!" sigaw ko habang tinatawanan pa ako ng iba.

"Nabuwisit kasi ako sa mukha mo! hahaha," naglakad sya papalayo ng tumatawa. Grabe! Ang sarap sabunutan! Gahd!

"Irene!" nabawasan ng kaunti ang galit ko nang marinig ko ang boses niya.

"Anung nangyari sayo?" he cupped my shoulders. Humikbi na lamang ako ng mahina. Hindi ko na alam kung pano pa ako makaka survive. Niyakap niya ako. Pinahinga ko nalang yung ulo ko sa dibdib niya habang umiiyak ako.

"Wala ka bang words of wisdom dyan?" tanong ko.

Tumawa sya nga marahan. Inangat niya ang ulo ko para makita ang mukha ko. Akala ko magsasalita sya, pero hinalikan niya ako sa noo.

Pumikit na lang ako para maramdaman ang mga maiinit nyang labi na nakadantay sa noo ko.

"Salamat," ramdam ko ang nakangiti niyang labi sa noo ko.

"Halika, last subject mo naman yung kanina diba?" tumungo ako.

Hinawakan niya ako sa kamay.

With our fingers intertwined, "Iuuwi na kita," hinila niya ako papuntang parking lot. Iuuwi na niya ako? Teka! Ano ba itong pinagiisip ko?

Pumasok kami sa sasakyan niya.

"Seatbelt," he said. Nilagay ko na yung seatbelt ko. Then we drove away.

"Tawagan mo lang ako kapag may nangapi pa sayo. Hindi ako magdadalawang isip na samahan ka," sinabi niya habang nakatingin sa dinadaanan namin.

"Salamat uli, pero sanay na naman ako. Hindi mo na kailangang maging superhero para sa akin," umiling siya at kinuha ang kamay ko.

"Hindi kita kayang pabayaan. Sige ka, baka maisipan mo na namang tumalon sa building. Pano na yan? Pano na ko?" Kilig nanaman. Ano bayan. Bakit ba ganito nalang lagi ang nararamdaman ko?

"William, may klase ka pa ba?" tumango sya.

"Bakit hinatid mo pa ako, pwede naman akong magpasundo eh," Sabi ko sa kanya.

"Sabi ko nga sayo, hindi kita kayang iwan," he said. Pero hindi ko maintindihan kung bakit.

"Bakit?"

"Sa tamang panahon. Basta ang isipin mo, ikaw ang nagpapalakas sa akin," paliwanag niya.

"Okay ka lang ba? Hindi ka naman nilalamig sa suot mong basa? Malagkit pa naman yang softdrink," tanong niya.

"Wag ka nang mag-alala, malapit nanaman tayo sa dorm eh," sagot ko sa kanya.

Tumigil kami sa tapat ng dorm ko at nagpasalamat. Hinalikan niya ako sa noo at umalis na. Pinanood ko ang sasakyan nyang papalayo.

NOW

Hanggang ngayon mga halik niya lagi ang naaalala ko, mga maiiinit nyang yakap. Kung pwede lang sanang balikan ang nakaraan.

---------------------

Tapos....

Abangan ang susunod na kabanata...

Please do share your thoughts. Vote. Comment. Share.

Invalid FunctionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon