Six: This is The Last Time

46 15 15
                                    

NOW

Nakakatuwang sabihin na, mahal ko yung school ko nung college kahit na puro pasakit ang dulot sa akin nun.

Kung hindi dahil sa eskwelahang ito, hindi ko makikilala ang roommate ko, at lalo nang hindi ko makikilala si William.

THEN

"Hey! Roommate! Galaw galaw! Tulaley ke nenemen!" sigaw ng aking roommate na si Celine. Bunganga talaga neto.

"Kita mong nagrereview ako dito eh," sagot ko sa kanya.

"Edi tawagan mo ulit si Mr. Smartypants. Tutal tinulungan ka na nya nung prelims niyo dati eh," sabi ni Celine.

"Ano ka ba! Nakakahiya. Tinulungan na nga nya ako dati eh. Ayoko namang istorbohin pa uli yun, prelims na rin nila," bumalik uli ako sa pagrereview. She rolled her eyes and sighed. Bigla namang may tumawag.

"Ayyiiee!! Sige na, usap na kayo," at lumayas sya ng kwarto. Nursing student si Celine, magkasing edad lang kami kaya parang kambal ang turingan namin. Apat na taon na rin kaming mag roommate simula pa nung first year college.

"Hello," sabi ko pagkasagot ko ng telepono.

"He-hello? Irene?" naiiyak na pahayag nung nasa kabilang linya. Babae ito. Nung una hindi ko sya kilala pero si Tita Jen lang pala, yung mommy ni William. Pero bakit sya umiiyak?

"Hello, tita? Bakit po kayo napatawag?" tanong ko. Nagaalala na rin ako.

"Kasi si William, anak. Si William," hindi niya natuloy, puro hikbi lang ang naririnig ko.

"Anu po? Ano pong nangyari?" bakit biglang nanakit ang puso ko? Ano ba talaga nangyayari?

"Nasa ospital sya, anak," sabi ni tita.

"Sige, pupuntahan ko nalang po kayo," sabi ko at agad na akong lumabas ng dorm at sumakay ng cab papuntang ospital.

"Huy! Saan ka pupunta!?" sigaw ni Celine sa akin pero hindi ko sya sinagot. Nang makarating ako sa ospital, agad naman akong sinalubong ni tita at pumunta ako sa tapat ng operation room.

"Tita ano po bang nangyari?" tanong ko halos nangingiyak na ako.

"Matagal ng may lung cancer si William. Ayaw nyang ipasabi sayo pero fifty-fifty na ang buhay nya ngayon. Baka hindi na sya makaabot bukas," dalawa na kaming umiiyak.

Hindi ko na mapigilan ang mga luha ko. Bakit sa dami ng tao sa mundo si William pa?

Napaupo nalang ako at naghintay ng balita sa doctor. Ang hirap panooring umiiyak si tita. Siguro mas malala ang nararamdaman niya ngayon. Ako kasi halos mamatay na ako ngayon sa takot na mawala sya. Ang daddy naman ni William ay nasa Hong Kong, dahil nandun ang trabaho niya.

May lumabas naman na doctor at agad naming nilapitan ni tita.

"Doc, kamusta po anak ko," tanong agad ni tita. Namumula ang buong mukha at mga mata niya.

"Misis, your son is very lucky. Nag-aagaw buhay na siya pero kinaya niya parin ang operasyon," parang may isang malaking tinik ang nabunot sa dibdib ko. Buti nalang ligtas siya.

"Napaka suwerte po talaga ng anak niyo," hindi ko na pinakinggan yung doctor at pumasok na ako sa loob habang kausap ni tita yung doctor.

Ang sakit sa loob ang makita si William na nakahiga sa isang hospital bed na may kung anong nakapasak sa katawan niya.

Hindi ko kayang makita syang ganito. Nakapanghihina ng katawan, sana lang talaga maalagaan ko sya, makatulong man lang sana at makabawi.

"Anak," sabi ni tita habang lumalapit kay William; tulog na tulog sya, parang walang nangyari.

Invalid FunctionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon