One: Second Sight

83 15 24
                                    

NOW

Naalala ko nanaman ang pangalawa naming pagkikita na kahit matagal na ito ay parang isang sine sa utak ko ang mga pangyayari.

THEN

"Ilang beses ko pa bang ituturo sayo kung paano gumawa ng maganda? Ang pangit lagi ng pinapasa mo! Walang kwenta, alam mo ba yun? Laging basura ang nakikita ko sayo! Ayusin mo naman, nung isang taon ka pa ganyan," sabay tinapon nya sa sahig ang papel ko.

Sa panahon na ito ang hirap ng pigilin ng mga luha na nagbabadyang pumatak mula sa mga mata mo. Napakahirap.

Sabi ko sa sarili ko na hindi na ako iiyak pero bakit ba kasi lagi nalang silang ganito sa akin? Simula pagkabata ko, gusto kong maging doktor pero dahil sikat ang pamilya ko sa sining, pinilit nila akong kumuha ng fine arts. Hindi naman talaga ako magaling sa ganito, wala nga akong hilig sa pagguhit eh. Pero ang tatay ko kasi, dahil iisa lang akong anak, gusto nilang ituloy ko ang pangalan at imahe ng pamilya namin sa larangang ito.

"Iiyak ka nanaman? Ano kaba! Kung hindi mo kaya ang mga sinasabi ko, lumayas ka na! Ayoko ng estudyanteng umiiyak! Layas! Kakaumpisa palang ng pasukan umiiyak ka na? Alam mo, mas malala pa ang matatanggap nyo sa akin, umpisa pa lang yan. Kaya kung ako sayo, lumayas ka na sa klase ko kasi naiirita ako! Alis!" sabi niya.

Wala na kong nagawa kundi umalis sa silid na iyon na may kahihiyang nakapasan sa balikat ko. Umpisa palang napahiya na agad ako. Bakit ba ganito nalang ang turing nila sa akin. Porque bang magaling ang magulang ko kailangan ako din? Hindi ba pwedeng itatak nila sa isip nila na may sarili akong pagiisip, may sariling gustong mangyari sa buhay ko?

Napaupo nalang ako sa may bench sa garden ng campus. Dito ko nalang ibubuhos ang lahat, hindi pa ako pwedeng bumalik sa dorm ko dahil ang roommate ko ay mamaya pa ang pasok. Maha-hot seat nanaman ako nun.

Ang hirap talaga.

Alam mo yung matagal mo nang gusto sabihin sa magulang mo na, "Ma, Pa, sorry po, pero ayoko po ng gusto nyo, dahil gusto ko pong magdoctor." Alam mo yung ganon?

Sobrang hirap.

Natatakot kasi ako sa magulang ko, ayokong madisappoint sila dahil hindi nasunod yung pangarap nila para sa akin. Ayoko namang pagsisihan nilang naging anak nila ako. Ang sakit kaya nang pinagtatabuyan. Yung lagi kang kinamumuhian ng mga tao sa paligid mo. At ang tanging nagagawa mo lang ay umiyak.

"Hoy! Ilang beses pa ba kitang makikitang malungkot?" Tinignan ko na lamang siya at hindi na pinansin, sya nanaman. Wala naman akong ganang kumausap ng mga tao.

Maya-maya tinabihan na niya ako,"Alam mo, pangalawang beses na pagkikita na natin to pero hindi pa rin kita kilala," pabiro niya pangsinabi.

"Ikaw din naman hindi pa kita kilala," walang ganang pahayag ko.

"Sabi ko nga," natatawa niyang sabi,"I'm William Cooper, 17 years old at isang computer engineer. Ikaw?" sabi niya. Halata sa pangalan at mukha nya na may iba siyang lahi.

"Um, I'm Irene Crisostomo, 17 years old din, kumukuha ng fine arts kahit labag naman sa kalooban ko," sabi ko. Nagbago naman ang mukha niya. Nakatutuwa nga naman pagmasdan ang mukha niyan walang iisang reaksyon.

"Bakit naman labag sa kalooban mo?" tanong nito, iba muli ang reaksyon. Ayoko matawa pero kung ipagpapatuloy niya iyon ay siguradong hahalakhak na ako.

"Magulang ko kasi sikat sa larangan ng arts, to make my story short, pinilit nila akong sundan ang yapak nila. Kahit na matagal ko nang gustong maging doctor," tumango sya at nag salita.

"Ang hirap naman ng lagay mo ngayon. Pero bakit mo hinahayaan? May sarili kang buhay, sariling opinion, at sariling choice. Mahirap maging masaya kung ayaw mo ang ginagawa mo, ako, gusto ko ng computers kaya ayun ang kinuha kong course, " hindi ako makapaniwala na may tao palang nakakaintindi sa akin. Marahan akong napangiti sa pagbabago muli ng reaksyon ng mukha niya.

"Bakit ka pala nandito?" pagiiba niya ng topic.

"Ah, pinalayas ako ni prof. pangit daw gawa ko, ikaw?" sabi ko sa kanya, wala paring gana.

"Parehas tayo. Sa akin naman, tinama ko yung professor, alam kong mali ang ginawa ko pero kaysa naman hayaan ko syang ituro ang mali, diba?" grabe, ibang klase talaga tong lalaking to. "Maari ko bang makita ang gawa mo?" tanong niya. Binigay ko naman sa kanya; sinuri niya yun.

"Alam mo, maganda naman gawa mo; makulay, buhay, pero, hindi ito naramdaman ng tumitingin. Ayun siguro ang kulang; feelings," nakangiti nitong pahayag.

Tumahimik siya sandali at nagsalita muli.

"Alam mo kahit gaano pa kabigat ang nararamdaman mo, malalagpasan at malalapagsan mo parin yan. Sabi nga nila, ang buhay ay parang gulong, minsan nasa ibabaw ka, minsan nasa ilalim, pero sasabihin ko sayo, pag nasa ilalim ka huwag na huwag mong hahayaang magulungan ka. Humanap ka ng paraan para huwag maipit at masaktan," bakit ba puno sya lagi ng positibong bagay?

Hindi na kami nagsalita muli, sinuri ko na lamang siya. Bigla namang nagbell matapos ang ilang minuto.

"Salamat, sana magkita pa tayo. Salamat uli," sabi ko sa kanya at nagpaalam na kami sa isa't-isa.

Dapat ko nga ba syang pakinggan?

---------------------------------------

Tapos...

Salamat sa nagbasa ng unang chapter...

Abangan ang mga susunod na kabanata...

Please do share your thoughts. Comment. Vote.

You can PM me if you want.

Hope you enjoy it!

Invalid FunctionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon